Chapter Ten.
NAGLALAKAD-LAKAD lang kami dito sa loob ng subdivision namin. May mga kakilala kaming nakakakita sa 'min at gulat pero hindi nila kinukwestyon 'yon.
Mayat-maya ko kung tignan ang kamay namin na magkahawak at parang baliw na napapangiti.
Hindi ko alam kung talagang babaluktot na ba ako or hindi, eh. Hindi pa rin ako sigurado kung ano ba talagang nararamdaman ni Rhys sa 'kin, though, hindi pa rin naman niya alam na gusto ko siya.
Maybe, trip niya lang 'to ngayon. Pinagti-tripan ang mga kakilala namin at pinapaliwalaang mero'n ng namamagitan sa mag-Bro kagaya namin.
Pagkatapos namin mag-ikot ay tumambay kami sa park, dito lang din sa loob ng subdivision namin. May mga naglalarong mga bata pero hindi gaano karami.
Umupo kaming pareho sa swing at parehong pinanood ang mga batang naglalaro ng sand castle.
Medyo idinuyan ko ang akin at pinanood ang laylayan ng dress ko na medyo umangat dahil sa mahinang hangin.
"I didn't expect na magsusuot ka ng dress, bro.." anang ni Rhys kaya nilingon ko siya.
Nakatitig siya sa 'kin kahit na dumuduyan ng bahagya ang swing ko.
"Ahh.." napaiwas ako nang tingin at napakamot ng sentido, "S-Susukatin ko lang n-naman sana.."
Hindi siya sumagot kaya nilingon ko siya at nakatingin naman siya ngayon sa buhok ko.
"Humahaba na pala buhok mo?" tanong niya.
Napahawak ako sa buhok ko na lagpas tenga na. Hindi ko kasi napansin na hindi pa ako nakakapagpagupit dahil sa school at sa kinikilos ni Rhys.
"Nakalimutan ko magpagupit. Baka next week." sagot ko.
Umiling siya, "Hayaan mo ng ganyan, pahabain mo.." aniya.
I stop the swing when he suddenly lean on me using his right hand, he fixed my hair that blocking my eye sight.
"Pahabain mo buhok mo, okay?"
Wala sa sariling napatango ako at walang naisagot. Hindi ko na alam pa ang gagawin. Parang gusto ko nalang sumabog sa sobrang lakas ng kabog ng puso ko.
Why are you doing this, Rhys? You don't know how much I love you. Mas lalo lang akong mahuhulog kung gagawin mo 'to.
Kinagabihan ay nakahiga na ako sa kama ko at nakatitig sa kisame. Paulit-ulit na nagpe-play sa isip ko ang mga nangyari mula kanina sa school hanggang sa park.
Kinuha ko ang cellphone ko sa night stand ko at tinawagan si Connor. Kailangan kong may mapagsabihan.
"Dude.." bungad niya. Naririnig ko pa ang tunog ng keyboards sa background.
"Dude!" naiiyak kong sabi, "May nangyari kanina.." sabi ko.
Ang kaninang maingay na tunog ng kanya keyboards ay biglang nanahimik.
"Putangina.." bulalas niya, tunog hindi makapaniwala, "K-Kanina lang?" tanong niya.
Nangunot ang noo ko sa pagtataka dahil sa tanong niya, "Oo, kanina lang-"
"Bakit naman bigla kang bumigay, dude?!" biglang sigaw niya, "Oo, alam kong gusto mo si Rhys pero hindi por que na ganoon ay ibibigay mo nalang basta-basta ang bataan mo! Ang rupok mo naman, dude!" naiinis niyang aniya.
A-Ano raw?!
"Pinagsasasabi mo?"
"Dude, alam mo kung ano ang sinasabi ko!"
![](https://img.wattpad.com/cover/223470933-288-k42348.jpg)
YOU ARE READING
Lucky (Stand-Alone)
Ficção GeralSTAND-ALONE SERIES: LUCKY -- RHYS and WINTER, Bestfriends since birth, born in the same Month, Day, Year and Hour. They like brothers- Yup. Winter is a Lesbian but everything changed when Rhys accidentally kissed Winter on the lips. Her feelings to...