Chapter Thirteen

487 26 8
                                    

A/N: Hi! sorry natagalan hehe. 

Like my page: LlamaAmbs' Stories

Thanks~

Chapter Thirteen.

"MAG-IINGAT kayo doon, ah? Call us from time to time.." anang ni Mama ng magpaalam kami.

"Yes, 'Ma.." sabi ko at hinalikan na sila sa pinsgi ni Papa.

Si Rhys ay nagmano, nagmano naman ako kela Tita at si Rhys naman ay hinalikan niya ang mga 'to sa pisngi.

Hindi ako makatingin kay Rhys hanggang sa pag-alis namin. Nahihiya ako sa ginawa ko kagabi.

Bakit naman kasi kapag lasing ay kailangan pa gumawa ng katangahan?!

Nakatingin lang ako sa labas ng bintana. Pareho kaming tahimik, tangi ang mahinang tugtog na nagmumula sa music player niya rito sa kotse ang tanging sumasakop sa katahimikan namin dalawa.

Bakit naman kasi kailangan ko pang gawin 'yon? pa'no kung napaamin akong gusto ko siya or worst hinalikan ko pa sa labi!

Naihilamos ko ang dalawang palad sa mukha ko dahil s pagkairita.

"Baka naman magulo 'yang mukha mo?" natatawang anang ni Rhys.

Nahihiyang napalingon naman ako sa kanya. Nakangiti siya at pahapyaw-hapyaw na nililingon ako.

"Iniisip mo pa rin ba 'yon?" may pilyong ngisi sa mukha niya.

Napabuga ako ng hininga, "Syempre! Sino ba naman makakalimot doon?"

"Ikaw! Hindi mo nga naalala, eh.." natatawa niyang aniya, "Look, Bro, forget it. Ayos lang sa 'kin 'yon, ganoon naman na ginagawa mo noon pa, 'di ba?"

"Pero wala 'yong halik-halik sa pisngi, bro!" sagot ko.

Jusko! Naiimagine ko mga ginawa ko sa kanya kagabi.

Napangisi siya, "Ayon lang ang akala mo.." aniya at bahagya akong nilingon.

Namilog ang mata ko at biglang kinabahan. Hindi kaya may mga ginawa pa ako sa kanya?

Humarap ako sa kanya, buong katawan ko, "A-Ano pa ginawa ko?" kabado kong tanong.

Tinignan niya lang ako nang bahagya, nawala ang ngiti niya at maya-maya ay nagbuntong hininga, "Wala."

"Ha?" takang tanong ko.

"Forget it, bro, okay? Ayoko naman na naiilang ka habang nasa tagaytay tayo. Gusto ko mag-enjoy tayo doon. Kalimutan mo muna 'yan." aniya.

Bumuntong hininga ako at napatango. Tama naman siya. Pangit ko ka-bonding no'n kapag ganito ang ikikilos ko. Umayos ako ng upo at pinilit kalimutan ang mga ikinuwento nila Tita sa 'kin.

Kalaunan ay nakalimutan ko nga 'yon. Habang nasa byahe ay nagpapatugtog kami at sinasabayan namin ang kanta pero hindi ko namalayan na nakatulog ako sa byahe.

Pasado Alas-onse nang gisingin ako ni Rhys nang makarating na kami sa hotel na pagche-check in'an namin.

"We're here.." anang ni Rhys na nagtatanggal na ng seat belt.

Nailibot ko ang paningin sa labas at napangiti ng makita ang taal. Si Rhys ang pumili ng hotel, pinili niya ay 'yong kita ang view ng Taal maging 'yong sa kwarto namin. Halos tumakbo ako papunta sa balcony ng hotel room namin at namamanghang napatingin sa taal.

"Wow!" mangha kong saad.

Napapikit ako at dinama ang malamig na simoy ng hangin. Dumilat ako at nilingon si Rhys na inaayos ang mga gamit namin sa built-in cabinet doon sa loob. 

Lucky (Stand-Alone)Where stories live. Discover now