TOS 35

49 14 5
                                    

Third person’s POV

Habang nagkakasiyahan ang lahat sa engagement party ng soon to be Mr and Mrs Yuan, ay hindi nila alam na mayroong nag mamasid sa kanila.

Isang tao na tutol sa pagmamahalan nang dalawang magkasintahan na si Aisla at Raze, dahil hindi nito matanggap  ang pag kawala ng ka isa isa nilang anak na babae, kung kaya’t mayroon itong pinaplano na hindi maganda sa buong pamilya ng Yuan.

Kinuha niya mula sa loob ng bulsa ng pants niya ang cellphone at mayroon itong tinawagan.

“Kinuha niyo na ba lahat ng funds ng hospital na ‘yon?” tanong nito sa kausap niya.

Ang tinutukoy nito ay ang funds sa hospital ng Yuan’s family.
it intends to take all the funds of the hospital owned by the yuan family.

“Mabuti kung ganoon” sabi pa nito sa kausap sa kabilang linya, and he end the phone call.
Bago siya umalis sa hotel ay sumulyap muna siya sa direksyon kung nasaan si Raze na ngayon ay masayang masaya na nakikipag usap sa mga kaibigan nito.

“Magpakasaya lang kayo, pagkatapos ng ginawa niyo sa anak ko, ewan ko lang kung hindi kayo magulantang sa paunti unting pagbagsak ng hospital niyo!” wika niya na tila kinakausap ang pamilya yuan sa malayong direksyon atsaka ito nagmadaling umalis.

Kinabukasan ay tanghali ng nagising si Aisla dahil sa pagod kagabi, tiningnan muna niya ang anak niya na ngayon ay nakadapang natutulog sa dibdib ng kanyang mapapangasawa.

Bahagya siyang napangiti at hinalikan niya ang noo ng kanyang anak, gayon din kay Raze na payapang natutulog habang yakap yakap ang anak.

Dumiretso na si Aisla sa CR bitbit ang susuotin niya atsaka siya naligo at pagkatapos niyang maligo ay nag sepilyo na siya bago siya magbihis ng susuotin niya pagpasok sa UST.

“Hello dad?...What?... How did that happen?” mabilis na lumabas si Aisla sa CR ng marinig niya ang boses ni Raze.

“What happened?” bakas sa tono ng boses ni Aisla ang kuryosidad habang tinititigan niya ang kanyang mapapangasawa na ngayon ay galit na galit habang mariin ang pagkakahawak sa cellphone nito.

“Ninakaw lahat ng funds ng hospital at may theory na ako kung sino ang gumawa nun!” wika ni Raze na tila sasabog na sa galit. “I will go to the hospital first to find out everything!” dagdag pa nito atsaka siya nagmadaling kumuha ng susuotin pagkatapos ay dumiretso sa CR.

Si Aisla naman ay hindi malaman ang gagawin niya kung paano niya pakakalmahin ang kanyang nobyo.

Pagkatapos ni Raze mag ayos ay binigyan niya ng smack kiss si Aisla.

Lalabas na sana siya mula sa kwarto nang bigla siyang hawakan ni Aisla sa braso.

“I will come with you” sabi ni Aisla at bahagyang ngumiti kay Raze tila pinakakalma niya ito.


“May klase ka pa” seryosong sabi ni Raze.

“Ano pa’t magiging asawa mo ako, kung sa laban na ito hahayaan kitang mag isa?” seryosong sabi ni Aisla. “Hintayin mo ako mag bibihis lang ako” sabi pa ni Aisla. Wala ng nagawa si Raze kung hindi hintayin si Aisla.

Ibinilin muli ni Aisla ang kanilang anak sa kanilang kasambahay dahil nga ay pupunta sila sa hospital para alamin kung sino ang kumuha nang lahat ng funds sa hospital ng pamilya yuan.


