Please subscribe my YouTube channel assumer21 and watch the trailer of THE YOUNG BRIDE just click the video.
Instagram: assumer_21
WATTPAD: Assumer21Happy reading 😘
____"Thank you for everything. Wala akong pinagsisihan na kayo ang pinili ko,"
Naalimpungatan si Lesley sa mainit na bagay na dumadampi sa kanyang mukha, bumungad ang seryosong si Landon na natigil sa ginagawang paghalik at deadma lang sa ginawa. Akala niya ay nanaginip lamang siya sa tinig na narinig pero hindi siya ganoon kasigurado, nahihiya naman siyang magtanong sa asawa kung may sinabi Ito.
Lumayo si Landon at tumuwid sa pagkakaupo, tumikhim muna ito na para bang may nakabara sa lalamunan bago nagsalita.
"Nagugutom ka? May masakit ba sa 'yo? Kumusta ang pakiramdam mo? I think I need to call the doctor,"
Tatayo na sana si Landon nang pigilan niya. "Nasaan ang baby natin? Gusto ko siyang makita."
Pagkatapos niyang ma-cesarean ay mahimbing siyang makatulog dahil na rin sa gamot na itinurok sa kanya.
"Be careful, baka bumuka ang tahi mo. Kukunin ko ang baby natin." Pinigilan din siya ni Landon nang tangkain niyang bumangon.
"Sana hindi mo na lang ipinilit na ma-cesarean ako, iyan tuloy nahihirapan ako ngayon kasi masakit kapag gumagalaw," reklamo niya.
"I don't want to see you in pain, kid, that's the only way para hindi ka mahirapan sa panganganak and our baby is too big according to your doctor." Inayos ni Landon ang unan sa kanyang likuran upang makaupo siya ng komportable.
May pinindot na button si Landon malapit sa bed hospital na kinaroroonan niya at nagsalita roon upang tawagin ang doctor.
"Stay here, kid, kukuhanin ko ang baby natin,"
Sinundan ni Lesley nang tingin ang asawa na halatang excited patungo sa isang crib na nasa kanang bahagi ng malaking kuwarto na halatang mamahalin, may refrigerator, couch at dining table sa loob niyon nang igala niya ang mga mata.
"Your mommy wants to see you, baby," mahinang pagkausap ni Landon sa sanggol na nasa crib habang itinutulak palapit sa kanya. "She is a girl," anunsyo nito nang makalapit sa kanya.
Nakabalot ang baby niya ng kulay puting tela at pink na cute na sumbrero na isa sa mga binili ni Landon, dahil hindi pa alam ng asawa ang gender ng baby noon ay may Mya binili itong pambabae at panlalaki.
Hindi man siya nanganak ng normal naranasan pa din niya ang sakit bago siya isugod sa ospital habang nasa reception ng kanilang kasal. Hindi siya pumayag na mawala sa tabi si Landon, bumitaw lamang siya sa pagkakayakap dito ng nasa loob na sila ng operating room. Bago simulan ang operasyon pinakiusapan muna niya ang asawa na huwag aalis sa tabi na ginawa naman nito. Dito siya kumukuha ng lakas ng mga sandaling iyon kahit naroon ang kanyang mga magulang na sumama hanggang sa ospital.
"Ang baby ko," nangingilid ang mga luhang sambit niya nang tuluyang masilayan ang anak. "Gusto ko siyang kargahin,"
"Kid, pareho tayong walang alam sa tamang pagbuhat ng baby. Ipapatawag ko ang nurse para turuan tayo, mahirap na baka mapilayan," bakas sa mukha ni Landon ang pag-aalala para sa kanilang baby habang titig na titig dito. "O kapag bumalik si Nanay Magda, pinauwi ko muna sila sa bahay ni Helen para makapagpahinga ng maayos."
Hindi na nakipagtalo si Lesley sa asawa dahil tama naman ang sinabi nito, wala din siyang alam kung paano ang tamang pagkarga ng new born baby.
BINABASA MO ANG
The Young BRIDE
Teen FictionHighest ranking-: #1teen drama Kaunting panahon na lamang ay tuluyan nang maaabot ni Landon Harkin ang pinapangarap na posisyon bilang susunod na hari ng Norway. Ilang taon pa ang gugulin ni Lesley bago tuluyang makaalis sa poder ng tiyahin na labis...