Chapter One

1.1K 39 9
                                    

A/N: Kung nabasa niyo ang EIOY nandun silang dalawa hehe.

Happy reading.

Chapter One.

NAPATITIG AKO kay Rhys na naglalaro ng basketball sa court dito sa village namin.

"Tara na." aya ko.

Huminto siya sa paglalaro at binalingan ako, "Maya na tayo pumunta." aniya.

Inikutan ko siya ng mata at tumayo, "Bahala ka d'yan." sabi ko at umalis na ng court bitbit ang bote ng tubig ko.

Ilang sandali lang ay naramdaman ko ang pawis niyang braso sa balikat ko. Napangiwi ako.

"Pawis ka, bro!" pinilit kong alisin 'yon ngunit mas hinigpitan lang niya pagkakakapit.

"Arte mo, bro! pawis ka rin naman!" aniya.

Hinayaan ko nalang siya at nagpatuloy nalang sa paglalakad. Gusto ko rin naman ang pag-aakbay niya, eh.

Naghiwalay lang kami ng nasa tapat na kami ng mga bahay namin— magkatabi ang bahay namin.

"Punta nalang ako d'yan." sabi ko habang papasok ng gate.

"Sige!" aniya.

Pagkapasok ay napabuntong hininga ako at pumasok na ng bahay. Naabutan ko si Mama at si Papa sa sala habang nanonood ng T.V.

"'Nak, samahan mo nga si Fall sa book store." Mama said while looking at me.

"I can't, 'Ma, may gagawin kami ni Rhys ngayon, maliligo lang ako." saad ko.

Nanunuksong ngumiti si Mama, "Babae ka na ba uli?"

Napangiwi ako, "Babae ako, 'Ma, pusong lalaki lang."

Sumimangot si mama sa'kin, "Wala ba talagang pag-asa kayo ni Rhys?"

Hindi makapaniwalang tinignan ko si Mama, "Ma, bro ko 'yon si Rhys.. mandiri ka nga, 'Ma!"

"Tigilan mo na nga 'yang si Winter, Alexa." saad ni Papa at tinignan ako, "Ligo ka na." aniya at nginitian ako.

Umakyat na ako papunta sa kwarto ko. My parents supports me. Hindi nila kinukwestyon kung bakit ganito ako— tomboy. Alam ko naman na simula nag elementary ako. Hindi ako na-a-attract sa lalaki— sa babae ako nagkakagusto.

Pero si Mama kasi lagi akong inaasar kay Rhys— kung pwede lang talaga, eh.

Patihaya akong nahiga sa kama ko kahit pawisan pa ako. Napatitig ako sa kisame ng kwarto ko at inalala ang gabi nang mahalikan ako ni Rhys.

I went to their house when tita Melanie— his mom called me.

"Wala pa si Rhys." nag-aalalang sambit ni Tita.

Naitikom ko ang bibig. Alam ko kasi kung anong nangyari kay Rhys.

"Hindi niya sinasagot tawag ko— baka ano na nangyari sa kanya."

"Tita.. Nagpapakalasing po kasi siya ngayon." pag-amin ko.

"W-What?!" gulat na tanong nila Tita Melanie and Tito Ryan.

Napakamot ako ng ulo, wala rin naman mangyayari kung hindi ko sasabihin ang totoo saka, magulang sila ni Rhys kaya kailangan kong sabihin kahit pinakiusapan ako ni bro na 'wag kong sabihihin.

"N-Nagbreak na po kasi sila ni Madelaine." sabi ko.

Si Madelaine, siya 'yong tatlong taon ng girlfriend ni Rhys. Hindi lang sa 'kin sinabi ni Rhys kung bakit sila naghiwalay.

Lucky (Stand-Alone)Where stories live. Discover now