“I-check niyong mabuti lahat ng CCTV!”bulyaw na utos ni Mr taurus sa mga tauhan niya, kung kaya’t nagmadali naman silang tingnan lahat ng nakunan nang CCTV.

Nakita nga sa CCTV sa parking lot ang isang kotseng pumarada pagkatapos ay may isang lalaking bumaba mula roon, nakaitim na sumbrelo ito at mayroong takip ang mukha, nagpalinga linga pa ito kaliwa’t kanan kung may tao ba sa paligid, at ng mapansin nitong walang tao sa paligid ay dumiretso ito sa fire exit ng hospital dahil hindi ito makatyempo, dahil may ilan pang nurse at doctor ang nakaduty sa hospital, nang makapasok ito sa fire exit ay dali dali itong tumakbo sa second floor ng fire exit kung saan walang nurse at doctor na dumadaan,

Nang marealized ng lalaki na mas mahihirapan siyang kunin ang pinapakuha sa kanya dahil sa takip ng mukha, ay tinanggal niya iyon atsaka niya inayos ang sumbrelo niya.

Pagkapasok niya sa loob ng hospital ay dali dali nitong hinanap ang pinagtataguan ng mga funds sa tulong ng tinext ng kanyang amo na si Mr Vienuex na minsan ng naging kaibigan ni Mr Taurus.


“Hanapin niyo ang lalaking ‘yan ngayon din” gigil na gigil na sabi ni Raze at hinawakan naman ni Aisla ng mahigpit ang kamay ni Raze.

“Kaya pala nagdududa ako na wag kong ilagay lahat doon ang pondo ng hospital na ‘to, at mabuti nalang may natira pang pondo sa bank account ko” sabi ni Mr taurus habang nakahawak sa kanyang sentido.

Ilang araw ding pinaghahanap ng mga tauhan ni Mr Taurus at ng mga pulis ang lalaking kumuha ng lahat ng pondo ng hospital ng mga Yuan, ng walang pahintulot.

“Sabihin mo sa amin kung sinong nag utos sayong nakawin ang pera ng hospital namin??” gigil na tanong ni Raze sa lalaking kaharap niya ngayon sa police station, at hanggang ngayon ay kasama niya parin si Aisla na todo ang pagpapakalma kay Raze.

“Anong mapapala ko kung sasabihin ko sa inyo? Bakit kaya niyo bang ibigay sa akin ang pangangailangan ng pamilya ko tulad ng pagbibigay sa akin ng pabuya ni Mr Vienuex?” gulat na gulat si Mr Taurus at Mr drea lalo na si Aisla sa kanilang narinig mula sa lalaking ito, maging ang lalaki ay nagulat dahil sa pagkadulas ng kanyang dila.

“So sinasabi ko na nga ba! Ang daddy ni Yumie ang may pakana nito!” seryosong sabi ni Raze habang ang kanyang dalawang kamao ay nakatikom na para bang gusto niyang manakit ng tao.

“Why did he do this to us?” nagugulumihanang tanong ni Mrs Drea Yuan.

“I’m sorry mom, and dad, this is all my fault!” paghingi ni Raze ng pasensya sa kanyang mga magulang. “Hayaan niyong ako ang mag ayos sa kasalanang ginawa ko!” dagdag pa nito dahilan para maguluhan ang kanyang mga magulang sa kanyang sinasabi.

“What do you mean son?” naguguluhang tanong ni Mr Taurus.

“Atsaka ko muna po ipapaliwanag sa ngayon kailangan muna po naming umalis ni Aisla, at pakisabi sa mga pulis ihanda po nila ang warrant of arrest laban kay Mr Vienuex” sabi ni Raze atsaka nagmadaling lumabas ng police station kasama si Aisla.

“Saan tayo pupunta?” tanong ni Aisla habang inaayos ang kanyang seatbelt.

“Sa bahay ng mga Vienuex!” seryosong sabi ni Raze, and he start the engine of his car atsaka siya seryosong nagmaneho.

