Author's Note: Hi! forda slow update na naman tayo mga ferson! Jusmeeee! Bugod sa makit ang left middle finger ko, medyo maga kaya pinagpahinga ko muna, hindi ko tinuloy muna ang pag-iipon ng chapters. Busy rin ako self ko, busy ako sa pagbabasa Hahahaha
Add, like and follow my facebook:
Account: LlamaAmbs WP
Page: LlamaAmbs' StoriesWe have Group Chat po, if you like to join just message me lang po.
Happy reading!
Chapter Thirty-Three.
MAY KONTING salu-salo na ginanap sa bahay no'ng araw na 'yon. Maghahanda kami next week dahil birthday ng bunsong kapatid ko.
Nasa garden kami ngayon ng mga Dudes, nagku-kwentuhan ng mga kung ano ang mga nangyari sa mga buhay-buhay namin.
"Gago ka kasi! Masyado kang seloso!" anang ni Ayden at napapailing na lang kami.
"Hindi ko naman alam na susulpot 'yong preteder na 'yon!" Inis na sabi naman nni Jameson at tinungga ang juice na nasa baso.
'Yong pretender na sinasabi n'ya ay 'yong babaeng nagpanggap na tomboy para makalapit dito kay Jameson. Actually, ngayon ko lang nalaman na mga ganoong ganap pala sa kanya noon no'ng college kami kasi hindi naman siya nagku'kwento na may kaibigan s'yang tibo bukod sa pinakamamahal n'yang si Clarix.
"Tanga ka pa rin!"
"Bahala ka sa buhay mo! Binata na ang anak mo kapag nahanap mo sila!" Pang-aasar ni Cole na ikinatawa namin at ikinabusangot ng mukha ni Jameson.
Actually... alam ko kung nasaan ngayon si Clarix. We still keep in touch with kahit pa ay noong umalis ako. Siya rin nagsabi sa 'kin na buntis s'ya at nagtatago kay Jameson. Nangako naman ako na hindi ko ipagsasabi kung nasaan s'y ngayon, kung saan s'yang probinsya.
"Malapit ko na silang makita. Tiwala lang." Determinadong aniya.
Napunta ang usapan sa dalawa, Ayden at Cole. Paano sila nagkasundo sa iisang babae. Hindi naman na bago sa 'kin ang ganitong relasyon dahil kina Ate Riley at Ate Mhia.
"Bakit hindi n'yo sinama?" Takang tanong ko.
Sabay na napangisi ang dalawa, "Masakit katawan." Sabay nilang sabi.
Nagkatinginan kaming tatlo nina Jameson at Connor at na-gets namin kung ano 'yong ibig sabihin nila roon. Hindi na namin pinadetalye o tinanong pa dahil ayokong ma-imagine.
"Ito, bakla..." Kantyaw nila kay Connor dahil ito lang ang walang love life sa 'min... aside sa 'kin.
"Wala lang girlfriend, bakla na? Hindi ba pwedeng may boyfriend kasi 'yong nagugustuhan kong babae?" Aniya.
Natahimik kami. Ngayon n'yang lang sinabi 'yan. Seryoso s'ya at mukhang totoo ngang may nagugustuhan s'ya pero ma kasintahan na ang babae.
I feel bad for Connor. Hindi naman kasi s'ya palasabi ng kan'yang nararamdaman. Madalas ng advice niya sa'min pero ni isa sa'min walang nakapansin na nasasaktan din pala s'ya.
Inabot ng gabi ng handaan namin. Kahit na pagod ay nakisali pa ko sa inuman.
Nakasuot na lang ako ng shorts at oversized shirt na parehong itim maging ang adidas slides ko ay itim rin. Ipinusod ko ang mahaba kong buhok.
Lahat kami ay nasa mahabang table. Hindi naman lahat sa'min ay umiinom ng beer kagaya na lang ng bunso kong kapatid na si Summer at Jace. Sina Mama at Tita naman ay umiinom ng whine, kami naman nina Ate Riley, Ate Mhia, Fall, Spring at ako ay sanmig apple ng tinitira habang ang boys naman ay Red hoarse ang ininom.
![](https://img.wattpad.com/cover/223470933-288-k42348.jpg)
YOU ARE READING
Lucky (Stand-Alone)
Narrativa generaleSTAND-ALONE SERIES: LUCKY -- RHYS and WINTER, Bestfriends since birth, born in the same Month, Day, Year and Hour. They like brothers- Yup. Winter is a Lesbian but everything changed when Rhys accidentally kissed Winter on the lips. Her feelings to...