TOS 23

105 30 8
                                    

A week has passed since I gave birth to Kianna, ito ako ngayon at nag-aayos ng mga gamit namin ni Kianna dahil bukas na ang flight namin pauwi sa pilipinas, buti nalang at tinutulungan ako ng yaya ni Kianna mag-ayos ng mga gamit namin.

Napatigil naman ako sa ginagawa ko ng marinig kong umiyak si Kianna, dali dali akong pumunta sa crib niya atsaka ko siya binuhat at pinadede.

Sabi kasi nila mas healthy daw ang gatas ng nanay kaya breastmilk ang dinedede ni Kianna.

"Aisla!" napatingin naman ako kay lolo dad na kakapasok lang sa kwarto ko, "Here is your diploma and your medals, and I want to congratulate you Hija dahil hindi mo pinabayaan ang pag-aaral mo" sabi ni lolo dad, dahilan para mapangiti ako, kinuha ko naman agad ang diploma at medals ko atsaka ako nagpasalamat kay lolo dad.

Masaya ako dahil kahit hindi ako nakaattend ng graduation ceremony namin ang mahalaga ay natapos ko ang pag aaral ko sa High school, at sa susunod na school year ay college na ako.

hinawakan ko ang maliit na mukha ng aking anak atsaka ako napangiti dahil siya ang nagpapalakas ng loob ko, na makakaya ko ang lahat ng pagsubok na darating sa buhay naming mag ina, siya ang inspirasyon ko upang matahak ko ang mabuting landas na para sa aming dalawa.

"Anak, para sa atin ito, at sa kinabukasan mo" sabi ko atsaka ko hinalikan ang noo ni baby kia.

Kinabukasan ay maaga kaming umalis papunta sa airport kasama ko ngayon si Lolo dad at ang mga body guards na nagbibitbit ng mga gamit namin.

Malapit na ang flight namin at sa wakas ay makikita ko na sila mama at papa at ang mga kaibigan ko.

Maya-maya pa ay pumasok na nga kami sa loob ng eroplano, inalalayan ako ni lolo dad dahil buhat buhat ko si Kia.

"Lolo dad, can we go straight to mama and papa?" tanong ko kay Lolo dad, dahil gusto kong makita nila mama at papa ang kanilang apo.

"Don't worry because your parents already live in the mansion" nakangiting sabi ni Lolo dad sa akin.

Halos magliwanag ang paningin ko ng sabihin iyon ni lolo dad, ibig sabihin araw araw ko ng makakasama sila mama at papa.

After 14 hrs ay lumapag na ang eroplanong sinasakyan namin.

Nandito na kami sa NAIA airport kung saan naghihintay ang sundo namin.

Hindi ko naitanong kanina kay lolo dad kung sino ang susundo samin, dahil nakatulog ako habang buhat buhat ko si Kia.

Tiningnan ko naman ang anak kong napakalalim ang tulog.

Nandito na tayo anak

Pinagmasdan ko ang mukha ni Kia. Kamukhang kamukha niya ang daddy niya, halos lahat nakuha niya sa daddy niya, tanging ang pagkababae ko lang ang nakuha niya sa akin.

"Let's go Aisla" pag aya sa akin ni Lolo dad.

Inalalayan naman niya ako sa pagtayo at siya narin ang nagbuhat ng mga maleta namin.

Hindi pa kasi ako pwedeng magbuhat ng maleta dahil baka mabinat ako at buhat buhat ko pa si Kia. Medyo nangangalay na nga ako sa pagbubuhat kay Kia eh.

Pagkababa namin sa eroplano ay nauna na si lolo dad pumunta kung nasaan ang sundo namin.

"Anaaak Aisla!" salubong sa akin ni mama atsaka niya maluha luhang tiningnan si Kia. "S-siya na ba ang apo ko?" hindi makapaniwalang sabi ni mama, tumango naman ako bilang sagot sa kanya.

Tumingin naman ako kay papa na ngayon ay seryosong nakatingin sa batang buhat buhat ko at agad rin itong nag iwas ng tingin.

