🎄🎁 MERRY CHRISTMAS! SORRY LATE~
DOUBLE UPDATE PARA SA INYO~
LIKE MY PAGE: LlamaAmbs' Stories.
Enjoy Reading~
Chapter Nineteen.
DAHIL HINDI naman kami kumain ng rice ay marami kaming nakain ni Hunter na panay ang dighay pagkalabas namin.
"Grabe, mabusog ako doon, ah?" aniya at muling dumighay.
Hinimas ko ang tyan kong punong-puno, nabusog talaga ako doon sa Unli wings sinamahan pa ng samgyupsal.
Hindi namin napansin ang oras. Maga-alas otso na pala. Muli kong tinignan ang cellphone ko pero wala pa rin reply si Rhys.
"Ihatid na kita," pukaw ni Hunter at naglakad na sa kotse niya.
Sumunod ako at pumasok. Binuhay niya ang makina at umalis na. Dumaan pa kami paderetso para magU-turn. Sa daan ay traffic dahil uwian naman ng mga workers.
"Hindi kaya mapalayo ka?" tanong ko ng sabihin ko kung sa'ng subdivision kami na ninirahan.
"No, Actually ay hindi, nadadaanan ko ang Subdivision niyo tuwing papasok at uuwi, doon ako sa Reach Hill Subdivision," saad niya.
Kaya naman pala. Hindi naman gaano kalayo 'yong kanina pero hindi rin malait kaso hussle rin ang gagawin niya imbes na dumeretso nalang pauwi sa kanila.
Pinilit ko pa siyang ibaba na lang niya ako sa gilid ng kalsada at ako na bahalang tumawid pero hindi siya pumayag. He insist na ihatid niya ako hanggang sa bahay.
Saktong pagparada namin sa tapat ay siyang paglabas ni Papa sa gate habang bitbit ang trashbag upang i-iwan sa labas ng bahay.
Nagtataka si Papa'ng napatingin sa kotse ni Hunte kaya agad akong lumabas.
"'Pa," Pukaw ko kay Papa.
Lumapit ako kay Papa para mag-mano at humalik sa pisngi, sakto naman na lumabas din si Hunter.
"Good evening po, Sir," Magalang na pagbati ni Hunter kay Papa.
Nakataas ang kilay na binalingan 'to ni Papa bago niya muli akong tignan. Nagtatanong ang titig niya kaya tumikhim ako.
"'Pa, si Hunter Dela Torre po, schoolmate namin ni Rhys and friend ko po." sabi ko at binalingan si Hunter, "Si Papa ko,"
"Magandang gabi po, Sir," muli ay bati ni Hunter.
Nanlaki ang mata ko nang kunin niya ang kamay ni Papa upang magmano. Gulat kaming nagkatinginan ni Papa bago muling binalingan si Hunter.
"G-Godbless y-you, Hijo.." anang ni Papa.
Ngumiti siya, "I need to go na po pala," aniya at binalingan ako, "I enjoyed this day with you."
Muli.ay nagpaalam siya. Pinanood namin siya ni Papa na sumakay sa Mustang niya at umalis.
"Care to explain?" baling sa 'kin ni Papa.
Kaya ayon, ipinaliwanag ko kay Papa kung bakit kasama ko si Hunter. Sinabi ko rin na may pinuntahan si Rhys pero hindi ko sinabing kasama ni Rhys ang EX niya.
Pinauna ko munang papasukin si Papa dahil sisilipin ko ang garahe nila Rhys kung nandoon na ba ang kotse niya.
May finger censor sila sa gate at lahat kami ng family ko ay may access, and vise versa.
Nadismaya ako ng makitang wala roon ang Hammer niya.
Kasama pa rin niya?
Hindi man lang siya magabalang mag-reply man lang sa 'kin, kung lowbat siya eh pwede naman siya maki-text, 'di ba?
YOU ARE READING
Lucky (Stand-Alone)
General FictionSTAND-ALONE SERIES: LUCKY -- RHYS and WINTER, Bestfriends since birth, born in the same Month, Day, Year and Hour. They like brothers- Yup. Winter is a Lesbian but everything changed when Rhys accidentally kissed Winter on the lips. Her feelings to...
