A/N: Hello! Another update 😂 Sobrang busy ko sa kdrama na halos nakalimutan ko ng may i-a'update pala ako HAHAHAHA.
Enjoy Reading~
Chapter Eight.
"HUH? SERYOSO?" gulat na tanong ni Connor nang ikuwento ko ang nangyari no'ng sabado, na kasama namin si Hunter.
Nasa classroom na kami para sa unang subject namin. Si Rhys ay lumabas para bumili ng kape namin sa canteen.
"Oo, baliw." sagot ko.
"Wow. What a small world, 'no? Tapos gano'n pa pinagsasasabi niya sa 'yo?"
"Oo nga, eh. Nagulat kaming lahat— lalo na ako. Hindi ako sanay na may gano'ng lalaking nagsasabi ng kung ano-ano sa 'kin.."
"Pero wait, ano naman reaction ni Rhys?" kuryosong tanong niya.
Napanguso ako, "Eh 'di parang na-badtrip. Hindi ko alam kung dahil sa pinagsasasabi ni Hunter o dahil nababadtrip talaga siya kay Hunter.." nagkibit balikat ako.
"Baka both?"
"Tss. Imposible, Dude.." ayoko na naman umasa.
"Malay mo? Sweet na sweet na siya sa 'yo, malay mo na-badtrip siya kay Hunter kasi ayaw niya ang ginagawa at pinagsasabi no'n sa 'yo." aniya.
"Bakit naman siya mababatrip?" Napanguso ako.
"Malamang, nagseselos 'yon kaya badtrip!"
Natigilan ako. Ayon din kasi ang sinabi ko. Na baka nagseselos siya pero malabong naman mangyari 'yon.
"H-Hindi siguro.." mahinang sagot.
Hindi siya nakasagot dahil biglang pumasok sa classroom si Rhys.
"Nagseselos 'yan, dude.." bulong muli sa 'kin ni Connor.
Hindi ko nalang pinansin siya at bumaling nalang kay Rhys nang ilapag na niya ang paper cap na may laman na kape.
No'ng sabado ng gabi ay bumalik sa normal si Rhys, na parang hindi siya naging badmood no'ng umaga.
Nakangiti niyang hinipan ang kape niya nang maupo sa tabi ko.
"Bakit hindi mo ako binilan?" tanong ni Connor.
"Sinabi mo bang gusto mo?"
"Matic na 'yon!" aniya, "Kapag si Winter talagang hindi mo nakakalimutan, eh, 'no?" pasimpleng tumingin sa 'kin si Connor ma may halong pangangasar.
"Malamang, bakit ko naman siya makakalimutan? Tss.." sagot ni Rhys kay Connor.
Nagbangayan pa ang dalawa hanggang sa dumating ang unang prof namin.
Nang magtanghalian ay nakapwesto na kami sa canteen, hinihitay ang iba pa naming mga kaibigan.
"Babe Winter! I miss you!" sigaw ni Jameson papasok sa Canteen.
Pinagtinginan siya ng mga estudyante na ngayon ay tumatakbo papalapit sa 'min habang sina Cole and Ayden ay natatawang sumusunod sa kanya.
"May isa pa palang baliw sa 'yo." humalakhak si Connor na nginiwian ko naman.
"Hi, Babe. Na-miss kita, na-miss mo ba ako?" hinihingal na tanong nu Jameson nang makaupo sa harap ako, hawak pa niya ang kamay ko.
Binawi ko ang kamay ko sa kanya at nginiwian, "Hindi." sagot ko.
"HAHAHAHAHAHA!" Tawa ng mga kaibigan namin except kay Rhys na ngumiti lang.
"Don't assumed too much, Dude. Masasakta ka lang.." natatawang saad ni Cole kay Jameson.
YOU ARE READING
Lucky (Stand-Alone)
Fiksyen UmumSTAND-ALONE SERIES: LUCKY -- RHYS and WINTER, Bestfriends since birth, born in the same Month, Day, Year and Hour. They like brothers- Yup. Winter is a Lesbian but everything changed when Rhys accidentally kissed Winter on the lips. Her feelings to...
