TOS 1

233 49 14
                                    

Chapter 1

Aisla's POV

Unang araw ko ngayon sa bago kong school na nalipatan ko kasi dun sa dati kong school lagi nalang akong binubully kaya nagpalipat nalang ako ng bagong school. Ewan ko ba doon sa mga mukhang bisugo kong School mate kung bakit lagi nalang nila akong binubully? Nakakairita na. But anyway bago ang lahat magpapakilala muna ako

My Name is Aisla Xyceria, 4th year highschool student from saint celestine high pero ngayon ay sa saint brilliant international school na ako mag aaral kasi nga diba nagtransfer ako?

I-didescribe ko na rin yung sarili ko hahahaha. Ako ay maganda sabi ng mama ko siyempre, isa akong nerd. Hmm wala namang masama sa pagiging nerd diba?, atleast kahit nerd ako maganda at matalino naman ako.

so ayun na nga unang araw ko sa Saint Brilliant International school kaya eto ako ngayon nagmamadali na akong bumaba para kumain at magpaalam na kila mama at papa dahil papasok na ako ayaw ko kasing malate eh.

"Oh? Aisla? Nagmamadali ka? Maaga pa ah?" Sabi ni mama habang naghahain ng umagahan namin

"Mas mabuti na po na maaga kesa po malate hehe" kumuha ako ng plato atsaka ako nagsandok ng sinangag at kumuha mg bacon

"Tama yan nak. At mag aaral ka ng mabuti ah? Bawal muna mag boyfriend lagi mo yan tatandaan" sabi naman ng papa ko habang umiinom ng kape.

kahit kailan hindi sumagi sa isip ko ang makipag relasyon ng ganito kaaga kasi pag aaral lang yung inaatupag ko, at wala akong ibang dapat gawin kundi maabot ko ang standards ng aking magulang. Dahil ang tanging pangarap lang nila para sa akin ay makapagtapos ako ng pag aaral ko at maabot ko ang mga pangarap ko.

school at bahay nga lang ako eh

"Opo naman pa hehehe. Wala pa po yun sa isip ko pa" nakangiti kong sabi tsaka ako kumain

pagtapos kong kumain ay nagpaalam na ako sa mama't papa ko para pumasok sa school

"Mag ingat anak ha?"

"Opo ma"

"Umuwi sa tamang oras"

ganiyan ka strikto ang mga magulang ko pero okay lang sakin kasi alam ko naman na para rin naman sakin lahat ng sinasabi nila eh

"Opo ma, pa sige na po pasok na po ako" paalam ko sa mga magulang ko

Madaling madali akong pumasok sa school kasi nga ayaw kong malate sa unang araw ko dito sa saint brilliant international school, napakalaki ng school na to at nakakatiyak ako na puro mayayaman ang mga estudyanteng nag aaral dito

Hindi ko mapigilan ang pagkamangha dito sa napakalaking paaralan na ito, napakaganda

Inikot ko ang mga paningin ko sa paligid ng paaralan, merong mga bench sa gilid, siguro ito ang tambayan ng mga estudyante dito kapag wala silang klase

woaahh ang ganda talagaaa

inikot ko pa ang mga paningin ko habang naglalakad, mukha na ata akong timang dito eh kasi naman nakakamangha talaga eh ngayon lang ako nakakita ng ganitong kalaking school at ang daming hallway ng school na ito.

bigla na lamang akong napaupo sa semento dahil nagkabanggaan kami ng lalaking nasa harapan ko ngayon

"Miss? Ayos ka lang?" Tanong sa akin ng gwapong lalaki na nasa harapan ko ngayon, ang gwapo niya. Ang pula ng mga labi niya at tingin ko normal lang yun atsaka ang bango niya

napakurap ako ng bigla niyang inilapit ang mukha niya sa akin kaya umiwas ako ng tingin

"A-ayos lang A-ako" utal utal na sabi ko, tatayo na sana ako ng bigla akong inalalayan ng lalaking nakabunggo sa akin

"Uyy pre? nandiyan ka lang pala? Teka sino yang babaeng kasama mo?" Nabaling ang atensiyon ko sa isa pang lalaki na nagsalita, hindi ko maipaliwanag ang tibok ng puso ko nung makita ko yung isang lalaki, mas gwapo siya kesa dito sa lalaking kaharap ko ngayon, nakita ko ang ID na suot suot ng isang lalaki

Raze Yuan?

Raze Yuan ang pangalan niya, napakagwapong pangalan, bagay na bagay sa kanya dahil gwapo rin siya

A/N: Pasensiya na sa mga typo intindihin niyo nalang

Tears Of SorrowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon