Author's Note: Hello! Finally may update na rin~ Sorry late :(( Na stress ako sa Axie.at hindi ako makapag focus sa pagsulat. 😂
I will to update everyweeked po. Try ko 🙏🏻
Fun Facts:
Fact#4: My favourite colors are Black and Gray~
Add my Fb Accnt: LlamaAmbs WP
Like/Follow my Fb Page: LlamaAmbs' Stories
Enjoy reading!
Chapter Twenty-Three.
WE'RE IN the theater hall kung saan kasama ang ibang candidates na gagawimg LGBT Pageant para sa Christmas event.
Tatlong linggo na ang nakalipas, natapos na last week ang sports league ng mga universities. Nag-Champion muli ang Baseball team at MVP si Hunter. Nakakalungkot nga dahil hindi kami nakanood sa championship nila dahil saktong tumapat 'yon sa oras ng class namin.
Ngayon ay back to normal na uli ang lahat, naghahanda na lang uli sa paparating na exam at mga events na magaganad, dalawang buwan mula ngayon.
Nilingon ko kung nasaan sina Rhys at sina Dudes, naka-upo sila sa pangatlong hilera ng mga upuan dito sa Theater hall.
Si Rhys ay nakasandal ang likod sa sandalan habang ang kanang siko ay nakapatong sa arm rest habang nakapalung-babang matamang pinapanood ako. Napapanguso naman ako sa pagkailang.
Kailan pa ako naging ganito? Parang nagiging pabebe na ako, ah?
Si Jameson naman ay kung todo ang ngiti na nagmumukha na siyang pusa sa Alice In Wonderland. Focus na Focus siya sa bago niyang kursonadang lesbian na si Rix. Talaga ngang magugustuna 'to ni Jameson dahil kagaya ko ay maputi at gwapings din. Panay ang irap niya kay Jameson na binibigyan siya ng flying kiss.
"Mabuti naging kaibigan mo 'yan, Pre?" Anang ni Rix na katabi ko.
Natawa naman ako. Rix has under cut hair, kung manamit ay panglalaki talaga pero umaangat talaga ang femenine features kagaya na lang ang pagiging maliit ng mukha niya.
Mabuti na lang talaga at nalihis na ang pagkahibang sa 'kin ni Jameson.
Nasa bente kaming kandidato dahil ang ibang kurso naman ay walang bakla o tomboy kaya 'yong mayroong mga kasapi sa community na course lang ang mayroon. Hindi rin lahat ng level ay mayroong representante.
"So.. It is like the normal pageant. Girls will wear gowns and boys will wear a tux.." Anang ng prof na naka-assign sa event na 'to, "Mga lesbian ang magsusuot ng gowns habang kayo naman ay tux." Baling niya sa mga bakla.
Syempre may mga umapilang mga tomboy at bakla, habang ako ay okay lang sa 'kin. I was thrilled by that.
Ang kailangan lang naman daw ihensanyo ay ang tamang paglalakad at formation namin sa stage. Ang Q & A daw ay biglaan 'yon kaya dapat daw ay mas paghandaan daw 'yon. Makakaroon din daw ng Sports attire, Summer Attire at Winter Attire which is bago ang Q&A.
"So the rehearsal will start by next month, first monday of the month.."
Maraming nagtanong kung paano ang magiging oras dahil magkakaiba ang time ng class namin, meroon pa ngang hapon hanggang gabi ang klase.
"We will announce it na lang if anong time at anong mga araw ang pwede."
Nang matapos ay agad akong pumunta kela Rhys na agad tumayo bitbit ang gamit ko.
"Magkita na lang tayo bukas.." Anang ni Jameson at sinundan na si Rix.
"Mabuti naman at walang swim suit competition." Anang ni Rhys kaya napalingon ako sa kanya.
YOU ARE READING
Lucky (Stand-Alone)
Genel KurguSTAND-ALONE SERIES: LUCKY -- RHYS and WINTER, Bestfriends since birth, born in the same Month, Day, Year and Hour. They like brothers- Yup. Winter is a Lesbian but everything changed when Rhys accidentally kissed Winter on the lips. Her feelings to...
