Chapter Four

665 31 4
                                    

Chapter Four.

DUMAAN ANG mga araw at mas lalo pa 'yata akong lumalala. I mean, hindi pa rin mawala 'yong sinabi ng kapatid ko.

Huwag kang umasa, Winter!

Sabado ngayon, wala kaming pasok ni Rhys every weekend. Bumaba ako at nagtungo sa dining room namin.

Naabutan ko si mama na naglalatag ng almusal habang si papa naman ay nagbabasa ng dyaryo. Ang mga kapatid ko ay pupungas-pungas pa ang mga mata, halatang kakagising lang.

Ganito sa 'min, dapat sabay-sabay kaming mag-almusal kahit na inaantok ka pa pero after magbreakfast ay pwede na uling matulog.

"Good morning.." I greeted my parents and my younger siblings.

"Good morning, Ate!" bati ni mama sa 'kin.

"Morning, darling.." si Papa.

Umupo ako sa tabi ni Summer na humihikab.

"May lakad kayo nina Rhys mamayang gabi?" si Papa at tumingin sa 'kin.

Tumango ako, "Yes po."

"With your dudes?" tanong niya muli.

Tumango ako uli. Si Rhys ang nagpapaalam sa parents ko kapag may lakad kami kagaya nang pagpunta sa bar pero kapag dyan-dyan lang ay ako na nagpapa-alam sa parents ko.

"Baka malasing ka n'yan?" tinaasan ako ng kilay ni papa.

Ngumiti ako, "Kaya nga nandyan si Rhys, 'Pa, Bawal siya mag-inom dahil magmamaneho siya, pero ako pwedeng uminom ng marami.."

"Naku! Paano kapag nalingat si Rhys? Baka kung ano gawin sa 'yo ng mga lalaki do'n—"

"Papa! Walang gagawin sa 'kin 'yong mga lalaki doon! Halata naman sa pananamit ko, 'Pa!" putol ko sa sasabihin niya, "And besides, kasama namin ang mga dudes namin do'n, so chillax, 'Pa.."

"Maski na tomboy ka, lalaki ang kilos and panonoot ay babae ka pa rin, 'nak. Mukhang babae pa rin ang mukha mo— and you are beautiful mana ka sa mama mo.." ngumisi si papa at binalingn si mama, "I love you, honey-baby.." aniya kay mama.

Napanguso nalang ako sa papuri ni papa sa 'kin. Sana nakikita rin niya 'yon..

Matapos mag-agahan ay lumabas ako ng bahay para pumunta kela Rhys na katabi lang din ng bahay namin.

Pagkapasok ay agad akong dumeretso sa dining nila dahil naririnig ko ang boses nila doon.

"Good morning!" Bati ko sa kanila.

"Oh, Winter, mag-almusal ka muna.." aya ni tita Melanie.

"Kakatapos lang po namin mag-almusal, Tita.."

"Kamusta pala, Winter?" tanong ni Tito Ryan nang umupo ako sa tabi ng inaantok pang si Rhys.

"Okay lang po, tito.. hindi pa masyadong stress sa school.." sagot ko.

Hinilig ni Rhys ang ulo niya sa balikat ko kaya binalingan ko siya. Nakapikit siya at nakanguso.

"Napuyat ka ba?" tanong ko.

"Hmmm.." ang tanging nasagot lang niya.

Just like us, sabay-sabay rin sila dapat mag-almusal, wala dapat hindi nakakasabay.

Napailing nalang ako at muling bumaling kela tito at tita. Nagulat pa ako ng maabutan na nakatingin sila sa 'kin habang may naglalarong ngiti sa mukha niya.

Napatalon ako ng puluputin ni Rhys ang mga braso sa bewang ko. Muli ko siyang binalingan at nanlaki ang mata ko ng maabutan siyang nakatingin na sa 'kin.

Lucky (Stand-Alone)Where stories live. Discover now