Chapter Three

612 30 2
                                    

Chapter Three.

NAPABALIKWAS ako nang bangon dahil sa panaginip na 'yon. Nasapo ko ang dibdib at pinakiramdaman ang lakas ng tibok ng puso ko.

"S-Shit.." usal ko.

Nakagat ko ang labi at inalala ang panaginip ko na kung saan ay hinalikan ako ni Rhys. 'Yonlng eksena ay sa kwarto niya at 'yon 'yong nangyari kaninang— naglalaro kami ng play station niya.

Napahawak ako sa labi ko. Ramdam na ramdam ko 'yon kahit na isang panaginip lang 'yon.

I can still feel his lips on mine..

Napatingin ako sa digital clock ko sa side table ng kama at nakitang 11 pm na pala. Maaga akong nakatulog, mga hapon 'yon matapos namin maglaro ni Rhys sa kwarto niya.

Nakaramdam ako ng kulog ng tyan hudyat na nagugutom na ako. I sighed and get off of my bed.

Napalingon ako sa glass door ng veranda ng kwarto ko, nakabukas ng bahagya ang kurtina kaya kita ko ang veranda ng kwarto ni Rhys. Nakabukas pa ang ilaw niya.

"Bakit gising pa 'to?" tanong ko sa sarili.

Bumuntong hininga ako. Kahit na nanaginip ako ng kakaiba tungkol sa kanya ay nagawa ko pa rin pumunta ng veranda ko at kinuha ang mahabang stick na nakatayo sa gilid at ginawa 'yon na pang tuktok sa glass door niya.

Ilang sandali lang ay lumabas si Rhys na may pagtataka sa mukha pero nawala 'yon ng makita ako.

"Oh? Kakagising mo lang?" gulat niyang tanong.

"Hmm.." tumango ako.

"Nag-dinner ka na?"

"Mag-di'dinner palang.."

"Ayos!" aniya at ngumiti, "Nagugutom ako, eh."

"Tss. Bubuksan ko 'yong pinto sa kusina.." ayon lang ang sinabi ko at lumabas na ng kwarto at nagtungo ng kusina.

Tinanggal ko ang ang pagkakalock ng pinto at nagpunta na ako sa ref para kunin ang ulam at painitin saka naglagay ng kanin sa malaking mangkok namin, dalawang pinggan, dalawang pares ng utensils, baso at juice rin ang hinanda ko.

Hindi ko maiwasang maglakbay ang isip ko sa panaginip. Sa panaginip ko ay may iginigiit doon si Rhys, hinalikan niya ako sa labi upang maalala ko ang nangyari raw no'ng linggo, sa birthday ng kambal na anak ni ate Riley.

Napahawak ako sa labi ko at hindi ko alam kung bakit may kumiliti sa puso ko gayong panaginip lang naman ang nangyaring 'yon  at tatlong taon na ang nakakalipas nang mahalikan ko siya.

Unang halik na nagpamulat sa 'kin na maaari pa akong magkagusto sa lalaki. Halik na nagpabago sa sistema at puso ko at halik na nagbigay sa 'kin ng malisya sa mga ginagawa niya. Halik na nagpalambot sa puso ko at nagpaduwag sa damdamin ko.

Natauhan lang ako sa pag-iisip ng marinig ko ang marahang pagbukas ng pinto dito sa kusina.

Nilingon ko si Rhys na naka long sleeves pull over na kulay blue at naka sweat pants na kulay abo. Nangunot ang noo ko nanh makita na dala niya ang kanyang favourite na unan.

"I will sleep in your room, bro.." aniya nang makita ang pagtataka sa mukha ko.

Kung dati baliwala lang sa 'kin ang pagtulog namin sa i-isang kama. Ngayon ay halos mailang na ako, hindi ko lang pinapahalata dahil ayokong kwestyunin niya kung bakit naging ganoon aksyon ko.

Sa loob ng tatlong taon, kapag nagkakalapit kami ay naiilang na ako. Nalalagyan ko 'yon ng malisya na dapat ay hindi.

Inilapag ko na ang pinainit na ulam at saka kami umupo. Medyo umusog ako papalayo kay Rhys dahil tumabi siya sa 'kin at sobrang lapit no'n.

Lucky (Stand-Alone)Where stories live. Discover now