Author's Note: Hello! Sorry super late ng update natin. Nasabi ko rin na babawi ako pero hindi ko nagagawa dahil hindi pinahihintulutan ng panahon. Charr. Busy kasi ako sa umaga, gabi na lang ako (10pm) halos nakakabisita sa Wattpad. Alam niyo na kapag bunso at taong bahay HAHAHAHA
So anyways, may groupchat tayo. If you want to join just add and message me sa Facebook ko.
FB Account: LlamaAmbs WP
FB Page: LlamaAmbs' StoriesHope you'll like the update!
Happy Reading~Chaptet Thirty-Four.
DINALA n'ya ako sa isang steak house na may unli rice. Sabi n'ya ay hindi pa siya nakakapag-lunch pagkagaling niya sa byahe from Boracay. Sakto rin naman at hindi pa ako nakakapaglunch.
Dahil friday at umaga pa lang ay hindi pa puno ang steak house kaya hindi na namin kailangan pumila pa at agad kami nakakuha ng lamesa. S'ya na rin ang nag-order at pagkatapos ay agad na s'yang bumalik sa table namin.
Ramdam ko ang paninitig n'ya kaya napatingin ako sa kanya. Nakapalungbaba si Rhys habang mataman akong tinititigan.
"Bakit?" Tanong ko bagamat ramdam ko ang kaonting pagkailang.
Napanguso s'ya, "Naisip ko lang 'yong... nangyari sa 'tin five years ago..." Marahan at maingat n'yang sinabi ang mga 'yon.
May alangan at paninimbang ngayon ang paninitig n'ya.
Napabuntong hininga ako, "Bakit?" Muli ay tanong ko.
"Nakapag-sorry na ba ako sa 'yo?"
Hindi ako nakasagot, hindi ko alam ang isasagot. Sa totoo lang hindi pa ako handa pag-usapan ang nangyari sa nakaraan. I am okay now. Ayaw ko lang maalala uli ang mga naramdaman ko noon.
"I just want to apologize to you, bro... I know kulang 'tong sorry ko sa mga nagawa ko sa 'yo noon. Kulang ang sorry ko para mabalik ang pagsasama natin..." bigla ay hinawakan n'ya ang kamay ko, "Gusto kong bumalik tayo kung ano tayo noon. I missed you so much, bro." Aniya.
Napamaang ako dahil sa kanyang sinabi. Seryoso ang mukha n'ya, maging ang nakikita ko sa mga mata n'ya. He wants us to be bestfriends... again. 'Yong walang feelings involve. Just bestfriend to bestfriend feeling.
At dahan-dahan ay tumango ako. Okay naman na ako. Okay na okay...
Dumating ang inorder namin kaya naging busy na rin kami sa pagkain. Kuamin na kami habang nagku-kwentuhan sa mga nangyari sa'min.
"Maraming mga projects ngayon kaya minsan late kami nina Papa at Tito kung umuwi. Mabuti na nga lang naging maluwag na ang mga gagawin ko at nakapagbakasyon kami ni Madelaine." Nakangiti n'yang kwento, "Ikaw? Kumusta naman ang buhay mo sa states?"
"Okay naman. Hindi ako masyadong naggagala roon kahit pa may day-off ako. Masyado akong pagod para ilaan ang day-off ko sa pag-gagala." I shrug my shoulder.
"Hindi ka nagpunta sa over-looking sa city light? I know you loved seeing city lights and buildings."
"Gabi-gabi nakikita ko naman 'yon dahil over-looking ang apartment ko." Ngumisi ako.
"How's your-"
"Winter?"
Nahinto si Rhys nang may tumawag sa'kin. Nang lingunin ko ay ang mga kasamahan ko palang pinoy at ilang american nationalities na ma-a-assigned dito sa pilipinas din. Pansin ko ang akma nila pagpunta sa mas mahabang lamesa at mas maraming upuan. Sa totoo lang ay inaaya nila ako pero tinatanggihan ko. Hindi ko naman na rito rin sila kakain.
YOU ARE READING
Lucky (Stand-Alone)
Ficção GeralSTAND-ALONE SERIES: LUCKY -- RHYS and WINTER, Bestfriends since birth, born in the same Month, Day, Year and Hour. They like brothers- Yup. Winter is a Lesbian but everything changed when Rhys accidentally kissed Winter on the lips. Her feelings to...