A/N: Hello! OMG! After a year nakapag-update na rin. Huhu! Pasensya na po talaga!
Kumusta po kayo? Maraming nangyari sa 'kin sa nakalipas na taon. Isa na roon ay ang pagkawala ng Mama ko, nitong March lang po 'yon kaya mas lalo akong nawalan ng drive sa pagsusulat noon. Pero ngayon naman po ay naibabalik ko na. Thank you sa mga naghintay huhu.
Anyways, ang His Lady Bodyguard at The Two Gays Who Stabbed My Rose ay nasa Dreame na po. You can check my profile sa Dreame (LlamaAmbs) and add niyo na sa library niyo poooo!
Chapter Thirty-Nine.
"I'M..." UMPISA niya, "I'm jealous..." mahina niyang sabi.
May kung anong bumagsak sa loob ko ng sabihin niya iyon. Nagseselos siya sa kung sino ang umaaligid kay Madelaine? Bakit parang...
Kumurap ako at nag-iwas ng tingin, "Uhh.. y-you should talk to her at sabihin mo sa kanya 'yan."
Ano ba nangyayari sa 'yo, Winter?! Bakit ganito?! Bakit hindi ko gusto 'yong sinabi niya?
"Hindi ako nagseselos dahil siya Madelaine..." Mahina nitong sabi.
Mabilis akong napalingon sa kanya dahil doon. May kung anong dumagungdung sa dibdib ko nang paglingon ko ay nagtama ang paningin namin. Nandoon pa rin ang kunot sa mga noo niya, na parang ayaw niya ang ideang nagseselos siya kung kanino.
Mariin akong napalunok bago ko siya tanongin, "K-Kanino?" May kung anong paghihintay sa loob ko sa isasagot niya sa 'kin.
Nag-iwas siya ng tingin sa 'kin. Mariin siyang pumikit at kita kong nagtaas-baba ang kanyang adams apple sa paglunok.
Umiling siya kalaunan, "Nevermind." Aniya at tumayo siya para magtungo sa kanyang banyo.
Ilang segundo pa akong napatitig sa pinto ng kanyang banyo bago ako nagdisesyon na tumayo na para umalis na.
"Aalis na ako, Rhys." Sabi ko.
Wala akong narinig na sagot mula sa kanya kaya lumabas na lang ako sa kwarto niya para makauwi na sa 'min.
Dumating ang araw kung saan ay nag-umpisa na talaga ang trabaho namin. Marming tambak na projects dahil sa'min ibinato ang kailangan na projects sa europe.
Busy ako sa ginagawa, tutok sa monitor ko ng may maglapag ng kape sa gilid. Napatingala ako at nakitang si Sir Damiel 'yon.
"You are frowning too much." Aniya sa mahinang boses na tanging ako lang ang makakarinig.
Bahagya akong lumingon sa office at nakahinga naman ako ng maluwag ng makitang busy sila sa mga kanya-kanyang ginagawa.
Bumaling ako kay Damiel at nginitian siya, "Thank you, Sir." Kinuha ko ang kape at humigop doon.
Tinignan niya ang pangbisig na relo, "It's almost lunchtime. Where are you guys going to eat?" Tanong niya.
"Maybe in the fastfood across the street." Sagot ko.
Hindi ko muna tinuloy ang ginagawa kasi nakakabastos 'yon kahit na kailangan ko ng gawin pero dahil siya ang boss ay hindi pwede 'yon na may ginagawa ako habang kausap siya.
"As much as I want to join you guys, Mr. Lagma wants us to eat in the restaurant somewhere." Aniya.
"It's okay. It'll be suspicious if you'll join us for lunch, sir." Magalang na sabi ko, "Maybe next time." Ngumiti ako.
YOU ARE READING
Lucky (Stand-Alone)
General FictionSTAND-ALONE SERIES: LUCKY -- RHYS and WINTER, Bestfriends since birth, born in the same Month, Day, Year and Hour. They like brothers- Yup. Winter is a Lesbian but everything changed when Rhys accidentally kissed Winter on the lips. Her feelings to...
