Chapter Thirty-Two

607 38 16
                                        

Author's Note: Hello! Dapat kagabi 'to pero nakatulog agad ako hehe. Babawi na ako next week 🙏🏻

P'wedeng humingi ng favor? Can you please subscribe to my YT channel called Your Lyrics Mania it's a big help ang pag-subs n'yo para ma-reach ko ang 1k subscribers hehe. Ang Maybe makadiskubre rin kayo ng mga kanta 😊

Join my Group Chat, Message me sa Fb page or Fb account:
Fb Page: LlamaAmbs' Stories
Fb Account: LlamaAmbs WP

Errors ahead, hindi ako nag-preview.

Happy Reading!

Chapter Thirty-Two.

"WE'RE SO busy. We need brake!" Crystel, my co-worker said while we're dinking coffee in our pantry.

Break time namin ngayon at medyo naginhawaan kami kahit papaano. Tambak kami uli ng projects kaya panay ang overtime namin. Tho, pabor samin 'yon dahil dagdag sahod pero sakitt talaga aabutin dahil wala kami halos pahinga.

It's been 5 years since I worked here in AmericaType. Limang taon na akong graphic designer dito at masasabi kong maganda ang experience rito. Magaganda kasi ang benepisyo at hindi ka rin gugutumin dahil unli foodtrip dito sa pantry namin.

Ilang araw nang salubungin namin ang bagong taon ay tumulak na ako papunta rito sa America. Iyak nang iyak ang mga kapatid ko maging si Mama, si Papa ay namumula lang ang mga mata habang nagpapaalam ako sa kan'ya. Tumahan lang ang mga kapatid ko nang sabihin kong papadalhan ko agad sila ng LV, Hermes at iba pang luxury brands. Si Fall nga ay pinagtulakan na 'ko papasok noon no'ng sabihin ko sa kanila 'yon.

Dito na rin ako nakapagtapos, online nga lang. Si Mama ang tumanggap no'n para sa 'kin at ngayon nga ay naka-frame iyon sa bahay.

After that night of confrontation, hindi ko na nakausap ko nakikita pa sa Rhys dahil madalas na 'tong maglagi kela Madelaine simula no'ng umamin ako sa kan'ya. Hindi ko alam kung iniiwasan n'ya ako dahil sa pag-amin ko o dahil galit s'ya dahil sa hindi ko pagsabi sa kan'ya ng plano ko o pareho 'yan. Hanggang sa araw nang paglipad ko pa-abroad ay wala ni anino n'ya ang nakita ko.

I deactivated my social media accounts. Gumawa na lang ako ng viber at snapchat pang update sa pamilya ko ay sa mga dudes ko na kahit busy kami sa kaniya-kaniyang trabaho ay nagagawa pa rin namin magkumustahan.

Nalaman kong nabuntis ni Jameson si Clarix pero tinakbuhan s'ya nito at hanggang ngayon ay hindi niya pa nahahanap ito. Si Ayden at Cole ay may pinakilala sa 'king girlfriend nila.... girlfriend nila! Na windang na ako noon kela Ate Riley at Ate Mhia pero mas nakaka-windang dahil bestfriends ko pa mismo! Hindi nila masyadong dinetalye ang pangyayari pero ang alam ko lang ay nakilala nila ang girlfriend nila sa mall at sa karinderya. Si Connor naman ay wala akong napapabalitaang may gf o nagka-gf, kinakantyawan na nga s'ya na bakla s'ya pero tinatawanan n'ya lang 'to.

Hindi naman nila binabanggit sa 'kin nina Dudes at ng pamilya ko si Rhys. Hindi ko rin naman tinatanong. Doon s'ya sa kompanya ng mga tatay namin nagta-trabaho ngayon. Minsanan ng nadulas si Jameson ng banggitin n'yang nag-celebrate ng anniversary si Rhys at Madelaine at pagkatapos no'n ay wala na rin silang binanggit pa.

Hindi ko alam kung anong nararamdaman ko noon pero masasabi kong may kurot pa rin sa puso ko. Kaya siguro mas ginugol ko sa pagta-trabaho ang sarili ko dahil kahit papaano ay malimutan ko ang sakit.

Hanggang sa hindi ko namalayang 5 years na pala ako rito sa US, hindinako nagtake ng vacation para umuwi sa pilipinas ni minsan at maging ang paggagala rito ay minsan ko lang gawin dahil gugol ako sa pagta-trabaho.

Lucky (Stand-Alone)Where stories live. Discover now