Chapter Seven

503 22 14
                                    

Chapter Seven.

LAGLAG ANG PANGANG napatitig sa mukha ni Hunter. Matamis siyang nakangiti sa'kin.

"Dreams? Psh. Kalokohan.." bulong pa ni Rhys pero narinig naman nila.

Bumaling si Hunter kay Rhys, "Hindi kalokohan ang pangarap ko. Hindi ko siya lolokohin." aniya at sa 'kin na tumingin.

Napakurap-kurap akong napatitig sa kanya. Hindi makapaniwala sa kanyang sinagot kay Rhys.

"Psh. Corny!" angil na bulong ni Rhys na tanging ako lang ang nakarinig, "Kumain ka na nga, Bro!" aniya na galit.

Tumalima naman na ako at nagpatuloy sa pagkain. Maya't-maya ko ring lingunin si Rhys dahil sa bawat pagsubo niya ay may kasamang dabog. Naabutan ko siyang tinitignan ng masama si Hunter na walang ginawa kung 'di ay ngitian ako at magpa-cute. Napapailing nalang ako.

After kumain ay pinagpahinga na kami at pinaghanda para sa basketball namin mamaya.

"Dukutin ko mata niyan, tignan mo!" busangot na bulong-bulong pa ni Rhys, natawa ako kaya masamang tingin ang binigay niya sa'kin, "Bakit ka tumatawa d'yan?"

"Para ka kasing tanga." napapailing na sagot ko at sumubo ng pagkain.

"Tss.." aniya at kumuha ng isa pang putahe at nilagay sa pinggan ko, "Oh, kumain ka pa.." busangot pa rin niyang sabi.

"T-Tama na, bro, ang dami na, oh!" pigil ko dahil nilalagyan niya pa ng ibang ulam ang pinggan ko.

"So, paano mo pala nakilala sina Kuya?" kapag-kuwan ay tanong ni Hunter sa 'kin.

Napabaling ako sa kanya. Hindi ko maiwasang maasiwa dahil sa ngiting-ngiti niyang mukha. Parang aliw na aliw siya sa 'kin sa hindi ko malaman na dahilan. Para siyang nagpapa-cute pero gwapo pa rin tignan.

"Dahil kela Ate Riley. Sila ang una naming nakilala ni Rhys bago sina Ate Mhia." sagot ko bago sumubo uli.

Tatango-tango siyang bumaling kay Kuya Mike na busy sa pagpapasubo kay Ate Mhia na pinapakain ang anak.

"How come na hindi ko alam na kaibigan mo si Winter, Kuya?" tanong niya kay Kuya Mike and Kuya Jeric.

Kuya Jeric shrugged his shoulder, "Aba! Malay ko ba naman na kakilala mo sila?"

Bumuntong hininga siya at muling bumaling sa 'kin na na nakangiti na halos singkit na ang mga mata.

"Hindi bale late na atleast alam ko ng konektado pala tayo." aniya.

Napakurap ako dahil sa sinabi niya pero nawala ang paningin ko sa kanya at napabaling kay Rhys nang maubo 'to. Agad kong inabutan ng tubig.

"Ayos ka lang?" tanong ko.

Tumango siya habang umiinom. Pagkatapos ay bigla itong humalakhak.

"HAHAHAHAHAHA!" Malakas na tawa ni Rhys.

Nagkatinginan kaming nasa lamesa, nagtataka sa inasal ni Rhys.

"Hoy! Para kang tanga. Bakit ka natawa?" taka kong tanong.

Pinahiran niya ang luha matapos humupa ang tawa niya. Tinuro niya si Hunter at muling natawa.

"LT kasi n-nang sinabi niya— BWAHAHAHAHAHA!"

"What's funny?" kunot ang noong tanong ni Hunter sa kanya. He looks offended.

"'Yang sinabi mo— konektado ka kay Winter? Saang parte ka konektado sa kanya?" natatawang tanong ni Rhys, "Hindi ka connected sa kanya."

"I'm connected to her." mariin na sagot ni Hunter, "She's my cousin's friend and I'm her friend too, so konektado kaming dalawa."

"Hindi! Pinipilit mo lang na magkakonektado kayo. Ano 'yon? Destiny? psh!"

Lucky (Stand-Alone)Where stories live. Discover now