TOS 26

114 28 24
                                    

Kinabukasan ay maaga akong nagising dahil sa iyak ni Kia.

Dali dali naman akong bumangon para buhatin si Kia.

Hmm I smell something bad, I laid Kia down on my bed and looked at her diaper.

Kumuha ako ng baby wipes ni Kia atsaka ko siya nilinisan ng mabuti.

Pagkatapos ko siyang linisan ay binihisan ko siya at muli ko siyang inilapag sa kanyang kuna.

Ngayon na pala ang araw ng pag alis namin papunta doon sa bahay na binili nila.


I touched my lip and remembered what happened last night.

'Bakit ako nagpahalik sa kanya?'

Tanong ko sa aking sarili

Nakakainis naman! hindi ba dapat galit ako sa kanya? Pero bakit ako nagpahalik? Damn!


*Tok Tok*

Napatayo naman ako ng may biglang kumatok sa pinto ng kwarto ko at dali dali ko naman itong binuksan.


At nakita ko naman si papa na seryosong seryosong nakatingin sa akin.

"P-pa, good morning po" bati ko kay papa atsaka ako pilit na ngumiti sa kanya.

Gusto kong mag sorry sa kanya dahil sinagot sagot ko siya kagabi, pero kasi tama naman ako ih, masiyado nila akong kino-control halos masakal na nga ako sa mga pinag gagagawa nila eh. ni wala akong naging desisyon para sa sarili ko.

"Nandiyan na si Raze para sunduin kayo" seryosong sabi ni papa.

Ano? sinundo kami ni Raze?

T-teka akala ko kasama sila sa pagpunta namin doon sa bahay?


"P-pero papa--"

"Aisla magtatalo nanaman ba tayo?!" tila naiinis na sabi ni papa. napaiwas naman ako ng tingin dahil hindi ko gusto ang inaasal ni papa sa akin ngayon.

"S-sige po mag aayos lang po ako" sabi ko habang nakatungo, pagkaalis ni papa sa labas ng kwarto ko ay isinara ko na ang pinto at muli akong napaupo sa kama ko.

Wala na talaga akong magagawa!


Inayos ko na ang sarili ko, naligo ako at pagkatapos ay pinatuyo ko ang buhok ko.

Naglagay ako ng cream sa mukha at kinalat ko iyon sa buong mukha ko, pagkatapos kong ayusan ang mukha ko ay nagbihis na ako ng simpleng dress lang atsaka ko inilugay ang buhok ko.


Naglagay ako ng red lipstick sa aking labi, pagkatapos ay lumapit ako sa crib ni Kia atsaka ko siya binuhat ng may pag iingat.

"Good morning my little one" sabi ko ipinadulas ang hintuturo ko sa ilong ni Kia dahilan para ngumiti siya.

Napakagandang bata.


Lumabas na kami ni Kia sa aming kwarto atsaka kami bumaba at dumiretso sa sala.

Nakita ko naman doon si Raze na prenteng nakaupo sa sofa.

Kapal ng mukha nito ah, feel at home na feel at home? tsk tsk!


Tiningnan naman niya ako mula ulo hanggang paa at nang mapansin kong hindi na maalis ang tingin niya sa akin ay inirapan ko siya

Ngunit hindi tumalab ang pag irap ko sa kanya, titig na titig parin siya sa akin.


Tears Of SorrowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon