Chapter Fourty

169 6 8
                                        

Author's Note: Hello! Sorry kung ngayon lang ako nakapag-update. Huhu! I was really busy po sa isang story ko na nasa Dreame (The Two Gays Who Stabbed My Rose) Magfo-focus na rin ako. Baka every week na lang ako mag-update dito.

If you want to read my other novels, visit my Dreame account (llamaambs)

And also I have groupchat pwede kayo sumali, just add/follow my fb acc (LLamaAmbs WP)

Thank you for waiting!

Happy reading, guys!


Chapter Fourty.

HINDI KO alam kung anong mararamdaman ko sa mga nalaman ko kay Rhys. Bakit... Bakit gano'n? Bakit ganito ang nararamdaman ko?

Halo-halo. Galit, inis at ang emosyong hindi ko naman dapat maramdaman pa. 

Tahimik kami pauwi sa bahay. Walang imikan. Okupado ang isip ko sa mga sinabi niya at siya naman ay busy sa pagmamaneho. Hindi ko siya nililingon bagamat nararamdaman kong binabalingan niya ako maya't-maya.

"Winter..." Mahinahon at magaan na tawag niya sa pangalan ko na ikinataas ng balahibo ko.

This time ay nilingon ko na siya at nakatingin na siya sa 'kin. Nasa stop light kami kaya nakahinto ang sasakyan.

"B-Bakit?" Tanong ko sabay iwas ng tingin sa kanya.

Hindi siya sumagot pero matagal niya akong tinitigan. Maya-maya ay narinig ko ang pagbuntong hininga niya at ang pag-iwas niya ng tingin dahil nag Go na uli ang traffic light.

Binalot kami ng katahimikan hanggang sa makauwi kami sa mga bahay namin. Agad akong bumaba at walang lingon-lingon na pumasok sa gate namin.

Nanumbalik sa 'kin ang luhaang mukha ni Madilaine at kapag nalaman niya muli 'tong kay Rhys ay alam kong mabibigo siyang muli.

At kasama na rin ako doon. 

Bakit kasama ako doon? Ewan ko, pero naninikip ang dibdib ko.

Narinig ko ang pagmamadali niyang pagbukas ng kanyang pinto maging ang kanyang pagbaba. Agad ko naman binilisan ang paglalakad papasok pero kahit na ganoon ang ginawa ko ay naabutan niya ako.

Agaran n'yang hinaklit ang braso ko at hinarap sa kanya.

Hinihingal siyang napatingin sa 'kin.

"Are you mad?" Parang nag-aalala niyang tanong sa 'kin.

Pinagkunutan ko siya ng noo. Bakit niya sa 'kin tinatanong 'to?

Pero bakit gusto kong sumagor ng Oo, galit ako! Kaso ayaw ko maging komplikado pa ang sitwasyon na mero'n ngayon. Ayaw ko na makigulo kung ano man ang problema nila.

"Why are you asking me that?"

"Why are you mad?" Hindi niya pinansin ang tanong kong 'yon, "Just please, tell me why are you mad--"

Hinarap ko siya ng tuluyan, "Ano sa tingin mo ang dahilan kung bakit galit ako?" 

"Winter..."

"Sasaktan mo si Madelaine." Mariin kong sabi sa kanya, "For the second time, sasaktan mo na naman ang babaeng mahal mo--"

"Akala ko rin noon," aniya at tumitig sa 'kin gamit ang malamlam niyang mga mata, "Akala ko dati na mahal ko pa rin siya, Winter."

Nangilabot ako dahil sa sinabi niyang 'yon.

"It'll sound crazy, but I know who I really love..." Mahina at marahan niyang sinabi 'yon.

The two of us looked into each other's eyes. I could clearly see the emotion in his eyes, the truth in his words, and who he truly loves.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 30, 2025 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Lucky (Stand-Alone)Where stories live. Discover now