Chapter Twenty-Nine

436 31 19
                                    

A/N: Hello! Lucky muna update ko hehe. Next week na ang iba pa. Try kong apat uli pero wala kasi akong time kapag umaga ako magsulat dahil marami din akong ginagawa :((

May Telegram GC po tayo! Add niyo ko @LlamaAmbs then message niyo ako ng 'AMP' 😂 8 palang members ko amp.

May social medias po tayo. Like, Follow or Add niyo ako para happy 😂

Happy Reading~

Chapter Twenty-Nine.

MAY Ngiti sa labi ko habang naglalakad papunta kung nasaan si Rhys. Ano kaya ginagawa n'ya doon? Tanong ko sa sarili.

Binabati ako ng mga nakakasalubong na estudyanteng kakilala at dahil good mood ay binabati ko rin sila pabalik.

Muli ay tumingin ako sa cellphone klo at nakitang malapit na ako kung nasaan s'ya, ilang hakbang na lang ang bibilangin.

Nakita ko ang likuan kung saan papunta ang mga upuang bato at lamesa kung saan malilim, bukod pa sa gilid ng field na tanging mga puno lang ang nagiging bubong doon. Pagkaliko ay agad kong natanaw ang pamilyar na likod ni Rhys, nakatalikod s'ya sa gawi ko at parang may kinakausap. Nakita ko pag yumugyog ang balikat n'ya na parang natatawa s'ya sa kausap.

"Rhys.." tawag ko nang nasa likod na n'ya ako.

Parang natitigilang napalingon sa 'kin si Rhys, "W-Winter..." Parang gulat n'yang turan sa pangalan ko.

"Bakit ka umalis kanina..." Hindi ko maituloy ang pagsasalita nang makita ko kung sino ang nasa harap n'ya.

Napamaang ako nang makita si Madelaine, s'ya ang kausap ni Rhys. May maliit na ngiti s'ya at parang nahihiya akong tignan.

"H-Hindi mo natapos 'yong pageant ko.." Marahang sabi ko kay Rhys.

Agad napaiwas si Rhys at kay Madelaine tumingi, "I-I have something...important errands to do.."

Naguguluhang napatingin ako kay Rhys, medyo nasaktan dahil sa kan'yang sinabi.

"M-Mas importante pa 'yan sa-"

"I have something to tell you, Bro.." putol n'ya sa sasabihin ko sana. Napahilamos s'ya gamit ang kaliwang kamay, "H-Hindi ko sana ngayon sasabihin pero nandito na tayo."

Napatingin ako saglit kay Madelaine na nakangiti nang nakatingin kay Rhys. When Rhys saw that, he smiled to her too. Kakaibang ngiti 'yon kasi pareho nilang mga mata ay kumikinang sa emosyon na halos ikadurog ko.

"We're.. we're together again!" Masayang anang ni Rhys at medyo iginiya pa n'ya si Madelaine paharap at doon ko nakita ang kanilang mga kamau.

I looked at their intertwined hands. Mahigpit ang pagkakakait ng kamay ninla sa isa't-isa. Tinignan ko ang nakangiting mukha niya.

Parang binuhusan akok ng tubig at nanunot 'yon sa loob ko. Hindi ako agad nakakilos at hindi nakapag-react.

"K-Kayo na uli? K-Kailan pa?" after a while ay natanong ko. Pinilit kong magsalita habang hindi gumagaralgal ang boses ko dahil sa pagbabadya ng luhang gustong kumawala sa mga mata ko.

Malaking ngumiti si Rhys, "Yes, bro!" aniya,  "Finally, bro!" galak na saad nito na parang nanalo s'ya ng lotto, "A month ago.."

"Kala ko hindi siya magseselos sa ginagawa kong ka-sweetan sa'yo!" aniya at bahagyang natawa, "Actually, siya ang nagpaintindi sa 'kin tungkol sa offer sa 'yo kaya pumayag na ako no'n." Malaki ang ngiti pa n'yang sabi.

Doon ay natigilan ako. Ang memorya kung saan s'ya naging sweet sa 'kin ay nagsiragsaan sa isip ko. Ang mga eksena na sweet kami sa isa't-isa ay nagbalik sa 'kin. Ang araw na bigla s'ya nag-sorry sa inasta at sa pagpayag sa 'kin na tanggapin ang offer para sa 'kin. Pero imbes na kilig o galak ang maramdaman ay sakit ang binigay. Gusto kong maiyak. Gusto ko s'yang sigawan at sumbatan!

Lucky (Stand-Alone)Where stories live. Discover now