TOS 30

80 22 22
                                    

Bakit siya nandito?

"I'm sorry pero nakikipag kaibigan lang ako sa kanya" paliwanag ni Razyer.

"Pwede kang makipag kaibigan, pero bawal mong hawakan ang kamay niya!" sabi ni Raze atsaka niya hinawakan ng mahigpit ang kamay ko. "I am the only man who has the right to hold her hand" dagdag pa niya.

Napakunot ang noo ko dahil sa inaakto niya.

why is he acting so possessive?.

"Teka eh paano yung papa niya bawal din siyang hawakan, kailangan ikaw lang?" pang babara ni Razyer kay Raze, gusto kong matawa dahil tiyak kong pikon na pikon na si Raze.

"Except for her father!" gigil na sabi ni Raze.

"Yo Razyer, hey tol Raze nandito ka pala, why are you with Aisla?" biglang sabi ng lalaking kakarating lang.

I thought siya si Lawnelle Jace Villanueva? ang laki ng pinagbago niya ngayon ah mas gwapo siya ngayon, hindi na ako magtatakha dahil lahat ng babae dito sa party eh nakatingin sa kanya.

"She's my fiancé" sabi ni Raze atsaka niya ako inakbayan.

"Ah kaya pala possessive fiancé naman pala, congrats tol" malokong sabi ni Razyer.

"W-what? Fiancé? p-paano si---" natigilan naman si Law ng bigla siyang tumingin sa likuran namin.

Dahan dahan naman akong lumingon doon sa tinitingnan ni Law, I was shocked when I saw Yumie standing in front of us while crying

"F-fiancé?" umiiyak na sabi ni Yumie.

Gusto ko siyang lapitan pero hindi ko magawa.

"U-uhm excuse us, let's go Raz" paalam ni Law sa amin ngunit tila ayaw pang umalis ni Razyer dito tila gusto pa niyang malaman kung anong nangyayare.

Tss chismoso

"Teka lang dre" sabi ni Razyer.

"You know what? you are really very gossipy" sabi ni Law atsaka niya hinila ng malakas si Razyer, wala ng nagawa si Razyer kundi sumama na lang.

"Yumie sandali!" habol ni Raze kay yumie ng akmang tatakbo ito.


"Let us explain to you" sabi ko dahilan para matigilan si Yumie.

"Aisla..." humahagulhol na sabi ni Yumie.

"Wala ng choice si Raze kung hindi ang mag stay sayo at huwag kang iwan!" pag eexplain ko.

"Choice for what?!" mahinahong sabi ni Yumie habang nakatingin kay Raze ngunit umiiyak parin ito.

"Gusto kong isalba ang hospital na tinayo ng magulang sa tulong nang pamilya ninyo at para maisalba ko yun kailangang ikaw ang piliin ko kesa sa babaeng totoong minamahal ko!" nakayukong sabi ni Raze. "Mahal ko si Aisla, yumie mahal ko siya" tila maiiyak na sabi ni Razyer.

"Hindi totoo to hindi! Hindi magagawa ng family ko ang sinasabi niyo, they can't do that!" napaupo na si Yumie dahil sa paghagulhol niya at agad naman siyang inalalayan ni Raze.

Habang tinitingnan ko si Yumie ay nasasaktan ako para sa kaniya, alam kong mas masakit ang nararamdaman niya ngayon dahil sa nalaman niyang napilitan lang si Raze sa kanya.

"I-it's not... true...raze! please.. tell me it's not true!" hagulhol na sabi ni Yumie atsaka siya humawak sa dibdib niya. "P-please" dagdag pa niya.

Hindi ko malaman ang gagawin ko ng makita kong naghahabol ng hininga si Yumie.

"Yumieee!" nagpapanic na sabi ni Raze. "A-aisla kumuha ka ng tubig bilis" utos nito sa akin kung kaya't mabilis naman akong kumuha ng tubig sa may counter.

Tears Of SorrowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon