Chapter Twelve

450 19 23
                                    

A/N: Dahil birthday ko kahapon, update tayo 😂

Chapter Twelve.

"PUTANGINA natapos na rin ang exam!"  umunat-unat si Connor, "Saan tayo pupunta?" tanong niya kay Rhys.."

"Hmm.. saan ba maganda? Wala akong alam na lugar kung saan tayo p'wede mag-unwind." sagot niya.

"Tanong na lang natin 'yong tatlong ugok mamaya." anang ni Connor.

Nag-ayos muna kami ng gamit bago lumabas ng room at puntahan na mismo sina Ayden, Cole at Jameson.

Sakto naman pagkarating namin ay ang paglabas nila sa class nila.

"Wow.. Ang special naman namin at sinundo niyo pa kami.." anang ni Jamson na humawak pa sa dibdib at nagpanguso.

"h'wag kanhg assuming, bakla!" pangangasar naman ni Cole kay Jameson.

"Saan daw tayo pupunta?" tanong ko sa tatlo.

"Mag-Bar nalang uli tayo? Doon uli sa Limitless Bar.."

Lahat kami nagsipag-agree sa sinabi ni Ayden. Maaga pa naman kaya nagsipag-uwian muna kami at ang call time namin ay 6 pm mamaya.

"Naka-impake ka na ba?" tanong maya-maya ni Rhys habang nasa byahe pauwi.

"Hmm.." tumango ako. Bukas na ang alis namin papuntang tagaytay. Isang linggo kami doon kaya medyo kinakabahan at na-e-excite ako.

"May kailangan pa ba tayo? Punta kaya muna tayo ng supermarket.."

"ang dami na nating biniling pagkain.."

"Baka gutumin ka, bro, ayaw kitang magutom doon. Topakin ka pa naman." aniya at natawa.

Pinagkunutan ko siya ng noo, " Anong topakin ka d'yan? Gusto mmo ngayon ako topakin, ha?" sabi ko.

Agad siyang umusod sa upuan niya, papalayo sa'kin kahit na wala na siyang uusudan.

"H'wag, bro, nagmamanehho ako!" aniya habang tutok pa rin sa kalsada ang paningin.

Inilapit ko sa tagiliran niya ang kamay ko at aambang kukurutin siya nang agad niya nahawakan ang palapulsuhan ko, and with one swept of his hand, he intertwined  our fingers.

"Hindi mo na ako makukurot.." nakangiti niyang aniya.

Nawalan ako ng imik. Natatameme ako kapag ganito na ang ginagawa ni Rhys. He shut me up by just doing this kaind of gesture.

Kagaya ng ginagawa niya, habang  hawak ang kamay ko ay ginagalaw niya ang kambyo o humahawak sa manibela.

Hindi namin pinag-uusapan kung ano ba kaming dalawa?  Ayoko rin itanong dahil masakit kapag nalaman ko. Sa ngayon, kontento na ako kung anong nangyayari sa 'min ngayon.

Pagkarating sa bahay ay agad akong nagpaalam kay Mama na aalis kami ni Rhys mamay. Alam na rin nila na may lakad kami bukas.

Dahil si Rhys naman ang kasama ko ay wala akong naging problema sa pagpapaalam sa mga magulang ko.

Dahil may dalawang oras pa naman ay nagpahinga muna ako at kalaunan ay nakatulog.

Kaya ang kinalabasan ay ang galit ni Rhys dahil isang oras na kaming late.

"Bakit kasi natulog ka pa?" naiinis niyang tanong habang nasa byahe.

I wore a  black loose-shirt, a denim shorts na hanggang taas lang ng tuhod ko and my adidas adillete black slides sandals.

Inayos ko ang gray cross bagg ko, "Wow, ah? Parang ako lang nakatulog!"

"Kung hindi ka kasi nakatulog, eh 'di sana ay may gumising sa 'kin!"

Lucky (Stand-Alone)Where stories live. Discover now