TOS 31

66 15 7
                                    

Raze and I were just standing here outside the morgue's door nakabukas ito kung kaya't kitang kita namin kung gaano kasakit ang nakikita kong paglukuksa ng parents ni Yumie.

Bakit nga ba hindi ko siya nabigyan ng pagkakataon para maging kaibigan niya ako?

Una palang alam kong mabait si Yumie pero nagbulag bulagan ako dahil sa sakit na naramdaman ko noon.

Bumalik lang ako sa wisyo ng biglang tumunog ang cellphone ko na nasa loob ng pouch ko agad ko naman itong sinagot ng makita kong si Lolo dad ang tumatawag.

Wala gana kong sinagot ang answer button.

"Hello?" tila nanlalambot kong sabi.

"Where are you hija bakit wala kayong dalawa dito sa bahay niyo? It's already 12 am" alalang alalang sabi ni lolo dad, napatingin naman agad ako sa relong suot ko, he's right 12 am na, hindi na namin namalayan ni Raze ang oras.

"Pauwi na rin po kami, galing po kami sa party ng bestfriend ko" pagkasabi ko nun ay ibinaba ko na ang tawag, atsaka ko tiningnan si Raze na ngayon ay nakatingin na rin sa akin.

"Raze mauna na ako sayo, kung gusto mo mag stay dito okay lang" paalam ko kay Raze.

Umiling naman siya atsaka siya lumapit sa akin.

Naalala ko nandoon pa nga pala yung kotse ko sa parking lot ng bahay nila Ayu, sumabay kasi kami sa ambulance papunta dito eh.

"Sasabay na ako sa 'yo" sabi niya at nagulat pa ako ng bigla niya akong yakapin. "Hindi ako papayag na hindi kita kasabay umuwi" sabi niya atsaka niya hinalikan ang pisngi ko.

Hindi na kami nakapag paalam sa parents ni Yumie dahil nakakatiyak akong bubulyawan lamang nila kami.

Nagcommute nalang kami ni Raze dahil nga ang kotse naming pareho ay nasa parking lot ng bahay nila Ayu.

"I felt guilty" sabi ko.

Napatingin naman sa akin si Raze atsaka niya hinawakan ang kamay ko.

"Do not think about it" sabi niya atsaka niya pinisil ang kamay ko.

Lumuluha akong humarap kay Raze "Because I didn't give her a chance para kaibiganin niya ako, nag uumapaw ang galit sa puso ko that time kaya hindi ko siya magawang pansinin" naiiyak kong sabi, medyo hininaan ko lang ang boses ko dahil sigurado akong kanina pa nagtatakha ang driver ng taxi kung bakit ako naiyak, baka isipin pa niya inaaway ako ni Raze.

"I'm sure na maiintindihan ni Yumie yun, please don't cry" pag aalo niya sa akin, kung kaya't tumigil narin ako sa kakaiyak.

Ng makarating kami sa bahay ay agad naman kaming sinalubong ni lolo dad.

"It looks like you two are getting better, kasi nung huling beses na makita ko kayo parang ayaw sayo ni Aisla, hijo" tuwang tuwang sabi ni lolo dad habang nakatingin sa kamay naming dalawa ni Raze na magka-holding hands at nang mapansin ko yun ay mabilis kong binitawan ang kamay ni Raze.

"Ganun po talaga kapag gwapo, kahit mabangis na tigreng tulad ni Aisla napapaamo ko" pagmamayabang ni Raze, napairap naman ako dahil sa taglay niyang kayabangan.

"Asa ka hmmp! lolo dad akyat po muna ako sa taas" sabi ko atsaka ko pinandilatan ng mata si Raze, kung ano ano kasing sinasabi.

At nang makaakyat na ako sa kwarto namin ni Kia ay naabutan kong tulog na tulog na ang aking anak, nilapitan ko naman ang crib niya.

2months na siya at patagal ng patagal ang paglilihim ko sa katotohanang totoong anak ni Raze si Kia.

Naalala ko tuloy ang sinabi ni Yumie sa akin sa mall habang kasama niya si Raze

Tears Of SorrowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon