TOS 24

101 29 11
                                    

"Ate marie ikaw na po munang bahala kay Kia, I'm just going to the mall to buy her clothes and toys for her" sabi ko atsaka ko kinuha ang bag ko pagkatapos ay lumapit ako sa crib ni Kia para halikan ang noo niya.
"Mommy will be back later" sabi ko kay Kia habang tulog siya.

"Ma'am Aisla kaya mo na po ba? Baka po kasi mabinat ka po" nag aalalang tanong ni ate marie sa akin.

"Don't worry ate, kaya ko po" sabi ko atsaka ko siya nginitian para hindi na siya mag alala. "Take care of her ate, kung may problema tawagan mo lang po ako" sabi ko kay ate marie, atsaka ako lumabas sa kwarto.

Nasalubong ko naman si mama sa may sala, at takha siyang tumingin sa akin dahil nakabihis ako.



"Oh anak? Saan ka pupunta?" tanong ni mama sa akin.

"Pupunta lang po ako sa mall para bilhan si Kia ng mga damit at toys" sabi ko atsaka ako humalik sa pisngi niya.


"Mag iingat ka anak ah kapapanganak mo lang baka mabinat ka" paalala sakin ni mama.

Tumango na lamang ako atsaka ko inikot ang paningin ko hinahap si papa. "M-ma? N-nasaan si papa?" takhang tanong ko.

"Nakipag kita kay Mr Taurus, alam mo kasi anak matalik na kaibigan ng papa mo yun, pinag uusapan nila yung tungkol sa engagement party niyo ng anak ni Taurus na gaganapin next week, kaya i-ready mo ang sarili mo anak ah, tiyak kong matitipuhan mo rin ang lalaking iyon katulad doon sa daddy ni Kia" mahabang paliwanag ni mama sa akin.

Napabuntong hininga ako dahil sa sinabi ni Mama.

Next week?  Next week makikilala ko na kung sino ang lalaking magiging fiancé ko, hindi na ba talaga magbabago ang isip nila? Hindi ako handa sa mga ganitong bagay!. Mas pipiliin ko nalang mamuhay ng mapayapa kasama ang anak ko, ayaw ko ng ibigay ang buong pagmamahal ko sa mga lalaking hindi naman pahahalagahan ang damdamin ko. Ayaw ko ng magmahal!

Sapat na para sa akin ang aking anak!

Inihinto ko sa parking lot ng mall ang kotse ko, atsaka ako bumaba, pinagpagan ko pa ang damit ko dahil nagusot ito.

Pumasok na ako sa loob ng mall at hinanap ko agad ang bilihan ng damit na pang baby.

Ang dami kong pinamiling damit para kay Kia, mga dress, short at sando.

Next na pinuntahan ko ay ang mga bilihan ng mga laruang pang girl.

Binilihan ko si Kia ng disney princess na doll, at bumili rin ako ng mga rattle dahil ilalagay ko iyon sa crib ni Kia.

"Aisla?" napalingon naman ako sa babaeng tumawag sa akin, at laking tuwa ko ng makita ko siya.

"Keila!" niyakap ko siya dahil namiss ko siya kahit ilang linggo lang kaming hindi nagkita.

"You're already here in the philippines, by the way? Where is Kianna? I want to see your baby" tuwang tuwang sabi ni Keila.

"Kahapon lang kami umuwi dito sa pilipinas, nasa bahay si Kia natutulog, do you want to come with me to our house so you can see Kia?" pag-aya ko sa kanya.

"Oh, suree wala rin naman akong gagawin today, and I also have something to give to Kia" excited na sabi ni Keila.

Pagkatapos kong mamili ng mga gamit ng aking anak ay dumiretso na kami ni keila sa parking bigla namang tumunog ang cellphone ko.

Ate marie is calling....

Agad ko namang sinagot iyon dahil nga sabi ko kanina kay ate marie tawagan niya ako kung mayroong problema.

Tears Of SorrowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon