A/N: Hello! Another update~ Sorry if now lang. Busy ako kakasulat, nag-iipon ako ng drafts for Lucky and HBL pati na rin sa TTGWSMR hehe. So.. kapag natagalan po uli, alam niyo na ☺️
Enjoy Reading~
**
Chapter Nine.
"OH? SAAN kayo galing?" Tanong ni Cole pagkabalik namin sa tambayan.
Hindi ako sumagot. Nakabusangot lang ako dahil sa nangyari kani-kanina lang.
"Bakit bigla kayong umalis sa canteen?" takang tanong ni Ayden, "Tapos maabutan namin ay mga gamit niyo lang ang nandito.."
"May pinuntahan lang d'yan.." sagot ko at naupo na.
Napabaling ako kay Connor nang sikuhin niya ako. Tinaas niya ang dalawang kilay na parang nagsasabing anong nangyari.
"Mamaya.." mahinang sagot ko.
Kaya matapos ang subjects namin ay tumabay kami uli sa field at si Rhys ay naglalaro na naman ng soccer.
"Kwento mo na.." anang ni Connor ng kami lang ang nasa lamesa.
"Nagtalo kami ni Rhys dito kanina no'ng makaalis kami sa canteen tapos nagwalk-out ako.." binitin ko at huminga ako ng malalim, "At nakasalubong ko si Madelaine at hindi ko alam na sinundan ako ni Rhys kaya nakita niya rin 'to.."
"Tapos?"
Bumuntong hininga ako, "Yinakap niya ang braso niya sa 'kin sa harap ni Madelaine.. at sa harap ng mga estudyante." napapapikit na saad ko.
"What?!" gulat na tanong niya.
Napadilat ako, "Yinakap niya ako sa harap ni Madelaine.."
"Anong reaksyon ni Madelaine?"
"Parang nagulat pero parang expectesd niya na may nag-iba sa 'min ni Rhys." muli akong napabuntong hininga, "Tapos pagkaalis ni Madelaine hindi pa rin ako binitawan ni Rhys at hinalikan niya ako sa ilong at nakita 'yon ng mga estudyante.."
"WHAT?!" Malakas na tanong niya at halatang gulat.
"Shh! H'wag kang maingay!" suway ko at napatingin sa paligid, muli ko siyang binalingan.
"Rhys did that?" tanong niya.
Napanguso ako, "Oo.."
Hindi makapaniwalang napatitig siya kay Rhys na naglalaro bago sa 'kin bumaling.
"Iba na 'yan." aniya habang nakangiti.
"Pa'nong iba?"
"Dude, kung trip lang talaga ni Rhys na maging sweet sa 'yo, dapat sa 'min niya lang pinapakita 'yon at hindi sa iba pero hindi, sa harap ng mga estudyante— ni Madelain na ex niya ay gano'n ginawa niya sa 'yo.."
"Anong ibig sabihin mo?"
Tinitigan niya ako na parang ang tanga-tanga kong umintindi, "Na marahil ay nagugustuhan ka na ni Rhys!"
Natigilan ako. Gusto ko man 'yon pero parang iba ang nararamdaman ko. Ayokong umaasa at sinabi ko ngang ayaw ko bigyan 'yon ng malisya.
Mahina akong natawa, "Imposible 'yon, dude. Hindi ko naman nararamdaman, eh—"
"Kasi iniisip mong hindi ka magugustuhan ni Rhys." seryosong aniya, "Look, Winter, lalaki ako. Alam ko at ramdam ko kung may gusto ang isang lalaki sa babae.."
"So, sinasabi mong nararamdaman mo 'yon kay Rhys?" natatawa kunwaring tanong ko, "Don't give me false hope, dude."
"Hindi kita binibigyan ng false hope, Dude. Gusto ko lang iparating na bakit hindi mo sibukan na ikonsidera 'yon? Huwag mo munang isipin na baka trip niya lang ang maging gano'n?" aniya, "Kung ang iniisip mo ay hindi pa siya nakaka-move-on kay Madelaine, sa tingin mo ay gagawin niya 'yon sa 'yo sa harap niya— nila? Hindi! Kilala mo si Rhys, Dude. Kapag may gusto siya, walang paligoy-ligoy niya 'tong kukunin. Kung may gusto pa siya kay Madelaine, sa tingin mo ba ay lagi mong kasama siya? Pagkarating palang no'n ni Madelaine susuyuin na niya 'to agad.."
YOU ARE READING
Lucky (Stand-Alone)
Fiction généraleSTAND-ALONE SERIES: LUCKY -- RHYS and WINTER, Bestfriends since birth, born in the same Month, Day, Year and Hour. They like brothers- Yup. Winter is a Lesbian but everything changed when Rhys accidentally kissed Winter on the lips. Her feelings to...