Batid kong masama parin ang loob niya sa akin, ngunit hindi ko siya masisisi dahil sobra siyang na disappoint sa akin, pero anong magagawa ko? Nandito na eh.

Alam ko naman balang araw mapapatawad niya ako, at tatanggapin niya rin si Kia bilang apo niya.

Tiningnan ko ulit ang anak ko na ngayon ay gising na.

"Pag pasensyahan mo na ang papa mo anak ah, asuss napakagandang bata naman ng aking apo" sabi ni mama atsaka niya kinuha sa akin si Kia.

"Ang mabuti pa umuwi na tayo para makapag pahinga na sila Aisla" sabi ni papa atsaka siya naunang naglakad palabas ng Airport.

Sa wakas... Makikita ko narin ang DS at makikita narin nila si Kianna, pero hindi ko pa pinaalam sa kanila na nandito na ako sa pilipinas, gusto ko silang isurprise hehe.

"Anak? Kumusta naman ang buhay sa ibang bansa?" tanong ni mama, na kakapasok lang sa kwarto namin ni Kia.

"Okay, lang naman po ma, medyo boring kasi wala akong nakakausap sa bahay kundi si lolo dad lang kapag hindi siya busy" sabi ko habang nililinisan si Kia.

"Ganun ba anak? Wala ka man lang ba naging kaibigan doon?" tanong ni mama sa akin.

Bigla ko tuloy naalala si Keila, kung paano niya ako tinulungan during my pregnancy, kumusta na kaya siya? At saan siya banda dito sa pilipinas?

"Meron naman po" pagkatapos kong linisan si Kia ay inilagay ko na siya sa crib niya.

Marami kaming napagkwentuhan ni mama tungkol sa pagbubuntis ko kay Kia.

"Mama, A-about engagement party? Totoo po ba yun?" seryosong tanong ko kay mama na siyang ikinabigla niya, kita ko kung paano siya mag iwas ng tingin sa akin.

"A-anak, ang mabuti pa magpahinga ka na muna, alam kong pagod ka sa byahe" tatayo na sana si mama ng bigla ko siyang pigilan sa pagtayo.

Naiiyak akong tumingin kay mama, dahil gusto kong malaman kung itutuloy nila ang sinasabing engagement party na yun.

"Anak..." mahinang sabi ni mama atsaka niya pinunasan ang mga luha ko.

"Mama gusto kong malaman kung totoo ba yun?" umiiyak kong sabi.

Hindi na napigilan ni mama dahil pati siya ay naluha na rin, muli siyang umupo sa tabi ko at hinawakan niya ang kabilang pisngi ko.

"Anak isipin mo nalang na ginagawa namin ito para sayo at para sa apo ko, ayaw naming lumaki ang apo ko na may kulang sa pamilya niya" paliwanag sa akin ni mama, atsaka niya pinunasan ang mga luha niya.

"Pero mama, kaya kong ipaliwanag kay Kia ang lahat ma at kaya kong tumayo mag isa bilang ama at ina ni Kia, huwag naman ganito ma, ayoko ma! Ayoko please! Ayokong magpakasal sa lalaking hindi ko naman kilala! at lalong hindi ko Mahal! " pagmamakaawa ko kay mama atsaka ko siya niyakap at doon ako humagulhol ng iyak sa kanyang balikat.

"Patawarin mo kami anak, pero iniisip namin kung anong mas nakakabuti para sayo, at kahit anong gawin mo hindi na magbabago ang desisyon ng papa mo" sabi ni mama atsaka siya bumitaw sa pagkakayakap sa akin at pinunasan niya ang mga luhang sunod sunod na pumapatak sa pisngi ko.

"K-kung ganon mama, pwede ko bang malaman kung sino ang lalaking... ang lalaking itinakda niyo sa akin ng walang pahintulot!"  seryoso kong sabi kay mama.

"Anak ni Mr Taurus" sagot ni mama pagkatapos ay lumabas na siya sa kwarto ko.







:>

Tears Of SorrowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon