TOS 2

177 49 16
                                    

Chapter 2

Xylene's POV

I am with my squad, at siyempre nangunguna ako sa paglalakad papunta sa aming room bawat estudyanteng nadadaanan namin ay tinatarayan ko lang, bakit? of course I am their queen.

First of all let me introduce myself to you. My name is Xylene Takahata the one and only queen of bitch here at saint brilliant international school. Walang sinuman ang pwedeng humarang sa dinaraanan ko. Dahil pag nagkataon na ako ay hinarangan mo hindi ako magdadalawang isip na paluhorin ka sa harapan ko.

sa gitna ng paglalakad namin sa hallway meron akong nakitang estudyante na familiar sa akin, kung kaya't nilapitan ko ito ng maigi. at Hindi nga ako nagkamali siya ang childhood bestfriend ko, Si Aisla Xyceria. Teka bakit niya kasama sila Raze Yuan? Close sila?

"Aisla? Is that you? Mygod! Long time no see" pagbati ko sa bestfriend kong matagal kong hindi nakita, a few years also since we didn't meet

"Xylene you know her ba?" Maarteng tanong ni Reuxe sa akin

"Yes, she is my friend I have not been with for a long time" mataray na sabi ko kay Reuxe.

Akmang lalapit na ako kay Aisla nung biglang humarap sa amin sila Raze at Razyer

"Hi Xylene" bati ni Raze sa akin. Inirapan ko lamang ito, wala akong panahon sa lalaking to feeling gwapo, well I can't deny that he is really handsome kaso nga lang lumalaki ang ulo niya kapag pinupuri siya, duh? Maraming nagkakagusto sa kanya at nagpapasalamat ako dahil hindi ako kasama sa mga fan girls niya Tss

"Sorry but you're not the one I want to talk to so you can leave now Jerk" sabi ko kay Raze atsaka ko ito inirapan

"Sino ka nga ulit?" Nakangising saad ni Raze atsaka niya pinagtuunan ng pansin ang mga kasama ko

"Xylene Takahata"

"Ikaw si Xylene Takahata na walang karapatan para utusan ako, hindi mo ako alipin na uutusan mo kung kailan mo gusto, TANGA lang ang sumusunod sayo!" saad ni Raze na may halong pang aasar

Aba't talagang sinusubukan ako ng lalaking ito!

"XYLEEENEEE!!!" nawala ang atensiyon ko kay Raze dahil bigla akong niyakap ni Aisla. "Kamusta ka na? Grabe! Hindi ko akalain na makikita kita dito, teka sino yung mga kasama mo?" Ani Aisla na tuwang tuwa dahil nakita niya ako, kung hindi lang ako niyakap ni Aisla paniguradong papatulan ko talaga yung Raze na yun

"Okay lang ako How 'bout you? Grabe namiss kita. Anyway Aisla sila ang mga kaibigan ko dito sa Saint Brilliant International School hayaan mo ipapakilala kita sa kanila---" hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil biglang nag ring ang bell ng school namin. It means oras na ng klase namin. "Gosh! Maybe later ipapakilala kita sa kanila okay punta muna kami sa room namin" pagpapaalam ko kay Aisla atsaka ako bumeso sa kanya "Let's go girls" nanguna ulit ako sa paglalakad kasunod ko ang mga kasama ko

Aisla's POV

Grabe natutuwa ako dahil nakita ko dito ang pinakamatalik kong kaibigan kahit papaano may kakilala ako sa school na ito

"STUDENTS, ALL OF YOU COME HERE IN FRONT OF THE GYM BECAUSE I HAVE SOMETHING TO INTRODUCE TO ALL OF YOU"

"Miss Aisla sumunod ka po sa akin sa backstage ng gym" saad ng isang matandang babae na lumapit sa akin, na wari ko ay isa siyang guro dito sa paaralan na ito

sumunod na lamang ako sa kaniya dahil hindi ko rin naman alam kung saan ang gym dito sa school na ito. Napakalaki kasi ng ground eh maliligaw ata ako dito hahahaha kailangan ko pa ata ng mapa para hindi ako maligaw

huminto ang guro doon sa may parang backstage ngunit nagtataka ako kung bakit kailangan ko pang pumunta sa backstage, anong meron?

maya-maya pa ay naririnig ko na ang ingay ng mga estudyante dito sa Gym 'Ano kayang meron?' Siguro may program kaya pinapapunta lahat ng estudyante dito sa Gym, pero bakit nandito ako sa backstage? Diba dapat kasama ako doon sa mga estudyanteng na sa gym? Hayss baka di ako belong sa kanila?

"Miss Aisla pumunta ka na po sa stage doon ka po dumaan" saad ng isang guro na kanina pa ako ginagabayan, itinuro niya sa akin ang hagdan kung saan ako lalabas patungong stage

ano bang meron at kailangan ko pang pumunta sa stage? 'Halaaaaa? Mag iintroduce your self ba ako? Gosssh hindi ako ready!"

at eto na nga dahan dahan akong umakyat sa hagdan, at dahan dahan din akong umakyat doon sa pinaka stage halo halong kaba ang nararamdaman ko dahil pagtingala ko napakaraming estudyante ang nakatingin sa akin, ngunit isang lalaki ang nakaagaw ng atensiyon ko. Yung gwapong lalaking nakita ko kanina kasama niya ang lalaking nakabunggo sa akin. nakatingin si Raze Yuan sa akin habang nakikipag usap siya sa mga lalaking kasama niya

T-teka? Bakit ba siya tumitingin sa akin? Hindi niya ba alam na sa bawat tingin niya mas lalong kumakabog ang puso ko?

"Miss Aisla ipakilala mo ang iyong sarili sa kanilang lahat" napatingin naman ako sa nagsalita, at ibinigay niya ang mic sa akin

T-teka? M-magpapakilala ako? Sabi ko na nga ba eh.. dapat pala pinaghandaan ko ito

"H-hi" pagsisimula ko. "A-ako si Aisla Xyceria, T-transferee ako dito S-sa school niyo" parang gusto ko ng magpakain sa lupa dahil sa hiya, hindi ko alam kung tama ba ang pagpapakilala ko.

ibinigay ko na sa Dean ang mic na hawak ko dahil ayoko ng magsalita.

"Hindi lang siya basta transferee, kung kaya't hinihiling ko na sana maging mabuti ang pakikisama niyo kay Miss Xyceria,kung ayaw niyong makick out. Sige na bumalik na kayo sa sari-sariling niyong room" ani dean atsaka ito tumingin sa akin atsaka ngumiti. "Sige na po Miss Xyceria maaari ka na pong pumasok sa room mo" dagdag pa ni dean.

Teka? Hindi ko maintindihan? Ang sabi ni Dean hindi lang ako basta transferee? Anong ibig niyang sabihin?

A/N: pasensiya sa mga typo, hindi ka perpekto para punahin ito🙂

Tears Of SorrowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon