Lumapit si Raze sa akin habang umiiyak, at ako naman ay nakayuko lamang hinihintay kung ano ang sasabihin niya sa akin.
Hindi ko alam kung magagalit siya sa akin.
"Why didn't you tell me right away?" mahinahong sabi niya, ako man ay hindi malaman ang sasabihin, nanatili lang akong nakayuko.
Naramdaman ko ang dalawang kamay niya na nakahawak sa chin ko. "Why Aisla?" muling tanong niya, tiningnan ko ang mga tao sa paligid ko, nakita ko si Ayu na ngayon ay nandito na sa kitchen, karga karga ang aking anak.
"I'm sorry, to be honest wala akong balak sabihin sayo dahil nung mga panahong iyon ay galit na galit ako sayo at sa ginawa mo sa akin, pero ngayon na alam kong tunay na ang pagmamahal na ipinaparamdam mo sakin, hindi ko alam kung paano ko sasabihin sayo na anak nating dalawa si Kianna, I'm sorry raze, I'm sorry" sabi ko at hindi ko namalayan ang pagtulo nang mga luha ko, agad naman niya akong hinila palapit sa kanya atsaka niya ako niyakap.
"I'm not mad at you, in fact I'm even happy because kia is my real daughter, please stop crying my love" bulong ni Raze sa tainga ko, atsaka siya bumitaw sa pagkakayakap sa akin at tinitigan niya ako sa aking mga mata at hinawi niya ang ilang hibla ng buhok ko na ngayon ay nasa mukha ko na.
"Hindi parin ako makapaniwala na si Raze ang ama ni Kia" sabi ni papa atsaka siya lumapit sa aming dalawa ni Raze. "Masaya ako para sa inyo, kung nalaman ko lang ng maaga edi sana hindi ko pinaalis si Aisla papuntang ibang bansa" nakangiting sabi ni papa.
"Teka nga pala ano nga palang nagawa ni Raze sayo noon kung bakit hindi mo nasabi agad sa kanya ang totoo Aisla?" tanong naman ni mama sa akin.
"Hindi na po iyon importante ma, ang mahalaga mahal namin ang isa't isa" sabi ko atsaka ko nginitian si Raze ngunit sandali namang napakunot ang noo ko sa pagtatakha dahil akala ko pupunta siya sa burol ni Yumie. "W-wait akala ko ba pupunta ka sa burol ni Yumie?" kunot noong tanong ko.
Nagkatinginan naman sila Raze at papa at sabay silang natawa.
Huh? Anong meron?
"Oo nga pupunta nga ako, pero may importante muna akong sasabihin sayo!" sabi ni Raze na mas lalong ipinagtakha ko.
Ano naman kayang sasabihin niya? At mukhang importanteng importante ah dahil lahat sila nandito, nagulat pa ako dahil nandito rin ang parents ni Raze.
Ano bang sasabihin niya? At kailangang kumpleto kaming lahat dito?
"A-ah ano yun?" kinakabahan kong tanong, napatingin pa ako sa mga tao sa paligid ko na tila kinikilig.
Huh? Hindi ko sila maintindihan!
"Aisla, mahal na mahal kita simula palang nung una, gusto kong humingi nang tawad sayo sa lahat ng pasakit na ibinigay ko sa 'yo pero mahal ko, hindi ko iyon ginusto! naipit ako sa sitwasyong kailan man ay hindi ko ginusto ang piliin ang babaeng hindi ko naman gusto, pero Aisla sa totoo lang ikaw ang gusto kong makasama, I want you to be with you for the rest of my life" sabi ni Raze atsaka siya lumuhod sa harap ko na siyang ikinabigla ko. "And now in front of our family, I want to hear from you your answer “Yes” to what I will ask you" dagdag pa niya.
A-ano bang ginagawa niya? Magtatanong lang kailangan nakaluhod pa?
Napatakip ako nang bibig ng makita ko ang maliit na red box na kinuha niya mula sa bulsa nang pants niya.
"Aisla? Will you marry me? And be with me for the rest of your life?" maluha-luha ko siyang tinitigan habang ang dalawang palad ko ay nakatakip sa bibig ko.
BINABASA MO ANG
Tears Of Sorrow
Teen FictionMeet Aisla Xyceria a nerd student from Saint Brilliant International School, a smart student and reliable of all, she is very kind but shy, her parents had a lot of trust on her, but this trust was broken by unexpected circumstances that she could e...