TOS 27

112 25 18
                                    

Warning!! this chapter contains mature content not suitable for young readers so read at your own risk




Inilibot ko ang paningin ko sa loob ng bahay, katamtaman lang ang laki nito at maganda rin ang pagkakaayos sa living room, there is also a painting hanging near the long sofa, at mayroon ding malaking divider na kung saan nilalagay dito ang TV, at mga picture frame, mayroon ding minimalist table sa gitna ng sofa, at sa dalawang gilid ng divider nakalagay dito ang napakalaking flower vase.

Pagkatapos kong pagmasdan ang buong disenyo ng bahay ay pumunta ako sa kusina para buksan ang ref dahil nakaramdam ako ng gutom, hindi kasi ako nagbreakfast kanina.

when I opened the refrigerator I suddenly lost my appetite because the refrigerator was empty.

"Ano ba yan, ang ganda ganda ng bahay tapos walang kalaman laman yung ref" bulong ko na tila kinakausap ko yung refrigerator.

"Do you want me to buy a food?" muntik na akong mapatalon sa gulat ng marinig kong nagsalita si Raze sa likuran ko.

"Ano ba? bakit ka ba nandito?" inis na tanong ko.

Nakakainis kasi bigla bigla nalang sumusulpot

"I saw you coming here so I followed you, are you hungry already?" seryosong tanong niya sa akin.

"Nawalan na ako ng gana magpapahinga nalang ako" sabi ko atsaka ko siya tinalikuran at akmang maglalakad na ako ng bigla niyang hinigit ang kamay ko atsaka niya ako niyakap ngunit hindi nagtagal ang yakap na yun dahil agad din niya akong binitawan.

"Pupuntahan ko lang si Yumie ah" seryosong pag papaalam niya sa akin.

Tinaasan ko naman siya ng kilay dahil bakit ba siya nagpapaalam sa akin? as if naman may pakialam ako kung pumunta siya doon.

"Then go! bakit ka pa nagpapaalam sa akin? As if naman na pipigilan kita!?" mataray kong sabi atsaka ko pinag krus ang kamay ko.

"Hahahaha wala naman akong sinasabing pipigilan mo ako" natatawang sabi niya atsaka siya bahagyang lumapit sa akin. "Pero kung pipigilan mo ako, magpapapigil ako" dagdag niya pa atsaka niya hinawi ang buhok ko.

"Ewan ko sayo! Wala akong pakialam sayo" naiinid kong sabi ngunit nginitian niya lang ako, pinagmasdan ko ang ngiting iyon tila may kung ano akong naramdaman sa mga ngiti niya. Parang hindi siya masaya, parang pilit ang mga ngiti niya.

Bigla namang may kung anong kumirot sa puso ko. "S-sige na umalis ka na, i-ingat" pagkatapos kong sabihin iyon ay dali dali akong umakyat sa taas at binuksan ko ang kwarto kung nasan ang aking anak.

Naabutan ko naman doon ang kasambahay na binabantayan si Kia habang natutulog.

"Ahm a-ate ako na po dito" sabi ko sa kasambahay, pagkalabas nito ay isinarado ko na ang pinto atsaka ako napaupo sa kama at inalala ang mga ngti ni Raze.

Bakit ganun? Bakit parang nasasaktan ako sa mga ngiting iyon? Bakit parang may mali?

Atsaka bakit ko ba 'to nararamdaman? Hindi ko dapat ito maramdaman!

Ahmgh nakakainis!

Napahiga naman ako sa kama atsaka ako nagtakip ng unan.

Iminulat ko ang aking mga mata nang marinig ko ang malakas na iyak ni Kia, agad naman akong bumangon para buhatin siya atsaka ko tiningnan ang orasan na nakapatong sa mini table.

7pm.

Nakatulog pala ako ng mahimbing, hindi ko na tuloy naasikaso si Kia hays, nagugutom na pati ako gusto ko sanang lumabas para mag grocery kaso gabi na.

Tears Of SorrowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon