A/N: Hello! Sorry late~ Dapat sabado pa kaso naging busy. Anyways I'll try my best na mag-update everyweekend. Mahihirapan ako kasi 4 stories 'to HAHAHAHA.
LIKE MY PAGE: LlamaAmbs' Stories
Thank you~
Chapter Seventeen.
INIUMPOG KO ang noo sa study table ko. Kanina pa ako nagbabasa at inaaral ang dapat aralin.
Malapit na ang pasahan ng thesis at iba pa naming gawain kaya sobrang ngarag na ako. Sumabay pa ang Logo making contest na sinalihan ko online kaya lalo ako nagkukumahog.
Bakit ko nga ba sinalihan pa 'yon? Alam ko na ngang busy na kami mula sa buwan na 'to at Limang buwan pa ay graduation na namin.
Itong sinalihan kong logo making contest ay naka-base sa europe naman. Mas malaki ang premyo kaya sinalihan ko na. Kaso nakalimutan kong marami pala kaming gawain na sa school at hindi na pwede magback-out.
Nang medyo umayos na muli ang pag-iisip ko ay tinuloy ko ang binabasa at pagsusulat.
Alas-tres y media na ng hapon nang matapos ang ginagawa. May gagawin pa ako pero pwedeng bukas na 'yon at baka hindi na kayanin ng utak ko.
Tumayo ako at nag-strech nang katawan. Naisipan kong lumapit sa sliding door ng balkonahe ko upang silipin sana si Rhys. Hindi pa kami nagkikita simula pa kaninang umaga dahil pareho kaming busy sa school works. Hanggang text lang ang usapan namin.
Lumabas ako ng balkonahe at pupulutin na sana 'yong mahabang stick na pangkatok sa sliding door ng kanyang room ng makita s'yang nagmamadaling maglakad at bihis na bihis.
"Rhys!" tawag ko sa kanya.
Napatingin siya sa 'kin at namilog ang mata, bigla ay umiwas siya ng tingin.
"Saan ka pupunta?" malaks na tanong ko.
"D-D'yan lang sa mall.." sagot niya na umiiwas ng tingin.
Napangunot ang noo ko. Hindi niya sa 'kin sinabi ang planong n'yang 'yon at hindi siya nagtext sa 'kin na aalis siya kung hindi ko pa naisipang silipin siya. Alam ko naman na hindi rin naman niya obligasyon na sabihin ang mga lakad niyua sa 'kin.. but still.. kahit man lang magpaalam siya.
Hindi ako nakasagot at parang may naramdaman akong kirot. Tumango na lang ako.
Walang lingon siyang nagtungo sa gate nila, marahil ay nandoon na sa labas ang kotse niya.
Napapangusong bumalik ako sa kwarto. Plano ko sana magmeryenda pero nawalan ako ng gana. Padapa akong nahiga sa kama.
Kahit naman noon pa man ay nagpapaalam talaga siya sa 'kin up until now na parehong may mutual understanding na kami sa isa't-isa.
Bigla ay nakaramndam ako ng kakaiba. Kutob at pangamba 'yon na agad kong isinwalang bahala dahil hindi maganda 'yon sa pag-iisip.
Nakatulugan ko 'yon at nagising na lang ako ng may padampi-damping dumidikit sa labi ko. Unti-unti akong naalimpungatan kaya tumigil 'yong dumidikit sa labi ko. Iminulat ko ang mga mata at nalayo ko ang ulo nang tumambad sa 'kin ang malaking Teady Bear na nakatagilid.
"W-What the..." anas ko.
Nang unti-unti iyong umangat at ang mukha ni Rhys ang nabungaran ko na nakatagilid na nakahiga.
"Surprise?" nakangiting aniya.
Namilog ang mata ko at napamaang. Bumangon si Rhys at pa-indian seat na naupo habang kalong ang malaking Teady Bear at nakadungaw siya sa likod.
YOU ARE READING
Lucky (Stand-Alone)
General FictionSTAND-ALONE SERIES: LUCKY -- RHYS and WINTER, Bestfriends since birth, born in the same Month, Day, Year and Hour. They like brothers- Yup. Winter is a Lesbian but everything changed when Rhys accidentally kissed Winter on the lips. Her feelings to...