Author's Note: Haller! Sorry sobrang tagal ng update nasabi ko naman na 'yung rason kung bakit medyo slow UD tayo hehe
Thank you sa reader ko and co-EXO-L na si Kristine Isaac for buying my EXO Unsealed album 😊😊
Group Chat update: Add me at facebook LlamaAmbs WP and message me AMP para sa mga gustong sumali po~
Typo & grammatical errors ahead
Happy reading~
Chapter Thirty-One.
THEY are smiling from ear to ear habang binabati nila ang family namin na masaya silang binati rin.
"Thank you for inviting me, Mare.." Beso ng mommy ni Madelaine kay Tita at maging si Mama.
Oh. That's why. Tita invited them.
Parang kinurot ang puso ko dahil doon. Hindi ko naman masisisi si Tita dahil hindi naman n'ya alam ang tunay kong nararamdaman para sa anak n'ya.
"GoodEvening po, Tita Melanie." Lumapit sina Madelaine at Rhys kay Tita, hindi pa nila ako napapansin na nakatayo lang sa tabi hindi malayo sa kanila.
"Good evening, hija! You looked gorgeous in your dress. Mas lalo kang naging maganda." Anang ni Tita at mababasa ang paghanga sa mukha niya habang pinagmamasdan ang mala-dyosa sa suot si Madelaine.
She was wearing a polca dot botton a line bell sleeve high waist midi dress na talagang bumagay sa kan'ya. Nakapusod ang kanyang buhok at may nakalaglag na strands ng kanyang buhok. Naka-light make-up din s'ya na mas pinatingkad lang lalo ang natural n'yang ganda.
Napadako ang paningin ko kay Rhys na masayang pinagmamasdan ang kasintahan, kitang-kita ko 'yon sa mga mata n'ya.
Napatingin ako sa suot ko na parang naitsapwera dahil sa suot ni Madelaine. Pinuri din naman ako pero hindi kasing ganda at sigla ng pagpuri ka Madelaine.
Bigla ay pumait ang buong kalooban ko. Gusto kong magpalit sa normal kong sinusuot, parang hindi na ako komportable dito sa dress na 'to.
Iiwas na sana ako nang tingin pero nahagip ako ng mata ni Rhys. Nawala ang ngiti n'ya at napamaang s'ya ng mapagmasdan n'ya kung ano ang itsura ko ngayo. Napaiwas ako ng paningin at tumalikod sa kanila.
Ginawa ko na lang okupado ang sarili sa pamamagitan nang pag-aayos ng mga pagkain sa mesa pero sa buong durasyong ginagawa ko 'yon ay ramdam kong may tumitingin sa 'kin na sinawalang bahala ko 'yon.
Nagpatugtog na sina Papa mula sa videoke. Sinimulan na rin nilang buksan ang mga kotse para ihanda sa pagsalubong ng bagong taon. Ang mga kapatid ko at sina Maverick at Jace naman ay naghahanda na sa pagtalon.
Mom gave as torotot at agad naman nag-ingay ang mga bata. Si Papa, Tito Ryan at si Tito Tonio, tatay ni Madelaine naman ay hinahanda na ang mga paputok na gagamitin nang sumapit na ng 11:50 pm.
Sina Rhys, Madelaine, ang kuya nito ay nasa harapan ko at busy sila sa pinag-uusapan.
Ginawa ko namang busy ang sarili sa cellphone ko at binati sila Dudes, Ate Riley, Ate Mhia at si Hunter ng Happy New Year.
Lahat kami nagsipagtayo nang dalawang minuto na lang ay new year na. Hindi ko maiwasang mapatingin sa gawi nina Rhys at mapait na napangiti. He must be very happy. Kitang-kita ko 'yon sa mga mata n'ya, the way it is smile and shines while looking at her.
Mariin akong napalunok at napaiwas ng tingi at sakto naman na nagtagpo ang mga mata namin ni Mama na tipid lang ngumiti sa 'kin. Kanina pa n'ya siguro ako pinapanood.
"HAPPY NEW YEAR!" We all shouted after the clock hits 12 midnight.
Naging maingay ang paligid dahil sa fireworks, tunog ng mga torotot, kaldero at busina ng mga sasakyan at malakas na ugong ng motor dito sa subdivision.
YOU ARE READING
Lucky (Stand-Alone)
Fiksyen UmumSTAND-ALONE SERIES: LUCKY -- RHYS and WINTER, Bestfriends since birth, born in the same Month, Day, Year and Hour. They like brothers- Yup. Winter is a Lesbian but everything changed when Rhys accidentally kissed Winter on the lips. Her feelings to...
