🎄🎁 MERRY CHRISTMAS! SORRY LATE~
DOUBLE UPDATE PARA SA INYO~
LIKE MY PAGE: LlamaAmbs' Stories.
Enjoy Reading~
Chapter Eighteen.
"GUSTO KO SANA na magpaiwan, eh. Hindi ako sanay ba hindi kasama sa pasko mga pinsan ko.." Anang ni Ayden habang nasa canteen kami.
"Tuleg, ayos na rin 'yon sa ibang bansa kayo magpasko," sagot naman ni Cole, "Maraming chicks doon!"
Maya't-maya kung lingunin ko ang entrance ng canteen baka sa kaling pumasok na si Rhys.
Wala kaming class sa second subject namin pare-pareho nina Jameson, Cole at Ayden. Nagpaalam si Rhys na may pupuntahan lang sandali pero halos matapos na ang pagkain namin ay wala pa rin siya.
"Ano bang tinitignan mo d'yan sa pinto?" tanong ni Connor.
Nilingon ko siya at napansin na nakatingi na sa 'kin ang tatlo pa. Ngayon ay talagang bulgaran na kung pagiging sweet namin ni Rhys sa isa't-isa— Yes, maging ako ay pinapakita ko na talaga.
"Grabe, mawala lang si Rhys talagang hinahanap-hanap mo?" si Cole.
Napangiwi ako, "Sabi niya saglita lang pero matatapos na time natin ay wala pa rin siya,"
"Baka may surprise siya uli sa 'yo?" Ayden teasingly said.
Bigla ay nabuhay ang excitement ko at napansin agad 'yon ng apat dahil sa pamumula ko.
It's been a week since the day je surprise me with huge teady bear and boquet of roses. Rhys insisted that we should take pictures and posted it in Facebook. Kasama namin syempre ang mga binigay niya kaya no'ng maipost ko 'yon at naka-tag siya ay dinumog ang post kong 'yon maging ang comment ay napuno ng comments. Agad naman kaming chinat nitong apat.
"Uy, namumula. Umamaasa!" Pangangasar pa ni Connor kaya nagsipagtawanan sila.
"Patawa-tawa lang ako pero nasasaktan ako," biglang sabi ni Jameson.
Natigil ang tatlo sa pagtawa at nagkatinginan kami dahil sa gulat.
"Jameson.." nasambit ko.
"WAHAHAHAHAHAHAHA JOKE!" aniya, "Moved-on na ako sa 'yo, may iba na akong hinahabol, hehe.."
Ang tuloy niya sa hinahabol ay 'yong classmate niyang lesbian na sinapak naman siya.
Sa dami-daming babae, bakit sa lesbian pa 'to nagkakagusto si Jameson?
Sabagay wala namang pinipiling kasarian para magustuhan mo. Kung trip niya talaga ay lesbian, ay hayaan na lang.
Natapos na kami sa pagkain at oras ba para bumalik sa kanya-kanya naming room ay wala pa rin Rhys. Dala niya rin kasi ang gamit niya nang umalis.
Pagkabalik sa room ay kinuha ko ang cellphone ko para sana matawagan siya pero nagulat ako ng makitang may text siya sa 'kin.
From: Rhys-baby❤️
I'll skip the classes. Sinugod ko kasi si Madelaine sa hospital.I need to be with her, she needs me.
Napatitig ako sa text niya. Napamaang at napatanga. Bigla ay naramdaman ko ang bigat sa dibdib dahil doon sa huling tinext niya.
"Oh, ano?" tanong ni Connor.
Huminga ako ng malalim bago ko ibinulsa ang cellphone ko, "He's.. He's in the h-hospital.." sabi ko.
YOU ARE READING
Lucky (Stand-Alone)
Fiksi UmumSTAND-ALONE SERIES: LUCKY -- RHYS and WINTER, Bestfriends since birth, born in the same Month, Day, Year and Hour. They like brothers- Yup. Winter is a Lesbian but everything changed when Rhys accidentally kissed Winter on the lips. Her feelings to...
