Aunthor's Note: Hello! Update~
So, para hindi masyadong bangag ang utak ko, Lucky and His Lady Bodyguard muna update ko tapos ang MLLL and TTGWSMY ay sa Tuesday or Wed ko i-update para hindi ako nagmamadali 😅Fun Fact about me:
- Boyish outside but maharot inside HAHAHAHAH charot.Add my Fb accnt: LlamaAmbs WP
Follow my Fb page: LlamaAmbs' StoriesEnjoy reading~
Chapter Twenty-Five.
BUONG weekend ay nasa kwarto lang ako, bukod sa tinatapos ko ang ginagawang logo para sa sinalihan kong Logo Making Contest uli, at ayaw kong makita si Rhys, ayaw ko siyang maka-usap.
Maging 'yong meeting namin about sa pageant ay hindi ko pinuntahan. I just texted the prof who hundles the pageant that I run some errands that's why I can't attend the meeting.
Sarado ang kurtina ko, I leave it that way para walang istorbo. Kumakatok sila Mama para lang bigyan ako ng almusal, pananghalian at hapunan.
Hindi nagtanong sina Mama kung bakit hindi ako lumalabas, alam kong napansin na nila na may problema ako, na si Rhys 'yon.
Habang sa kasagsagan ng finishing touches ko sa ginagawang Logo ay biglang nag-ring ang cellphone ko. Nang tignan ay si Cole ang tumatawag.
"Dude.." Sabi ko, inipit ko sa pagitan ng balikat at tenga ko ang cellphone at muling natpatuloy sa ginagawa.
"Gala tayo." Aniya sa kabilang linya.
May naririnig pa akong mga nagsasalita sa background pero hindi ko na pinansin 'yon dahil tutok sa ginagawa.
"Busy ako. Kayo na lang." Sabi ko.
I feel down right now that's why I am too lazy to move and go out of this room. Parang gusto ko lang mapag-isa ngayon.
"We can't go home.." aniya.
Nangunot ang noo ko, "Bakit? Hindi ako pwede."
Walang sumagot pero may biglang kumatok sa pinto. Lunch time na at baka dinalan ako ni Papa ng pananghalian ko.
Tamad akong tumayo at nagtungo sa pinto para buksan 'to. Bumulaga sa 'kin ang apat na agad na nag-unahang pumasok sa kwarto ko.
Napapailing na bumalik ako sa gaming chair ko at hinarap ang computer.
"Ang baho ng kwarto mo.." Anang ni Ayden, "Hindi ka pa naliligo, 'no?"
"Naliligo ako, mga baliw!" Sagot ko pero nagtawanan lang sila.
"Tara na! Kain tayong lima sa labas.." Anang ni Connor.
Kunot ang noong nilingon ko sila, nagtataka kung bakit lima lang kami. Hindi sa hinahanap ko si Rhys, kala ko kasi ay kasama siya.
"We didn't invite him, he didn't know that we're here too.." Aniya.
"We want you to relax, okay? Ayaw din namin ang ginawa niya no'ng gabing 'yon.." Bumuntong hininga si Ayden, "Actually, kami mismo ang naghatak sa kanya paalis sa p-paghahalikan nilang dalawa at nagkasagutan na kami lima doon.."
"Fortunately, Connor was able to punch your bestfriend on his face, kaya ayon! Natauhan at hinanap ka." Napairap at napailing si Cole.
"I want to punch him too, kaso pinigilan ako ni Rix my labs." Anang ni Jameson na parang kinikilig.
Baliw amp.
Napabuntong hininga ako, "Galit nga siya sa 'kin no'ng pagka-uwi ko, nag-aabang siya sa labas kaya nakita niyang magkasama kami ni Hunter.."
YOU ARE READING
Lucky (Stand-Alone)
Ficción GeneralSTAND-ALONE SERIES: LUCKY -- RHYS and WINTER, Bestfriends since birth, born in the same Month, Day, Year and Hour. They like brothers- Yup. Winter is a Lesbian but everything changed when Rhys accidentally kissed Winter on the lips. Her feelings to...