Author's Note: Hello! So ayon, dapat weekend last week ako mag update ang kaso ay nilakad ko kasi yung sa medical assitance ni mother nung weekdays kaya pagoda ako. No update for TTGWSMR.
Baka magkaroon tayo ng new storuy sa Dreame (Doon ko i-update). History ng parents ng SIO3 natin hihi~
Enjoy reading pooooo
Chapter Thirty-Five
NAGSIUWIAN NA ang mga kaibigan ni Summer. Tanging kami na lang ng pamilya niya, Williams family, mga kaibigan namin at sina Ate Mhia, Ate Riley and their family.
"Ayown! Videoke na!" Hiyaw ni Jameson at nauna sa remote para pindot ng numbers.
Kanina kasi ay busy na s'ya sa song book at tumitingin na ng mga kakantahin upang ilista. Nag-aagawan pa nga silang tatlo nina Cole at Ayden na ngayon ay mga naglilista na.
Natatawang napailing ako at binalingan si Connor na tahimik ngayon at nakatitig o tulala sa kung saan. Hindi kasi siya kumukurap.
Sinundan ko ang tinitignan n'ya at nakitang sina Rhys at Madelaine pala 'yon na ngayon ay parehong nakikipag kwentuhan kina Ate Riley, Kuya Raf, Kuya Tristan at Kuya Nate.
Muli ay nilingon ko si Connor na blangko man ang ekpresyon ng mukha, may kung ano naman sa mata n'ya... lungkot at dismaya.
Para saan?
Kahit nagtataka man ay pinagkibit balikat ko na lang 'yon. Naalala kong broken hearted pala s'ya at malamang iniisip n'ya 'yong babae.
The girl is so lucky. Two guys loved her, the one is her boyfriend, and the other one... loved her secretly.
Hindi naman namin pinag-uusapan ang problema n'ya sa pag-ibig. Hindi rin naman siya nagkwento bukod doon sa sinabi n'ya ngang may boyfriend ang babae.
"'Di ba, pinopormahan ka ng boss mo?" Kapagkuwan ay tanong ni Connor at lumingon sa 'kin.
Napapabuntong hininga ako, "Wala pa akong time i-entertain 'yon." Sagot ko.
Kung ano-ano pa ang tinanong niya tungkol kay Sir Damiel kaya medyo nawiwirduhan ako. He even asked if I have crush on Sir Damiel and I sai Yes.
Magiging hipokrita ako kung sasabihin kong hindi ako humahanga kay Sir Damiel. Gwapo at maganda ang tindig ni Sir Damiel plus ang magandang ugali n'ya. Magandang pakikitungo sa mga empleyado at mapagpasensay.
Ako lang talaga ang may problema. Para kasing hindi pa ako handa sa isang relasyon, hindi ko pa naiisip 'yon. Ang priority ko ay ang sarili ko, pinapahalagahan ko muna ang worth ko.
"Dude, limang taon na atang nagpaparamdam sa'yo 'yang Boss mo, hindi mo man lang ba i-acknowledge yang feelings n'ya sa'yo?" naiiling na turan n'ya, "Mabuti na lang at matyaga 'yan, bihira ka lang makakakita ng foreigner na ganyan kaya kung ako sa 'yo, buksan mo sa kan'ya 'yang sinarado mong puso.." May kahulugan ang huli n'yang mga sinabi.
Ilang beses ko ng naisip 'yon, ang buksan muli ang puso ko. Natatakot lang ako at marami akong agam-agam kaya hindi ko magawa at binabaliwala ko ang pagkakagusto sa'kin ni Sir Damiel.
Napadako ang paningin ko sa pwesto nina Rhys. They are looked happy and inlove. They are both laughing because of Ate Mhia's joke. Si Rhys ay nakasandal s'ya sa kanyang upuan habang nakapang-de'kwatrong upo at ang kanyang kaliwang braso ay nasa likod ng upuan ni Madelaine. Nakahiga ang ulo n'ya sa balikat ni Rhys habang ang mga braso n'ya ay nakayakap rito. They looked perfect.
Siguro... ginawa lang talaga akong kasangkapan ni kupido para muling magkabalikan ang dalawa. Ginamit ako ni kupido, not knowing kung masaktan ako sa huli basta muling silang magkatuluyan.
YOU ARE READING
Lucky (Stand-Alone)
Ficción GeneralSTAND-ALONE SERIES: LUCKY -- RHYS and WINTER, Bestfriends since birth, born in the same Month, Day, Year and Hour. They like brothers- Yup. Winter is a Lesbian but everything changed when Rhys accidentally kissed Winter on the lips. Her feelings to...