Author's Note: Hindi ko pala kaya mag-update ng sabayan HAHAHAHA Natutuyo utak ko putek! Ginagawa ko na rin kasi yung first installment ko sa The Bachelor Series na ilalagay ko sa Dreame which is doon ko i-update (Daily 'yon if magkataon) kaya ayern. Marami pang nakahilerang stories na gagawin ko kaya medyo mabagal din tayo na mag update sa mga on-going. Baka next week isa-isa kong i-update yung apat, hindi sabay-sabay para may pahinga kahit papaano utak ko hahaha.
About naman sa story na gagawin ko sa Dreame, related 'yong dalawang bida sa SIO natin hihi. Abangan niyo.
Anyways, add/follow nito ang Fb account at fb page ko!
Page: LlamaAmbs' Stories
Account: LlamaAmbs WP
If gusto niyo sumali sa GC just message me sa Fb and I will try to be active sa GC huhu.
Enjoy reading!
Chapter Thirty-Six.
"HUG me tight, bro, I don't want you to fall and get hurt..."
Natigilan ako doon pero agad din nakabawi nang dugtungan n'ya 'yon.
"Uhh.. mabilis ko magpatakbo kaya kailangan na nakayakap ka sa 'kin." Aniya.
Napabuntong hininga naman akong sumunod sa kanya. At totoo nga ang sinabi niya dahil tinadtad ko na siya ng mura dahil sa bilis niya magpatakbo at talaga namang sumisingit s'ya!
"Tangina mo, Rhys! Gago ka! Bagalan mo!"
Yumugyog ang balikat niya at halatang natatawa, tuwang-tuwa sa nararamdaman kong kaba at takot sa ginagawa niya.
Kaya para makaganti ay pinagsasasapak ko ng malakas ang hita n'ya na ikinagewang lalo ng motor.
"Tangina m, Rhys!" Mura ko uli at muli ay tinawanan n'ya lang ako.
"It's your fault now!" Sigaw n'ya dahil naka-helmet siya at nasa kalsada pa kami.
Sa awa ng diyos ay nakarating kami sa destinasyon namin kung saan kami kumakain noon ng street food.
Naglakad na kami patungo sa mga nakahelerang nagtitinda ng street food matapos iparada ang motor n'ya. Pareho namin bitbit ang helmet na sinuot namin.
Siya na ang bumili ng kwek-kwek na maliliit na nakalagay sa paper bowl, nakahiwalay naman ang matamis, maanghang na sauce at suka no'n. Ako naman ay nakaupo na sa upuan at lamesa na naroon sa harap ng tindahan.
"Here," nilapag n'ya 'yong dalawang malaking bowl at mga sauce no'n, "Tag sixteen tayo." Ngumisi s'ya.
Napa-roll eyes na lang ako. Hindi pa rin pala nagbago 'to , matakaw pa rin sa kwek-kwek. Kung gaano karami ang kanya ay ganoon din sa 'kin.
"Kapag ikaw talaga inatake ng highblood, iiwan kita dito!"
"Kaya nga magkasing dami tayo ng kwek-kwek para may karamay ako, eh!" Aniya sabaay halakhak. Natawa sa sariling joke.
Iiling-iling naman akong nag-umpisang kumain at hindi na s'ya pinansin pa.
"Hindi ka ba papasok sa company?" Alam ko ang tinutukoy n'yang kumpanya.
"I'm okay with my work now." Sagot ko.
"Yeah, but you know, Tito still needs you in the company. Alam ko naman na gusto mong magsumikap ng ikaw mismo pero it's better if we both manage our fathers' company."
"Hindi pa ako handa mag-manage no'n, tsaka alam ko naman na kaya mo mag-isa 'yon." Sabi ko.
Susubo na sana ako nang matigilan dahil nakatitig na lang s'ya sa 'kin, particular sa labi ko. Bigla ay kinabahan ako, hindi ko alam kung sa takot pero hindi ko alam ang rason!
YOU ARE READING
Lucky (Stand-Alone)
Ficción GeneralSTAND-ALONE SERIES: LUCKY -- RHYS and WINTER, Bestfriends since birth, born in the same Month, Day, Year and Hour. They like brothers- Yup. Winter is a Lesbian but everything changed when Rhys accidentally kissed Winter on the lips. Her feelings to...
