Chapter Twenty

498 20 9
                                        

A/N: Hello! Happy new year :)  Sorry late dahil na busy and nagkasakit pa ako. I will try my best na mag-update every week 🙏🏻 May ginagawa rin kasi akong story na exclusive sa Dreame and third installment 'yon ng Sharing In One Series hehe.

I want to share fact about me:
FunFact #1: I'm a kpop fan, EXO-L to be exact hehe. Sa ngayon I have 12 albums nila and iba pa nilang official merch at unofficial merch.

Ps. No to Fanwar, wattpad 'to kaya if ibang fandom ka, wala me pake kasi welcome kayo magbasa ng stories ko hehe. Love you all!

Like my page: LlamaAmbs' Stories

Enjoy Reading~

Chapter Twenty.

KINABUKASAN ay nagpadaan nalang ako kay Connor. Iniwan ko ang cellphone ko na lagi kong ginagamit at dinala ang isa ko pang extra phone.

"Good morning, dude!" Bati sa 'kin ni Connor pagkasakay ko sa kotse niya.

"Hmm.." tumango lang ako.

Narinig ko ang pagbuntong hininga niya, "He follows you after you walkout yesterday," aniya.

Tumango lang ako bago ko kunin ang tali ko sa palupulsuhan upang itali ang medyo mahaba ko ng buhok. Nagkaroon ako ng bang dahil sa mga baby hair ko.

"Madelaine was okay now," aniya.

"Good," sagot ko na lang.

Sa Parking ay nakaabang 'yong tatlong buang sa 'min. Tipid silang ngumitinnang salubungin nila ako pagkababa.

"Dude," nakipag-fist bump sila.

Sabay-sabay kaming naglakad papunta sa building namin. Wala akong imik pero sila ay nag-uusap, mabuti na lang ay hindi nila tinanong ang nangyari pag-uwi ko.

Dumaan ang araw na 'yon na malabo- mabilis kumbaga at walang kakaibang nangyari.

Paglabas ng room ay natigilan ako nang bumungad sa 'kin ang nakangiting si Hunter. Friendly siya kaya binabati niya ang mga babaeng nagHi sa kanya.

"Hala! Ang gwapo!"

"Papanoorin ko siya sa game nila,"

"Tiyak, panalo na naman ang school!"

"Hala! Ang swerte naman no'ng babaeng hinihintay niya,"

Anang ng mga babae sa paligid ko. Mga kinikilig katititig kay Hunter na napansin na ang paglabas namin ni Connor sa Room kay mas lumawak ang pagkakangiti niya.

"Winter-Babe!" tawag niya.

Dahil doon ay napatingin sa 'kin ang mga ka-blockmates namin at ang iba pa na nasa labas, gulat syempre.

"Isn't she a lesbian?"

"Yeah? Pero kakaiba kasi turing nila sa isa't-isa ng bestfriend niyang si Rhys,"

"Lucky lesbian, napapalibutan ng mga gwapo,"

Gusto kong ikutan ng mata 'tong mga nagbubulungan, bulong na rinig ko naman.

Lumapit na sa 'min ng tuluyan si Hunter at nakipag-fist bump kay Connor.

"Connor-dude, what's up?" tanong niya rito.

"Nothing much, dude," sagot naman ni Connor.

Sabay-sabay kami naglakad papuntang entrada ng building.

"May... May gagawin ka ba mamaya?" May pag-aalinlangang tanong ni Hunter.

Umiling ako, "Wala naman, bakit?"

Lucky (Stand-Alone)Where stories live. Discover now