“Are you serious? Can we just let the police go to their house?” kinakabahang wika ni Aisla atsaka niya hinawakan ang kamay ni Raze.

“No, gusto ko siyang makaharap!” seryosong sabi Raze.

Ilang minuto lang ay huminto na ang kotseng sinasakyan nila at dali daling bumaba si Raze at tumakbo patungo sa malaking gate, hindi man lang niya naisip na kasama niya si Aisla, kung kaya’t nagmadali naman si Aisla bumaba ng sasakyan para awatin si Raze na ngayon ay sunod ang pagpipindot sa may doorbell button.

Maya maya pa ay lumabas si Mr Vienuex atsaka nito binuksan ang gate.

“Oh the son of a bitch-----” hindi na natuloy ang sasabihin ni Mr Vienuex ng biglang lumipad ang kamao ni Raze sa pagmumukha ni Mr Vienuex.

“Oh my gosh! What the hell are you doing??!” bulyaw ni Mrs Vienuex kay Raze na ngayon ay inaawat ni Aisla dahil gusto pang sugurin ni Raze ang tatay ni Yumie. “Pwede ba umalis na kayo rito? Bago pa ako tumawag nang pulis!” sabi pa ni Mrs Vienuex.

“Nagpapatawa ba kayo? Ang pulis ang darating dito para sa kaso ng demonyo mong asawa!” sarkastikong sabi ni Raze atsaka niya nginisihan ng todo si Mr Vienuex na ngayon ay nakabulagta sa sahig dahil sa suntok ni Raze. “Kaya kung ako sayo Mr Vienuex, ibalik mo sa amin ang lahat ng kinuha mo sa amin!” gigil na sabi ni Raze habang dinuduro duro si Mr Vienuex.

“What are you talking about?” may halong kuryusidad na tanong ng mommy ni yumie.

“Hahahahaha! Kung tutuusin kulang pa ang ginawa ang ginawa ko, kumpara sa ginawa niyong dalawa ng malandi mong kasintahan, sa aking anak!” malademonyong sabi ni Mr Vienuex.

Napalapit naman ng kaunti si Aisla kay Mr Vienuex dahil sa sinabi nito tungkol sa kanya.

“Mawalang galang na ho, pwede po ba tigilan niyo na ang pang aakusa sa amin sa nangyari kay Yumie! Eh ano ngayon kung kulang pa ang ginawa niyong pagnanakaw sa hospital na pag mamay-ari nila Raze? Kahit anong gawin niyo, pabagsakin niyo man o kunin ang lahat ng ari-arian nila,  hindi niyo parin maaalis ang katotohanang kahit kailan hindi hinding na babalik si Yumie sa inyo!” matapang sabi ni Aisla atsaka niya binigyan ng sarkastikong ngiti ang dalawang mag asawa.

Tumayo naman bigla si Mrs Vienuex upang sampalin si Aisla ngunit agad agad namang nasalo ni Aisla ang palad nito.

“Pwede ba, sumuko nalang kayo, dahil sa tingin ko hindi natutuwa si Yumie sa mga pinaggagagawa ninyo” wika ni Aisla at padabog niyang binitawan ang kamay ni Mrs Vienuex, kasabay nun ang pagdating ng mga pulis, atsaka nila dinampot si Mr Vienuex.

Makalipas ang ilang taon, marami ang nangyari sa buhay nila Raze at Aisla at napagtagumpayan naman nila iyon, kasama na rito ang pagtatapos nila ng kolehiyo, at naging isang ganap na Veterinarian na nga si Aisla at si Raze ay isa ng ganap na doctor.

At ngayon ay dadako na sila sa panibagong yugto ng buhay nila kung saan mas kailangan nilang patatagin ang pagmamahalan nila, dahil ngayon na ang araw ng pag iisang dibdib nila.

Tears Of SorrowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon