Author's Note: UPDATE! Sorry for the slow update at makakaasa kayong SLOW pa rin. 😂
I have FB accoun and FB page:
Just add me: LlamaAmbs Stories
Just like and Follow the page: LlamaAmbs' Stories.And MAY GC din tayoooooo! SALI KAYOOOOO!
May post po ako sa Page kung paano makakasali sa GC natin HAHAHA. Konti pa lang ang nandoon e :)
VOTE AND Recommend my stories ❤️
NO TO DEMANDING AT MAINIPIN para Ayos tayo 😌
PS: No review-review 'to kaya malamang may errors.
Enjoy Reading~
Chapter Fourteen.
PARANG WALA lang kay Rhys ang nangyari. Kinakausap naman niya ako sa paggagala namin but he acts normal. Kung paano niya ako tignan noon, at gano'n pa rin pero, hindi nawawala ang pagiging sweet niya kahit na nakikita na ng Dudes namin.
Nakikita ko ang gulat at mga tinginan nila. Minsan ko pang napansin ang pag-iling ni Rhys sa apat na itlog.
Ngayon ay nandito kami sa isang resto bar. Maraming tao ang nandito at halos karamihan ay kasing edadan namin. Lahat ay humihigop ng sabaw ng bulalo habang nagkukwentuhan at pinapanood ang tumutugtog na banda.
"Tara inom ta 'yo?" suhistyon ni Ayden na sinang-ayunan nila maliban sa 'kin.
"Pass muna ako.." saad ko at humigop ng sabaw.
Tumango silang tatlo- Cole, Jameson at Ayden, "Sige. Kapag nalasing ka kung anu-ano pinag-gagagawa mo.." anang ni Cole habang nakangisi sa 'kin.
Nangunot ang noo ko at napatingin kay Rhys. Did he tell them what I did to him?
Nagtatanong ang mata ko sa kanya, pinanlakihan ko siya ng mata. Agad siyang umiling.
Binalingan ko ang tatlo. Sina Cole at Ayden ay nakangisi, si Connor ay tikom ang bibig habang si Jameson naman ay parang pinagsakluban ng langit at lupa.
Hindi na sila nagsalita at hindi na rin ako nagtanong. Nag-order na lang sila ng beer habang sa 'kin ay hot choco ang binili. Tama daw sa malamig na panahon.
Nakapalungbabang pinanood na lang ang banda na nasa maliit na entablado ng resto. Ang mga kanta nila ay tama sa malamig na panahon at sa mga taong... sawi sa pag-ibig.
Nang may bigla akong may mahabip na pamilyar na pigura. Nakangiti at tumatawang nakikipag kwentuhan sa mga kaibigan niya. Naghahanap na mauupuan. Napatingin sila sa dereksyon namin- sa tabing lamesa kung saan ay bakante. Pero syempre, nahagip na nila kami.
Agad akong nilingon ni Connor na may pag-aalala sa mukha habang ag apat naman ay na patingin na rin sa direksyon nila. I saw how their eyes lingered to each other. Ako na ang napaiwas dahil sa kakaibang dating no'n. Nasasaktan ako.
Napatingin ako sa mga kasamahan ko at nagulat ako, kagaya ni Connor, sina Cole, Ayden at Jameson ay may nag-aalalang titig sa 'kin. Nginitian ko sila.
Hanggang sa naglakad na ang grupo nila Madelaine sa katabi naming lamesa, doon lang bumitiw ng titig si Rhys, sa 'kin agad siya tumingin at matamis na ngumiti na parang wala lang sa kanya 'yong presensya ng EX niya.
And just like that, bumalik uli sila sa pagku-kwentuhan. Hindi na wala ang kamay ni Rhys na nasa balikat ko pero ang pagiging sweet niya sa 'kin ay dumoble. Ayaw ko sanang isipin na dahil sa presensya ni Madelaine 'yon, eh.
YOU ARE READING
Lucky (Stand-Alone)
Tiểu Thuyết ChungSTAND-ALONE SERIES: LUCKY -- RHYS and WINTER, Bestfriends since birth, born in the same Month, Day, Year and Hour. They like brothers- Yup. Winter is a Lesbian but everything changed when Rhys accidentally kissed Winter on the lips. Her feelings to...