TOS 34

50 14 12
                                    

WARNING! this chapter has sensitive scenes that minors should not read

Pagkatapos ng family dinner namin ay nagpaalam na kaming dalawa ni raze sa parents namin, dahil mukhang hindi pa uuwi sila mama at papa atsaka si lolo dad, dahil mayroon pa silang pinag-uusapan na hindi related sa kasal namin ni raze.

Kinuha ko na si Kianna doon sa maid atsaka ako inalalayan ni Raze lumabas sa bahay ng parents niya. Nang makalabas kami ay pinagbuksan na ako ni Raze ng kotse atsaka ako dahan dahan sumakay sa passenger seat at inayos ko ang pagkarga kay Kia dahil sobrang bigat na niya.

Nasa kalagitnaan kami ngayon ng byahe When Raze's cellphone suddenly rang, at agad naman niya itong sinagot.

"Oh? Serin?....sige kita nalang tayo bukas sa school.... nasa byahe kasi ako.... ah okay sige...ikaw din ingat" kunot-noo akong tumingin kay Raze.

"Sino yun?" takhang tanong ko kay Raze, agad naman siyang tumingin sa akin.

"Ah si serin yun, nanghihiram kasi siya nang stethoscope sa akin, why?" sabi ni Raze at muling tumingin sa dinadaanan namin.

"Uhmm wala, bago lang kasi sa pandinig ko yung pangalan niya" seryosong sabi ko habang nakatingin sa kanya. "Hmm bakit siya nanghihiram sayo? wala ba siyang sariling stethoscope at kailangan humiram pa sa iyo ng ganitong oras?" dagdag ko pa.

Tumingin naman si Raze sa akin atsaka siya bahagyang natawa.

Ano namang nakakatawa sa tanong ko?

"Nanghihiram siya kasi ayaw gumana ng stethoscope niya, atsaka why are you acting like that love?" natatawang sabi ni Raze habang nagdadrive.

"Ewan ko sayo!" inis na sabi ko, hindi ko pinansin si Raze hanggang sa makarating kami sa bahay.

Dire-diretso akong pumasok sa bahay at agad naman akong sinalubong ng yaya ni Kia.

"Paki linisan nalang po si kia" sabi ko sa yaya ni Kia, atsaka niya binuhat ang anak ko.

At nang iakyat na ni yaya si kia sa kwarto ay dali dali akong pumunta sa kitchen para uminom ng tubig.

"Love pansinin mo naman ako!" inilapag ko ang basong ininuman ko sa ibabaw ng kitchen counter at humarap ako kay Raze.

"What?" mataray kong tanong.

Lumapit naman siya sa akin at hinawakan niya ang dalawang kamay ko atsaka niya ito hinalikan. "H'wag ka ng magalit! promise nanghihiram lang siya sa akin nang stethoscope" pangsusuyo niya sa akin, tiningnan ko naman ang mukha niya na ngayon ay parang bata na nagmamakaawa.

"Nang ganitong oras?" mataray kong sabi.

"Sabi ko nga po na bukas nalang kami magkita sa UST" pagdedepensa niya.

"Siguraduhin mo lang Yuan!" pagbabanta ko sa kanya.

"I love you" sabi niya atsaka niya ako binigyan ng smack kiss sa labi.

"Sige aakyat na ako papunta sa kwarto" sabi ko atsaka ako kumawala sa pagkakahawak niya sa kamay ko, nakita ko pa siyang ngumuso habang nakatingin sa akin.

"Where's my 'I love you too'?" sabi ni Raze habang nakanguso, gusto kong matawa dahil para siyang bata.

"Hanapin mo kay serin, baka na sakanya!" sarkastiko kong sabi atsaka ako dire-diretsong umakyat papunta sa kwarto namin ni Kia.

Kinabukasan ay maaga akong nagising, lumingon pa ako sa kaliwa't kanan kung nandito ba si Raze.

Hindi ba siya tumabi sa akin kagabi?

Tears Of SorrowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon