Chapter Two.
NAKAPIKIT na napahawak ako sa uli ko ng sumikbo ang sakit doon.
Fùck!
Ano bang nangyari kagabi? Wala akong matandaan.
Kinusot ko ang mga mata ko at unti-unting dumilat, bumungad sa 'kin ang kulay gray na kisame. Bumaling ako sa kaliwa ko at ang mukha ni Rhys ang nabungaran ko.
He was asleep, narinig ko pa ang mahina niyang paghilik. Napangiti ako. Tumagilid ako ng higa, paharap sa kanya para pagmasdan siya.
Using my forefinger, I traced his forehead down to his eyes, to his nose and down to his slightly parted lips. Napalunok ako ng maalala ang gabing una ko siyang nahalikan. I'm relieved that he doesn't remember the kiss we shared but at the same time, I'm hurt.
Naibaba ko ang kamay ko ng medyo gumalaw siya at tuluyan na ngang napadilat. Deretso ang titig niya sa mata kong nakatitig sa 'kin.
"Kanina ka pa gising?" tanong niya sa namamaos na boses.
Umiling ako, "Kakagising ko lang ng gumalaw ka.." palusot ko.
Tumango siya at umupo sa kama niya. Gano'n din ang ginawa ko at nag-inat.
"Do you remember what happened yesterday?" pagkuwan ay tanong niya.
Nabitin sa ere ang paghihikab ko at nakakunot ang noong binalingan siya.
"Hindi, Bakit?" tanong ko.
Umiling siya at tipid na ngumiti, "Wala. Uminom ka lang ng pagkadami-dami." aniya.
Tumango nalang ako at tumayo na. Kinuha ko naman ang sapatos ko, magpapaa nalang akong babalik sa bahay. Hussle kung susuotin ko pa, eh, tatanggalin ko rin naman.
"Balik na ako sa bahay." saad ko at agad na nagpunta ng pinto.
Pipihitin ko palang ang doorknob ng tawagin ako ni Rhys.
"Bro.." pukaw niya sa 'kin.
Humarap ako sa kanya, "Bakit?" tanong ko.
Mataman niya akong tinitigan, "Tomboy ka, 'di ba? I mean— you like girls, not guys?" tanong niya, "You wouldn't break our friendship, right?"
Napatitig ako sa kanya at sa tanong niya. Why he suddenly asking that?
"I'm attracted to girls and ofcourse, I wouldn't break our brotherhood kung ang iniisip mo ang magiging girlfriend at baka magustuhan ko, don't worry.. bros before hoes, bro." sagot ko.
Para siyang nakahinga ng maluwag dahil doon at ang kaninang seryosong mukha ay napalitan ng ngiti.
"Sige na. Balik ka na sa inyo at magmumog ka, amoy alak ka, eh." nakangiwing pangtataboy niya sa 'kin.
I raised my middle finger to him but he just laughed.
Bumaba na ako at syempre dumaan muna ako sa kusina nila kung nasaan nando'n ang parents ni Rhys— bestfriends din ng parents ko.
"Good morning po." bati ko.
"Good morning, Hija.." nakangiting bati nina tita Melanie at tito Ryan na nag-aalmusal na.
"Tita, pwedeng humingi ng pancakes." saad ko.
Nakangiting tumango si tita Melanie, "Sure. Pinasobrahan ko talaga 'yan for you.." aniya at inabot sa 'kin ang isang pinggan na may pitong pancakes.
"Thank you po! Balik muna po ako sa bahay." Paalam ko at lumabas na ng bahay nila at umiwi sa katabing bahay which is yung sa 'min.
"Good morning!" bati ko sa mga magulang ko at mga kapatid na nasa dining room at nag aagahan.
YOU ARE READING
Lucky (Stand-Alone)
Ficción GeneralSTAND-ALONE SERIES: LUCKY -- RHYS and WINTER, Bestfriends since birth, born in the same Month, Day, Year and Hour. They like brothers- Yup. Winter is a Lesbian but everything changed when Rhys accidentally kissed Winter on the lips. Her feelings to...