TOS 25

111 30 16
                                    

"Sino ba kasi yung guy na yun?" tanong ni keila sa akin ng makarating kami sa bahay.

Hindi ko pinansin ang mga tanong ni Keila sa akin.

Pumasok na ako sa kwarto namin ni Kia, kasunod ko si keila na walang sawa sa pagtatanong sa akin kung sino yung lalaking iyon.

"Why he was interested to know who is Kia's father?" tanong ulit ni Keila.

Pagkatapos kong ilapag si Kia sa crib niya ay lumingon naman ako kay Keila. "But you know parang familiar yung guy sa akin" sabi ni keila na tila nag iisip ng malalim.

Kunot noo naman akong tumingin sa kanya.

"Kilala mo siya?" takha kong tanong.

"I'm not sure but I think nakita ko na siya" seryosong sabi ni Keila. "Yes I remember him, he is my boyfriend's tropa" maarteng sabi ni Keila.

Boyfriend? Tropa? Sino naman sa tatlong yun ang boyfriend ni Keila.

"S-sinong boyfriend mo?" kunoot noo kong tanong kay keila.

May boyfriend pala siya, bakit hindi niya sinasabi?

"Si Jake Sandford" sabi ni keila na tila kinikilig pa.

Napairap naman ako dahil sa expression ng mukha niya.

Sanaol kinikilig diba?

"Ayun? Si Jake? Boyfriend mo? Tsk tsk be careful ah baka pag pustahan ka rin nila" seryoso kong sabi atsaka ako umupo sa kama ko.

"Huh? What do you mean?" takhang tanong ni Keila atsaka siya umupo sa tabi ko.

"Ang sabi ko baka pagpustahan karin nila katulad ng ginawa nila sa akin" walang emosyon kong sabi habang nakatingin sa crib ni Kia.

Naalala ko nanaman ang pangyayaring iyon, kung bakit ba kasi nakita ko nanamn yung Raze na yun.

"Omg! P-pinag pustahan ka nila?" sabi ni Keila, bakas sa tono niya ang awa para sa akin. "Omg! Bakit nila yun ginawa sayo?" tila naiinis na sabi ulit ni Keila.

Napabuntong hininga nalang ako dahil ayoko ng balikan ang nakaraan na yun dahil ang mas importante sa akin ngayon ay ang anak ko.

"Hmm tingin ko naman hindi yun gagawin ni Jake sayo, kaya wag kang mag-alala hinding hindi yun mangyayari sayo" nakangiting sabi ko para hindi na mag alala si Keila.

"But I want to know kung sino ang lalaking gumawa nun sayo?" muli akong bumuntong hininga dahil sa kakulitan ni Keila na malaman kung sino ang lalaking gumawa nun sa akin.

"Si Raze, yung nakasalubong natin kanina sa hospital, at siya rin ang daddy ni Kia" deretso kong sabi sa kanya, at muli akong tumingin sa natutulog kong anak.


"Oh my.. s-siya ang daddy ni Kia?" hindi makapaniwalang saad niya, tumango naman ako sa kanya bilang sagot sa katanungan niya. "So anong balak mo?" muling tanong ni Keila sa akin.

"Wala" tipid kong sagot. "Wala akong planong makilala siya ni Kia, hahayaan ko ang tadhana para sa kanilang mag ama" malungkot kong sabi.

Alam kong darating din ang panahon na makikilala nila ang isa't isa.

At sana kapag dumating ang panahong iyon ay maging handa ako

Marami kaming napagkwentuhan ni Keila at isa na roon ang gaganaping engagement party next week, ngunit hindi ko sinabi sa kanya kung sino ang lalaking ipapakasal sa akin.

Tears Of SorrowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon