Chapter Sixteen

399 20 7
                                        

Author's Note: Hello! Sorry for the slow Update. Naging busy lang sa pag-eedit ng My Ninong, My Lover na ngayon ay PTR na sa Dreame.

So ayon nga, I'll try my best na mag-update na every week. Hopefully kayanin ng utak apat 'tong on-going~ Hehehe.

‼️LIKE/FOLLOW MY PAGE: LlamaAmbs' Stories
FB Account: LlamaAmbs Stories

HAPPY READING~

Chapter Sixteen.

IT'S BEEN A Month simula ng may magbago sa 'min ng tuluyan ni Rhys. Gano'n pa rin, walang label ang relasyon namin ngayon. Hindi ko pa rin alam kung ano ang tawag sa 'min.

Pero kahit na gano'n ay naging extra sweet siya hindi lang sa school, maging sa bahay na kaharap ang family namin.

Sa school ay mukhang nanibago ng mga nakakakilala sa 'min bagaman nakita na nila na gano'n si Rhys, iba pa rin ngayon dahil dalawa na kaming sweet sa isa't-isa.

Ngayon nga'y naglalakad kami sa coridor papuntang Library habang magkahawak ang kamay at nagtatawanan.

"Tangina kasi ni Jameson, 'no? He thought every lesbian is like you!" natatawang napapailing si Rhys.

Natawa rin ako. Kanina kasi no'ng break time ay nakita namin na namumula ang isang pisngi ni Jameson dahil sinapak siya no'ng lesbian na ka-block niya na kanyang natitipuhan. Kinukulit niya raw 'to kaya na badtrip sa kanya.

"Bakit 'yong charms ko hindi tumalab sa kanya pero kay Winter-babe ay tumalab?" aniya.

"Ewan ko ba do'n kay Dude at gusto ang mga lesbian! Akala niya ata ay nasa isang kwento s'ya!" napailing na lang ako.

Nagku-kwentuhan kami ng sa hindi kalayuan ay natanaw ko si Madelaine kasama si Erich. Pinapanood niya kami habang si Erich ay hinahatak na siya.

Binalingan ko si Rhys na masayang nagku-kwento at parang hindi napapansin si Madelaine.

Pasimple akong napabuntong hininga. Bakit parang feeling ko ay ako ang hadlang? Bakit parang kapag nakikita ko ang lungkot sa mata ni Madelaine ay parang nagi-guilty ako, na parang dapat hindi ako ganito kay Rhys?

Iniwaksi ko 'yong gano'ng pakiramdam at tinutok  na lang ang atensyon kay Rhys na masaya pa rin nagku-kwento.

Nang nasa library na kami ay pareho na kaming busy dalawa sa ginagawa pero maya't-maya ang pasimpleng nakaw niyang halik sa labi ko.

"Rhys!" Mahinang suway ko ng muli siyang dumukwang para halikan ako.

Nanlalaki ang matang inilibot ang tingin sa Library na kakaonti lang ang estudyante at mga pawang busy pa. Nasa dulo at tagong bahagi naman kami ng Library, katabi namin ang maliit na shelves na natatakpan lang ang ay ang hanggang ulo at may mga siwang dahil sa mga mga librong wala sa mga pwesto.

Natawa siya, "What?" naaliw niyang tanong.

"Baka mahuli tayo!"

Napanguso naman siya pero hindi na umimik at tumingin na uli sa ginagawa kaya binalik ko na rin sa sinusulat ko ang paningin ko.

Maya-maya'y naramdaman ko ang kaliwang kamay ni Rhys na yumapos sa bewang ko at marahan niya ang hinatak papalapit pa sa kanya lalo.

Muli ay sinilip niya ang mukha ko kaya napatigil ako sa ginagawa at binalingan siya. Pinagkunutan ko siya ng noo, "Bakit?"

"Willing ako mahuli at ma-guidance kapag nahuli nila tayo.." aniya sa mahinang boses.

Nagtataka ako at sasagot na sana nang ilapit niya ang mukha sa 'kin. Naramdaman ko ang labi niya sa labi ko. Nanglaki ang mata ko sa ginawa niya.

Lucky (Stand-Alone)Where stories live. Discover now