TOS 13

108 35 4
                                    

Hanggang ngayon hindi parin ako makapaniwala sa nangyari sa amin ni Raze, I-ibinigay ko ang sarili ko sa kanya? tama ba yung ginawa ko? Mahal naman niya ako at tingin ko hindi niya ako iiwan pagkatapos ng nangyari sa amin.

Dumiretsiyo ako sa pharmacy upang bumili ng pills, mahirap na kasi baka mabuo ang ginawa namin ni Raze at ayokong mangyari yun.

Pagkatapos kong bilhin ang dapat kong bilhin ay umuwi na ako, buti at maaga pa kundi magtatakha nanaman ang magulang ko kung bakit late nanaman akong umuwi.

"Oh Aisla anak nandiyan ka na pala kumusta paggawa ng project?" Agad akong nag iwas ng tingin dahil sa tanong ni papa

Oo nga pala ang paalam ko nga pala sa kanila gagawa kami ng group project ng mga classmates ko.

Group project na kakaiba HAHAHAHA!

Mygosh Aisla! kailan ka pa naging ganyan?

"A-ah ayos lang naman po papa medyo mahirap po yung ginawa naming project buti nga po nakatapos po kami ng maaga hehe" pagsisinungaling ko.

Sa totoo lang hindi ako sanay na nagsisinungaling ako sa magulang ko lalo na kay papa.

"Tamang tama anak nakapag luto na ako ng paborito mong pinakbet" sabi ni mama.

Gustohin ko mang kumain kaso wala akong gana kung sinabi ko kay mama na busog ako atsaka ako umakyat papunta sa kwarto ko.

Nang makapasok ako sa loob ng aking kwarto ay agad ko namang binuksan ang cellphone ko, bahagya akong napangiti dahil sa text ni Raze.

From: Razey

"Hi beautiful. I love you"

Napakasweet naman talaga kaya hindi ko mapigilan ang mapangiti.

To: Razey

"Aww! I love you too"
Reply ko kay Raze. Patuloy lang kaming magkatext ni Raze hanggang sa makatulog ako.

Nagising ako dahil sa lakas ng ulan napatitig pa ako sa bintana at pinapanuod ang bawat patak ng ulan.

Tiningnan ko ang orasan

Halaaaa! 10:30 am na pala!

Napasarap ang tulog ko.

Binuksan ko ang cellphone at ang dami namang text.

10 messages from Razey

10 messages from Xylene

Una ko munang binuksan ang text message ni Raze, siyempre unahin ko muna ang kilig HAHAHAHAHA

From: Razey

"Love? Pwede ka bang pumunta sa bahay namin?"

"Pahatid ka kay jake papunta sa amin"

"May sasabihin lang ako"

Hindi ko na binasa ang sunod pa na text ni Raze at sunod ko namang binasa ang text ni Xylene.

From: Xylene

"Aisla, hang out tayo with DS girls mamayang 7pm sunduin kita sa inyo ipagpapaalam kita kila tita"

"Ano G ka ba?"

"Busy?"

"Alright basta mamayang 7pm susunduin kita diyan okay? Love youuu ;**"

Hindi ko na nireplyan si Xylene, dali dali akong lumabas sa kwarto tiningnan ko muna kung nandito sila mama at papa sa baba, wala sila dito saan naman kaya sila nagpunta?

Tears Of SorrowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon