A/N: HELLO! SORRY FOR THE LATE UPDATE 🙏🏻😭
PLAN KO MAG GAWA NG IG AND TWT ACCT FOR AUTHOR'S ACCOUNT LANG BUKOD DOON SA FB KO HEHE.FUN FACT:
FACT #3: I AM 5'7.Add and like my FB acct/page:
Account: LlamaAmbs WP
Page: LlamaAmbs' Stories.Enjoy reading!
Chapter Twenty-Two.
BINALINGAN ko si Hunter na hindi pa nagpapalit hanggang ngayon. Nasa kabilang bahagi kami ng field at naka-upo.
"How's... How's your feeling?" May pag-aalangan ang tanong niya.
Napabuntong hininga ako at napaiwas ng tingin, "Hindi ko alam." Sagot ko.
"Comfront him."
Muli ay nilingon ko siya dahil sa sinabi niya. Mataman niya akong pinagmamasdan.
"I-I can't... I don't want to.." Malungkot na sabi ko.
Natatakot akong malaman ang katotohanan na ginagamit niya lang pala ako. Natatakot akong matapos ang masarap na pakiramdam na binibigay niya sa 'kin kahit pa na wala naman palang ibang ibig sabihin no'n.
Pero ano 'yong paghalik-halik niya sa 'kin?
Bumuntong hininga si Hunter, "You will let him use you?"
Malungkot akong ngumiti at tumingin sa malayo, "I'm still his friend, his bestfriend.." Tsaka muli ko siyang nilingon, "Isa sa responsibilidad ko ang tulungan siya kahit na ang kapalit ay masaktan ako sa huli."
Napatingin ako sa bulsa ng pants ko ng maramdamang mag-vibrate ang phone ko. Kinuha ko 'yon at nakitang may text si Rhys sa 'kin.
'Sabay ka na lang kay Connor, may pupuntahan lang ako.'
Napatitig ako saglit bago mag-angat muli ng paningin and then from afar, I saw Rhys walking with Madelaine besides him. Naglalakad sila papunta parking lot.
"Siya nagtext sa'yo?" Tanong ni Hunter na kagaya ko ay nakatingin sa kung saan ko nakita si Rhys.
Tumango, "May pupuntahan daw siya," Sagot ko, "Hatid mo ako." Tumayo ako.
"Okay. But can you wait for me? I'll just change my clothes." aniya.
Kaya ayon nga ang ginawa namin. Pumunta kami sa Locker nila pero nandoon ako sa mini Lobby nila doon kung saan ako pwede maghintay.
"Maliligo lang ako saglit." Aniya bago pumasok mismo sa locker room nila kung nasaan din ang shower stalls for baseball players.
Umupo naman ako doon sa isa sa single sofa at nilabas ang cellphone ko para i-text sina Connor na sasabay ako kay Hunter.
Habang naghihintay ay biglang nagsilabasan ang ibang players ng baseball team. Natigilan sila ng makita nila ako doon, nahihiyang napangiti naman ako.
"H-Hinihintay ko lang si Hunter." Sabi ko.
"Winter, right?" Tanong ng isa, "'Yong pinakilala ni Hunter kanina?"
Nahihiyang tumango namab ako. Tatayo na sana ako pero pinigilan nila ako.
"No. It's okay, umupo ka lang. Aalis na rin naman kami." Aniyia at ngumiti.
Ilang sandali na lang ay naiwan na akong mag-isa roon. Naglakbay ang isip ko sa narinig na pinag-usapan nila Rhys at Madelaine.
Inamin n'yang hindi kami kay Madelaine which is totoo naman at ngayon ko lang mas lalong napagtanto na bakit wala kami kahit na may namamagitan na sa 'min?
YOU ARE READING
Lucky (Stand-Alone)
Художественная прозаSTAND-ALONE SERIES: LUCKY -- RHYS and WINTER, Bestfriends since birth, born in the same Month, Day, Year and Hour. They like brothers- Yup. Winter is a Lesbian but everything changed when Rhys accidentally kissed Winter on the lips. Her feelings to...