Chapter Six

814 37 15
                                        

Chapter Six.

"UNTIL NOW na wi-wirduhan pa rin ako d'yan kay Rhys.." naiiling na saad ni Connor.

Friday na ngayon at gano'n pa rin ang ginagawa ni Rhys sa 'kin. Sweet siya. He acts like I'm a fragile kung makaalalay. Even our common friends ay nahahalata 'yon at nagtataka.

Wala kaming klase sa pangatlong subject namin and we decided na mag-chill lang dito sa gilid ng soccer field dahil open ay malakas ang hangin at nakasilong pa kami sa mga puno.

Si Rhys ay may pinuntahan lang saglit kaya kami lang ni Connor dito.

"Ano naman nararamdaman mo?"

Napanguso ako, "Mixed emotion. Masaya at malungkot.." bumuntong ako, "Lagi kong pinapaalalahanan sarili ko na walang malisya 'yong pagiging sweet ni Rhys sa 'kin.." sabi ko.

Masakit man.. kailangan ko 'yon para sa huli ay hindi ako ang umiyak. Minsan kasi, kailangan mo isipin ang reyalidad ng sitwasyon para sa huli ay hindi ka mag-assume at masaktan.

In our case, reyalidad 'yon, hindi pag-iisipan ng kung anong malisya sa ginagawa ni Rhys sa 'kin ngayon. His sweet gesture is like normal to them. Nga lang, nagugulat sila dahil hindi naman gano'n si Rhys pero I'm sure wala silang iisipin na kahit na ano.

"Hi!"

Napatalon ako sa kinauupuan nang dumungaw si Rhys mula sa likod ko. Namimilog ang matang nakatitig sa mukha niyang sobrang lapit sa mukha ko.

He laughed at my reaction, "Gulat na gulat?"

Sinimangutan ko siya, "Bigla-bigla ka kasing sumusulpot!"

Natatawang umupo siya sa tabi ko at inilapag ang tatlong malaking plastic cap na may lamang squid balls, fish balls at kwek-kwek na maliliit.

"Walang drinks, hindi ako nakabili dahil 'di ko mabibitbit.." aniya.

"Ako na bibili." prisenta ni Connor at hindi na hinintay ang sasabihin ko dahil umalis na siya agad.

Pumalungbaba patagilid si Rhys at pinagmasdan ako, "Magbilad ka kaya sa araw?"

"Huh?" takang tanong ko.

Pinagtabi niya ang braso namin, tinignan ko 'yun at natantomh sobrang layo ng kulay namin dalawa.

"Kasing puti mo ang nyebe," natatawa aniya, "That's why Tita named you Winter, huh?"

"Kahit magbilad ako hindi ako nangingitim. Tanda mo no'ng summer? I didn't put any sunblock, namula lang braso ko at nagka sun burned lang.."

He chuckle, "Yeah. Namumula ka lang.." pinakatitigan niya ako.

Nailang naman ako kaya napaiwas ako ng tingin. Isa talaga sa disadvantage sa pagkakagusto ko sa kanya ay hindi ko na natatagalan ang paninitig niya, naiilang na ako.

"Actually, girls envy your skin.. Hindi mo na daw kailangan maglagay ng lip tint sa pisngi mo para pumula.." aniya at bumaba ang paningin sa labi ko, "and your... lips too.. mapupula kahit walang nilalagay.."

Napamaang ako habang pinagmamasdan siyang nakatitig sa labi ko. I unconsciously lick my lower lip. I felt something inside my stomack. Anticipation?

Napamaang siya at nakita ko pa ang paglunok niya. Ilang sandali lang siya napatitig at marahas na bumaling sa mga pagkain.

Akala ko ay hindi pa siya magsasalita pero ilang sandali lang ay nagsalita siya, "Pero, nanghihinayang sila kasi... tomboy ka," aniya sa mahinang boses.

Marami ngang nakakapuna noon sa labi ko. Maging ang ex-girlfriend ko ay napansin ang natural na pula ng labi ko. Girls envy my lips because of its redness.

Lucky (Stand-Alone)Where stories live. Discover now