Author's Note: Hello, guys! Sorry ngayon lang ako nakapag-update. Busy tayo sa life. Maraming nangyari sakin ng March to Sept na kakaiba na ikina-stress ko.
Pinag-iisipan ko rin na ilipat ito sa Dreame as new story tsaka every week update if ever. Need ko kasi ng extra income pa talaga kasi gipit us HAHAHAHAH charr. Hoefully suportahan niyo din ito doon. And pati pala ang HLB and iba ko pang stories na doon ko na uumpisaha. Naway sipagin ako HAHAHAH
Anyways, happy reading!
Chapter Thirty-Eight.
GRAND OPENING ng company ngayon. Nanonood kami ng nags-speech sa harap. Nasa stage din naka-upo ang mga bosses na nagbigay din ng kanilang speech kanina.
"Grabe! Ang daming poging bago!" Mahina ngunit excited na turan ng katrabaho kong si Zai, isa rin siya sa graphic designer na nakasama ko sa America.
"Tss, nagwork ka lang ba para makakita ng gwapo?" Kunot ang noong tanong sa kanya ni Renmar na nakaupo sa kanan ko.
Nakadungaw siya kay Zai na nasa kaliwa ko naman. Inismiran niya ang lalaki.
"Syempre, 'no! Benefits ko 'yon as a worker, ang makakita ng gwapo para good na good ang araw!" Inirapan niya ang lalaki.
Mahinang nagtawanan ang mgatabi naming katrabaho na nakarinig ng convo nila. Napailing na lang ako. Simula kasi ng magkatrabaho iyang dalawa ay nagbabangayan na hini naman namin maawat kasi talagang parehong mainit ang dugo sa isa't-isa.
Ibinalik ko ang paningin sa stage at agad nahagip ang titig ni Sir Damiel. Nang makita niyang nakatingin na ako ay doon siya ngumiti at maliit na kumaway, napangiti na rin ako ng patago at tumango.
Ngayong week ay hindi muna kami mag-uumpisa dito sa office ng trabaho, next week pa kaya may isang linggo pa kami para mag-relax dahil sa susunod na linggo ay bakbakan na ng mga projects sa 'min.
Kumuha na kami ng pagkain at nagsama-sama kami sa isang malaking table. Tinabihan ako ni Jody at bigla niyang nilagay ang likod ng palad sa ilalim ng baba ko.
"Ganda ng kaibigan natin." Aniya.
"Oo nga! Haba ng buhok!"
"Bakod na bakod!"
Nagtataka naman akong napatingin kay Jody at sa mga katrabaho ko dahil sa kanilang mga sinasabi.
"H-Ha?" Taka ko at sumubo ng carbonara.
"'Teh, ikaw ata pinakamagandang glue na nakita namin!" Anang ni Nikz, isa sa nag q-QC sa 'min.
Nagsalubong na ang mga kilay ko sa pagtataka, "Ano?!"
Hindi sila sumagot pero sabay-sabay at pasimpleng nilingon ang table kung nasaan ang mga bosses, kasama na roon si Sir Damiel na agad kong naabutan na nakatingin sa 'kin.
"Shet! How to be Winter?" Naka-ngusong anang ni Eva isa sa TL na medyo matanda na.
"Ma'am Eves, kahit 'yong mga bagong gwapo napapalingon sa kanya. Kainis ka, Ma'am Winter!" Si Zai na sumimangot. Ma'am o Sir ang tawag namin kapag office hour or kung magbibiruan.
"Mga bagong gwapo? Kami pala Lumang gwapo?" Tanong naman sa kanya ni Renmar.
Napangiwi naman si Zai, "Sinong may sabi na Lumang Gwapo ka?"
Ngumiti si naman ang lalaki, "So, kasama pala ako sa bagong gwapo-"
"Sinong may sabi na Lumang Gwapo ka? Luma ka lang, hindi gwapo!"
At nag-asaran na nga ang uli ang dalawa. Napailing na lang kami sa dalawang 'to. Walang segundong hindi bubuka ang bibig nila ng hindi naglalaitan. Hayys.
YOU ARE READING
Lucky (Stand-Alone)
Fiction généraleSTAND-ALONE SERIES: LUCKY -- RHYS and WINTER, Bestfriends since birth, born in the same Month, Day, Year and Hour. They like brothers- Yup. Winter is a Lesbian but everything changed when Rhys accidentally kissed Winter on the lips. Her feelings to...
