Chapter Thirty

560 27 37
                                    

Author's Note: Hello! Busy last week kaya dalawang stories muna update ko. This week po ko update yung kambal at si Mhia at ang kanyang dalawang bakla 😂

If you want to join our Telegram GC, search my name LlamaAmbs then message me 'AMP'

Add/Follow/Like my SocMed accounts:
Facebook Account: LlamaAmbs WP
Facebook Page: LlamaAmbs' Stories
Twitter/IG/Tiktok: @LlamaAmbs
Snapchat: @llamaambs_wp

Happy Reading~

--

Chapter Thirty.

MAY MAHINANG kumatok sa pinto ko. Alam kong isa sa mga kaibigan ko 'yon pero para makasiguradong isa sa kanila 'yon ay sumilip ako sa bandang garden at nakitang nandoon si Rhys na nakaakbay kay Madelaine pareho silang nakaupo at nakikipagk'wentuhan.

"Dude, nandito na pagkain mo!" It's Connor.

Napapabuntong hininga akong nagtungo sa pinto upang buksan 'to. Nabungaran ko ang nag-aalalang si Connor may bitbit s'yang tray na puno ng handa namin. Nilakihan ko ang pinto at pinapasok s'ya bago ko muling isara at i-lock.

Nilagay n'ya sa may coffee table ko ang tray ay at isa-isa n'yang inayos ang mga pagkain sa lamesa, "Kumain ka muna bago ka magk'wento." Aniya at pumunta sa kama ko para humiga.

Wala akong nagawa kung 'di ay gawin ko ang gusto n'ya para na rin makapag-isip ako nang maayos, gutom na rin kasi ako.

Kumain lang ako nang tahimik habang si Connor naman ay pinapanood lang ang pagkain ko habang nakatagilid na nakahiga, ang kaya n'ya ang pinangtungkod sa upo n'ya kaya nakaangat 'yon.

"What happened?" Tanong n'ya ilang sandali nang matapos ako sa pagkain. Umayos s'ya nang pagkakaupo.

"H-He told me that it's all for the show..." Naramdaman ko muli ang pangingilid ng luha ko,"..to make her jealous."

"A-Ang pagiging sweet n'ya, pagbabago nang pakikitungo n'ya sa 'kin ay peke lang.." Muling tumulo ang luha ko. "I thought we have mutual feelings but no, he just only sees me as his bestfriend." Napayuko ako at humagulgol sa palad ko.

Naradaman ko ang pagtabi n'ya sa 'kin at inakbayan ako, "Gago ng bestfriend mo!" Angil ni Connor at bahagyang sinuntok ang kama ko, "I really want to punch his face a while ago when I saw them. No'ng una nagtataka ako and it hit me- us your dudes, that the reason why you were crying is because of your asshole bestfriend!"

Marahan n'yang tinapik-tapik ang balikat ko, inapakalma habang s'ya ay sige sa pagmumura para kay Rhys. Hindi naglaon ay humupa na ang luha ko at pareho na rin kami natahimik.

"What are you going to do now? Hindi ka pwedeng magmukmuk lang dito sa kwarto mo just to avoid him.." Aniya.

Tumingin ako sa mga daliri ko sa kamay, "Tatanggapin ko ang offer nila na mag-umpisa nang mag-work sa kanila habang tinatapos ko ang pag-aaral.."

Natigilan s'ya at nilingon ako, "You mean, mangingibang bansa ka na?"

I nodded my head, "Hindi naman basta-basta 'tong pagkakagusto ko kay Rhys. Malalim ang kinabagsakan ko. Hindi hihilom kung nakikita ko... sila.." napabuntong hininga ko.

"Sure ka na ba d'yan?" nag-aalala pa n'yang tanong.

Mapait akong ngumiti at tumingin sa dingding ng kwarto ko, "This is the best way to escape and to heal from my heartbreak. Hindi naman n'ya na ako ku-kwestyunin kung bakit ako aalis agad kasi nandy'an na si Madelaine para ipaintindi sa kan'ya 'yon kagaya na lang nang pagpayag n'ya na tanggapon ko ang offer sa 'kin abroad."

Lucky (Stand-Alone)Where stories live. Discover now