TOS 14

109 34 2
                                    

Napaupo ako sa gitna ng kalsada habang umiiyak, kasabay ng pagpatak ng tubig ulan sa aking mukha ay siya ring patuloy na pagbagsak ng luha ko sa aking mga mata.

buti na lamang ay walang masiyadong sasakyan na dumadaan ngayon dito.

Napayuko ako atsaka ako humagulhol ng iyak wala na akong pake kung basang basa na ako dahil sa ulan.

Sobrang sakit! Ang sakit sakit! Ganito pala ang pakiramdam kapag nasasaktan ka dahil sa taong mahal mo.

Bakit ganun? Hindi ko matanggap?

Bakit niya ako niloko?

Bakit?

Ibinigay ko naman ang lahat sakanya pero bakit hindi ako naging sapat?

"Hindi maganda sa isang babae ang umiiyak sa kalsada habang umuulan" tinig ng isang lalaking pamilyar sa akin. Tumingala ako at tinignan ko siya.

R-rynx

"A-anong g-ginagawa mo dito?" Tanong ko sakanya habang ako'y umiiyak, ngunit sa halip na sagotin niya ang tanong ko inilahad niya ang kanyang palad sa harap ko na para bang gusto niyang tumayo ako.

Tiningnan ko lamang ito atsaka ulit ako yumuko at humagulhol ng iyak.

Hindi ko namalayan na nakayakap na sa akin si Rynx habang kami ay nakaupo sa kalsada, hinahagod niya ang likod ko tila pinapatahan niya ako

"Una palang sinabi ko na sa iyo na huwag kang maniniwala sa sinasabi ni Raze dahil ayoko masaktan ka!" Sabi ni Rynx na patuloy pa ring hinahagod ang likod ko

Bigla ko namang inalala ang mga sinabi niya sa akin dati..

"So kasalanan ko pa dahil hindi ako nakinig sayo?" Sabi ko habang humihikbi.

Umalis siya sa pagkakayakap sakin atsaka niya pinunasan ang mga luhang kanina pa bumabagsak sa mga mata ko.

"That's not what I mean" sabi ni Rynx atsaka niya ako inalalayang tumayo. Basang basa na kaming dalawa dahil sa ulan. parang naguguilty tuloy ako dahil pati siya nabasa ng ulan.

Hmmp kasalanan ko pa ba yun? Eh siya lang ang nagkusang lumapit sa akin.

Pero kahit papaano tumigil na ang mga luha ko dahil wala ng mailabas na luha ang mga mata ko.

Hindi ko namalayan na nandito na pala ako sa loob ng kotse ni Rynx napatingin pa ako sa malaking bahay na nadaanan namin...

Bahay nila Raze..

Nagflash back ulit sakin ang nangyari kanina.

"Bago pa lamang tayo ay matagal na akong may relasyon kay Yumie"

"Ang totoo niyan Aisla, pinagpustahan ka lang namin ng mga tropa ko sa school. Gusto ko ng taposin ang lahat sa atin!"

Tila may kung anong kumurot sa puso ko nung naalala ko ang mga salitang iyon na sinabi ni Raze sa akin.

Pinagpustahan ako?

Meaning alam din to ni Rynx kaya sinabi niyang wag akong maniniwala sa lahat ng sinasabi ni Raze.

Ibig sabihin alam din nila Law at Jake?

Bakit ganun? Bakit sa halip na magalit ako lungkot ang nararamdaman ko? Bakit?

Huminto ang kotse ni Rynx sa isang napakalaking bahay, pinagbuksan naman niya ako ng pinto sa passenger seat at agad akong bumaba.

Kinuha ko muna ang cellphone ko para tingnan kung anong oras na.

Tears Of SorrowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon