Please subscribe po sa aking YouTube channel assumer21😊
Halos mapunit na ang ngala-ngala ni Sisay sa kakasigaw dahil sa ginawa ni Landon na basta-bastang pagpasok nito sa kanyang walk in closet at ngayon nga ay yakap siya mula sa likuran. Nangangatal na rin ang kanyang buong katawan hindi dahil sa hangin na nanggagaling mula sa aircon kung 'di sa isiping halos hubad niyang katawan at ang init na nagmumula mula sa asawa.
"Kapag 'di ka umalis na bastos ka idedemanda na talaga Kita." Nagpumiglas pa siyang lalo ngunit lalo lamang hinigpitan ni Landon ang pagkakayakap sa kanya. At himala namang hindi man lang nagising ang anak nilang natutulog lamang sa kabilang kuwarto.
Naramdaman niya ang malalim na pagbuntong hininga ng asawa na nanatiling nakasubsob ang mukha sa bandang batok niya buti na lang nakalugay ang kanyang buhok malamang nagtaasan na ang mga buhok niya sa buong katawan.
Akma niyang kakalasin ang mga braso ng asawa na nakapulupot sa bewang nang kusa itong kumalas, saka dahan-dahan siyang iniharap dito kaya naman kuntodo yuko ang ginawa niya dahil sa sobrang hiya na nararamdaman at mabilis na iniharang ang isang kamay sa tapat ng dibdib at sa pagitang ng kanyang mga hita.
"Umalis ka na kasi," naiiyak na pakiusap niya sa halos pabulong na tinig.
Hiya at galit ang nararamdaman niya sa pagkakataong ito idagdag pa ang isiping baka matukso ang asawa sa magandang assistant nitong si Reema. Oo, ngayon baka hindi pa pero paano sa mga susunod na araw na palaging magkasama ang mga ito? Dahil sa isipin ay tuluyan na siyang napahagulhol ng malakas at kahit mataas ang lalaki ay nagawa niyang paghahampasin ito sa dibdib, nawala na sa isipang nakasuot lamang siya ng underwear.
"Ang sama mo, ang sama mo." Bakit babae ang kinuha mong assistant? Paano kung akitin ka niya at magpaakit ka naman? "Bakit? Bakit?" Hindi niya magawang idugtong ang gustong sabihin. Para siyang mababaliw sa kakaisip na baka mambabae ito at iwan sila.
Sa halip na awatin siya ni Landon sa kanyang pananakit dito ay hinayaan lamang siya ng lalaki, siguro pinabayaan siya nitong ilabas ang galit para dito. Malamang nababasa na nito ang mga iniisip niya, ganoon siya kakilala ng asawa. Hilam sa luhang tumingala siya sa asawa nang makaramdam ng pagod sa ginagawa at parang balewala lang dito ang mga pananakit niya. Sinalubong niya ang walang ekspresyong mukha ng asawa na nakayuko lamang at nakatingin sa kanya. Gusto pa sana niyang bulyawan ang kaharap ngunit hindi na iyon natuloy nang maingat na hinawakan ng magkabilang kamay nito ang kanyang mukha at buong ingat na hinawi ang mga hibla ng buhok na tumakip dito, gamit din ang mga daliri ng asawa nang pahirin ang mga luha niya na patuloy sa pagdaloy. Hindi niya mabasa kung ano ang nasa isipan ni Landon basta matiim lang itong nakatitig sa kanya.
Lalo pa itong yumuko at hindi niya nagawang umiwas nang dampian ng halik ang kanyang noo. Damang-dama niya ang mainit na labi ng asawa na dahilan upang kusa maipikit ang mga mata upang namnamin ang sandaling nakalapat ang mga labi ni Landon sa kanyang balat. Muli niyang naramdaman ang paghalik nito sa kanyang mga matang nakapikit ngunit patuloy sa pagluha.
"I don't wanna see you cry in pain, kid." Muling pinahid ang luha sa kanyang pisngi at hinalikan ulit siya kung saan dumaloy ang mga luha niya. "There's no reason to worry about such things." Parang alam talaga ng asawa ikinagagalit at ipinagmamaktol niya. Malamang bawat kilos niya ay alam na agad nito kung ano ang kanyang nararamdaman. Alam na alam nito kung kailan siya masaya o malungkot. Ganoon siguro kapag mag-asawa nakikilala mo pa ng husto habang tumatagal ng inyong pagsasama.
Hindi siya sumagot sa sinabi ni Landon at nanatiling nakapikit ang mga mata syempre nahihiya siya sa mga inasal kanina. Parang tanga lang kasi siya dahil masyado siyang transfarent para mahulaan kung ano ang kanyang iniisip. Ipinagpatuloy naman ni Landon ang paghalik sa buong mukha niya na para bang gandang-ganda ito sa kanya hahaha. Gusto niyang tumalon-talon sa sobrang kilig sa isiping sinusuyo siya sa pamamagitan ng mga halik ng asawa upang maalis ang kanyang galit. Pero hindi siya nagseselos kay Reema sadyang mukha lang malandi 'yon!

BINABASA MO ANG
The Young BRIDE
Teen FictionHighest ranking-: #1teen drama Kaunting panahon na lamang ay tuluyan nang maaabot ni Landon Harkin ang pinapangarap na posisyon bilang susunod na hari ng Norway. Ilang taon pa ang gugulin ni Lesley bago tuluyang makaalis sa poder ng tiyahin na labis...