TOS 6

123 42 4
                                    

Aisla's POV

Raze..

Ang bilis ng tibok ng puso ko habang nakatingin ako kay Raze.

"Let go of my hand, Raze!" Maarteng sigaw ni Hailey. Kita ko ang higpit ng pagkakahawak ni Raze sa pulso ni Hailey.

Gusto ko siyang awatin pero hindi ko alam ang gagawin ko!

"Mag sorry ka muna kay Aisla bago ko bitawan ang kamay mo" seryosong sabi ni Raze. Ilang segundo pa bago ako titigan ni Hailey.

"L-look I-I'm sorry Aisla, now raze, can you let go of my hand?" Pakiusap ni Hailey kay Raze. Pagkatapos nun, pabagsak na binitawan ni Raze ang kamay ni Hailey, tumakbo naman palayo sa'min si Hailey.

Nabaling sa'kin ang tingin ni Raze kung kaya't napayuko ako dahil sa hiya.

"Ayos ka lang?" May halong pag-aalalang tanong ni Raze, tumango naman ako dahil nahihiya akong magsalita, dahil nasa harapan ko siya.
"Sabihin mo lang sa akin kapag inaway ka ulit ni Hailey, handa akong maging tagapag-tanggol mo" dagdag niya pa.

Umangat naman ang tingin ko sa kaniya tsaka ako natawa.

"Tagapag-tanggol? Ano ka? Super-hero? Haha" natatawang sabi ko.

"Ano naman ang nakakatawa sa pagiging tagapag-tanggol? Hahaha" natatawang tanong niya sa akin.

Habang pinagmamasdan ko siya habang nakangiti, mas lalong tumibok ang puso ko.

'Ang gwapo niya lalo na kapag nakangiti'

Umiwas naman agad ako ng tingin nang mapansin niyang titig na titig ako sa kanya. "Nasaan nga pala si Xylene? Bakit mag-isa ka lang?" Tanong niya ulit. Naalala ko bigla si Xylene.

Hala oo nga pala kailangan ko nga palang suyuin si Xylene, baka isipin niya na wala na akong pakialam sa kanya. Dali-dali akong tumalikod kay Raze tsaka ako naglakad.

"Teka! Sandali! Aisla!" Habol niya sa akin, atsaka niya hinawakan ang aking kamay. Tiningnan ko naman ang kamay naming dalawa, tila may kuryenteng dumaloy sa aking katawan ng maramdaman ko ang malambot niyang palad na nakahawak sa aking kamay.

Ano ba itong nararamdaman ko? Tama ba ito? Hindi ko pa siya gaanong kakilala pero ang gaan-gaan na ng loob ko sa kanya.

Nang mapansin ni Raze na nakatingin ako sa kamay naming dalawa, tsaka niya binitawan ang aking kamay.

"Ahh sabay na tayo pumunta sa cafeteria, ayos lang ba?" Sabi ni Raze na parang walang nangyari.

"A-ah o-okay sige" nauutal kong sabi, tsaka ako naunang maglakad sa kanya.

Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko, Masaya ako na parang kinakabahan dahil first time kong maramdaman ito, first time kong magkagusto sa isang lalaking hindi ko naman gaanong kakilala.

Nilingon-lingon ko ang bawat sulok ng cafeteria ngunit hindi ko makita si Xylene.

Nasaan na ba yun?

Kahit sila Reuxe and Ayu hindi ko makita.

"Oh tol? Bakit kasama mo si Miss Xyceria, may label na ba kayo? Hahaha" sabi ng isang kaibigan ni Raze, na sa pagkakaalam ko eh Jake ang pangalan niya. Medyo maitsura siya na may pagkapilyo.

"Hindi naman porket kasama niya si Aisla eh may label agad, mag-isip ka rin paminsan-minsan Jake" Seryosong sabi naman ng isa pang kaibigan ni Raze. Sa pag kaka-alam ko rin Law Villanueva ang pangalan niya

Tears Of SorrowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon