Chapter Twenty-Four

503 22 23
                                    

Author's Note: As I promise, everyweek ang update natin sa apat na stories ko. Hehe. May typo and wrong grammar ako dahil hindi na ako nga p-pre-view hehe.

Fun Facts:
Fact #5: Kapag matutulog ako, hindi pwedeng walang magaspang na tela sa paanan ko kasi kinikiskis ko doon paa ko. HAHAHA

Add my FB acct: LlamaAmbs WP
Like my FB page: LlamaAmbs' Stories

Enjoy Reading!

Chapter Twenty-Four.

PARA AKONG nakalutang sa alapaap habang hagkan-hagkan namin ang parehong labi.

Nang humiwalay kami sa isa't-isa ay ipinatong niya ang noo sa 'kin. Pareho kaming naghahabol ng hininga. Sa ganoong posisyon ay muli niya akong sinayaw.

Parang nasa ulap ang pakiramdam ko ngayon dahil sa sarap ng pakiramdam na pinapadanas sa 'kin ni Rhys. Sa simpleng ganito ay nakakalimutan ko ang masasamang nangyari ng mga nakaraan. Sa simpleng paghagkan niya ay napawi niya ang lungkot na bumalot sa 'kin.

"You're so beautiful, Winter.." Aniya sa malakas na boses dahil sa tugtog.

I blushed because of his compliment, napangisi siya doon dahil malamang ay nakita niya ang pamumula ng mukha ko. Hindi pa gaano kadilim ang dance floor dahil pang-sweet dance pa ang tugtog kaya malamang ay napanood niya ang pamumula ko.

"I loved making you blush.." Ngumisi niya, "Kakaiba ang hatid no'n sa 'kin."

Napanguso ako, "Ang sabihin mo ay gustong-gusto mo ako inaasar!" sabi ko.

Humalakhal, "Isa rin 'yon pero mas gusto kong namumula ka dahil sa compliments ko sa 'yo, gusto kong maganda ang maalala mo kapag namumula ka."

Lumayo na ang ulo niya pero ang mga braso niya ay mahigpit pa rin nakapulupot sa bewang ko. Nakangiti niyang pinagmamasdan ang mukha ko kaya ito ako ay todo iwas ng tingin dahil sa pagkakailang.

Nang matapos ang sweet music at napalitan ng pang-party'ng tugtugan ay inaya na ko ni Rhys na bumalik muna sa table namin.

"Uy, Rhys, Winter!" bati ng mga kakilala namin ng madaanan namin sila.

Pareho kaming huminto at nakipagbatiaan pa sa mga kakilalang mga nandoon.

"Nag-iba na kayo.." Anang ni Eron at tinignan ang kabuuan ko, "Lalo ka na Winter, you're already gorgeous na dati pa lang even though you are a lesbian pero mas maganda ka ngayon." Ngisi niya sa 'kin, may kakaiba doon na gusto kong ikasuka.

Napakamot ako sa sentido, "S-Salamat."

"We saw you two kissing, kayo na ba?" Tanong ng isa sa mga kakilala namin na babae.

Ako na sana ang sasagot pero naunahan ako ni Rhys, "Not really.." aniya.

Hilaw naman akong napangiti. Wala talagang tawag sa nangyayari sa 'min ngayon.

"Kung ganoon, I can court you?" Eron asked, smirking.

Sasagot na sana ako pero hinapit ako ni Rhys, "No, you can't court her."

Nagtataka naman si Eron, "W-Why? She's single, Why I can't court her-"

"Becasue she's a lesbian and hindi ka niya type." And with that ay hinatak niya ako papaalis doon.

Mahina naman akong napatawa dahil sa sinabi niya pero nawala 'yong ngiti ko nang balingan niya ako, "Anong ngini-ngiti mo?"

Umiling ako, "Wala-"

"Are you happy that someone wants to court you?" kunot ang noo niyang tanong.

Bumuntong hininga naman ako pero muling bumalik ang ngiti ko na lalong ikinasama ng tingin niya.

Lucky (Stand-Alone)Where stories live. Discover now