Chapter Five

655 36 6
                                    

Chapter Five.

HANGGANG sa makauwi kami ay tahimik lang si Rhys. Sa kanila na ako matutulog kapag na late na ako  nakaka-uwi kahit naman may susi ako ng bahay.

Tahimik kong sinundan si Rhys hanggang sa kwarto niya. Agad akong dumeretso sa cabinet niya para kumuha ng damit pamalit. May damit din ako dito incase sa mga ganitong pangyayari o 'di kaya ay magsleep-over dito. Gano'n din siya sa 'kin.

Kumuha ako ng gray t-shirt at ng pajama kong kulay itim. Nilingon ko siya na nakaupo sa kama at mataman akong pinapanood. Nag-iwas ako ng tingin.

Naghalf-bath ako at pagkatapos ay nagtoothbrush at nag'mouthwash na ako. Pagkalabas ko ay naabutan ko siya sa pinto ng banyo niya na may twalya sa balikat.

"Ikaw na.." sabi ko habang nilalagpasan siya.

Tahimik lang siyang pumasok sa banyo. Tinitigan ko pa ang pinto ng banyo. He's been weird this past days. May mga weird siyang ginagawa at sinasabi na minsan ay nilalagyan ko na ng malisya pero lagi naman sumasagi sa 'kin na gano'n na siya noon pa man at hindi ko lang napapansin noon— pero ang totoo ay hindi siya gano'n.

Humiga na ako sa kama niya at hindi maiwasang mapapikit ng manoot ang mabangomg amoy ng kanyang kama— kaamoy niya.

Napadilat ako nang bumukas ang pinto ng C.R at natanaw ang nakatapis lang na si Rhys. Kung dati ay, wala akong paki sa katawan niya kung maganda ang pagkakahubog ng muscles niya pero simula ng magkagusto ako sa kanya, hindi ko na kayang tignan ang katawan niya na lalong gumaganda habang tumatanda siya.

Napaiwas ako ng tingin nang balingan niya ako. Ilang sandali lang ay tumabi na siya sa 'kin. Hindi ko siya malingon at tanging nakatitig lang ako sa gray niyang kisame ng maramdaman ko ang pag-usog niya papalapit sa 'kin at ang isang braso niya ay muling pumulupot sa bewang ko para higitin niya papalapit.

Namimilog ang matang nilingon siya at natigilan ako kung gaano kalapit ng mukha niya sa 'kin. Ramdam ko ang mabangong hininga niya sa mukha ko.

"A-Anong ginagawa mo?" takang tanong ko.

"Hugging you?" he huskily said.

Nililitong napatitig ako sa kanya, "You're not like this to me, Rhys.."

"Hindi ba ako pwedeng maging sweet sa bestfriend ko?" malambing na tanong niya.

Napalunok at napatitig ako. Gusto kong umiling at sabihin na hindi pwede dahil ayaw kong mali ang maging interpretasyon ko dahil doon, ayaw kong mas lalong mahulog at sa huli ay masaktan.

"Masanay ka na, dahil magiging sweet na ako sa 'yo simula ngayon, bro." aniya at pumikit sabay yakap sa 'kin.

Napabuntong hininga nalang ako at hinayaan siyang gano'n sa 'kin. Hinayaan ko ang sariling maranasan 'yon sa kanya.

Dumating ang monday. Sabay kami naglalakad ni Rhys na kanina pa pinipilit na bitbitin ang back-pack ko.

"Akin na.." aniya at pilit tinatanggal ang bag sa 'kin.

"Ano ba, bro? Ang gaan-gaan nitong bag ko!" saad ko.

Ito ata ay kasama sa pagiging sweet niya sa 'kin. Natutuwa ako pero medyo nasasaktan din dahil wala naman atang ibig sabihin ang lahat ng 'to.

Pagkadating sa room ay naabutan na namin si Connor doon na busy sa mga classmates naming babae.

"Oh? Bakit ka busangot, Rhys?" takang tanong ni Connor sa likod ko.

Binalingan ko si Rhys na nakabusangot nga at simamaan ako ng tingin. Inirapan ko nalang siya at napailing.

Umupo na ako sa tabi ni Connor at si Rhys naman ay sa kanan ko umupo na hindi pa rin nawawala ang busangot.

Lucky (Stand-Alone)Where stories live. Discover now